Chapter 14: Bully? NO MORE

2.7K 74 0
                                    

Chapter 14

Matthew POV
Nagpaalam na nga sa amin si Alezia na hindi daw muna namin siya maihahatid kasi may kasabay daw siya. Hindi ko mapigilang itanong kung lalake ba yung kasabay niya. Nakahinga naman ako ng maluwag na babae pala. Ano ba tong nangyayari sa akin! Tssk. Siguro overprotective lang talaga ako tsak kailangan ko siyang bantayan dahil onting panahon nalang e magiging kapatid na namin siya kapag nagpakasal sila Mom and Dad. Mom na ang tawag namin sa Mama ni Alezia kasi magiging nanay din naman namin siya kapag nagpakasal na siya kay Dad at si Dad na rin ang nagsabi na tawagin namin siyang Mom. Kaya wala na akong nagawa pero hindi naman kami tutol sa kanilang dalawa kasi alam kong bagay na bagay sila at mabait na nanay si Mom. Wait nga lang bakit ba pinaguusapan natin yung Mom and Dad ko? Tssk.

So saan na nga ba ako? Ayun na nga! Nung naglalakad na kami sa covered court e madaming natatakot sa amin tsaka madaming tumabi para na rin makadaan kami. Kaya naman sinenyasan ko yung mga kapatid ko na tumigil. Nasa gitna kami ng covered court ngayon na ikinatingin samin ng madaming estudyante.

Pumalakpak naman ako ng tatlong beses para makuha yung atensyon nilang lahat. Hindi naman ako nabigo dahil agad silang napatingin samin.

"Ehem! So ngayon sasabihin ko lang na hindi na kami mangbububully sa lahat ng estudyante dito or kahit saan pa man. Napakiusapan kami ng nakakabatang kapatid naming babae na si Alezia" nakita ko naman sa di kalayuan si Alezia na nakatingin sa amin at nakikinig. Ipinagpatuloy ko yung speech ko "Huwag na kayong matakot sa amin, Huwag rin kayong umiwas sa amin dahil hindi na namin gagawin yung dati naming ginagawa. Kaya ngayon ituring niyo nalang kami na mga normal na tao nalang at isa na sa mga kaibigan niyo. Gusto ko lang din humingi ng patawad sa mga nabiktima namin ng bullying. Huwag na kayong mag-alala hindi na namin gagawin ang pangbubully. Pasalamat nalang talaga kami na kinausap ni Alezia si Dad at maging kami na rin. Kaya sana huwag na kayong matakot sami at maging magkaibigan tayong lahat dito. Yun lamang maraming salamat" pagtatapos ko yung iba nagsipalakpakan at yung iba naman e nagsiiyakan dahil na rin siguro sa tuwa. Ganito pala yung feeling no? Ang saya lang sa pakiramdam na wala nang taong iiwas, matatakot at kakaibiganin ka na nila kaya salamat talaga kay Alezia. Napatingin ako sa direksiyon ni Alezia at nakita kong hinahagod yung likod ng kasama niyang babae na umiiyak. Napatingin naman sa amin si Alezia at ngumiti na nagpatibok sa puso ko. Shit! Ayokong nakikita yang mga ngiti na yan kasi may naalala ako. Pero nevermind muna sa ngayon, nakita ko naman nag thumbs up siya sa amin at sinabing "thank you mga kuya" ani niya na ikinangiti naming pito. Narinig naman naming nagring yung bell hudyat na magsipuntahan na kami sa mga classrooms namin. Nagsitakbuhan na yung iba nakita ko din si Alezia na tumakbo na din hila hila niya yung babae na kasama niya. Hindi naman kami tumakbo at naglakad kasi alam naming late naman dadating yung Math teacher namin kaya chill chill lang kami habang naglalakad.

Taehyung POV
Habang nagsasalita si Kuya Matthew sa mga estudyante about sa pagbubully namin e nakita ko ang iba na naging masaya dahil sa narinig nila. Salamat at naisip nila na itigil yung ginagawa nila. Nakita ko namang napatingin si Kuya Matthew sa ibang direksyon at nakita ko kung sino ang titingnan niya si Alezia. Nakita ko ang saya sa mga mata niya. Mabilis na tumibok ang puso ko nang ngumiti siya sa amin at nagthumbs up. Napangiti na lang ako dahil sa kakyutan niya.

Ano nga ba talaga ang nararamdaman ko para kay Alezia?
Pero parang mali na magustuhan ko siya kasi magiging kapatid ko na siya?
What to do? Haaist.

Prince Marck POV
Yun na nga pinatigil na ni Kuya Matthew ang pangbubully namin. Haaaist paano na yung kasiyahan ko? Gustong gusto kong mangbully para naman mapahiya sila. Pero wala na akong magagawa si Kuya na ang nagsabi na itigil at wala nang bullying na magaganap. Nakita ko kung paano magreact ang iba. Nakita ko din sa di kalayuan si Bwisit. Oo bwisit na tawag ko sa kanya. Sobra naman talagang bwisit yan e. Hinding hindi ko makakalimutan yung pagsumbong niya kay Papa dahil sa nanonood lang ako ng porn. Nawalan na ako ng kotse! Nabawasan pa ang allowance ko! Tangina! Hindi ba niya alam ang word na "Boys will always be boys"

Nung nakita kong ngumiti si Alezia e parang napawi lahat ng inis ko sa kanya. Tinitigan ko lang siya at pilit na ngumiti. Ano ba tong nangyayari sa akin? Haaaist siguro sa inis na rin ito sa kanya.

Alezia POV
Buti naman at napagdesisyunan nilang itigil yung pangbubully nila. Sobrang saya ko talaga kanina. Hindi rin mapigilan ni Choi na umiyak kasi hindi na daw kasi siya mahihirapan at hindi na ipapahiya. Kaya kinomfort ko naman siya. Ang kyut niyang umiyak kanina pinipigilan ko lang sarili ko na gigilin yung mga pisngi niya.

Pero sobrang saya talaga ang naramdaman ko dahil sa ginawa nila Kuya kanina. Hindi na rin ako iiwas at matatakot sa kanila. Ang babait naman nila. Kaya kailangan mamaya or bukas may gawin ako sa kanila para naman kahit papaano e maging close kami. Kaunting panahon nalang e ikakasal na sila Mama At Papa. 3 buwan nalang e ikakasal na sila. Hindi daw kasi makapagintay si Papa na pakasalan si Mama. Ang sweet nila. Kenekeleg ake. Aish! Mamaya nalang ako kiligin kapag nasa bahay na ako. Baka hindi na naman ako makapagfocus sa mga lessons.

Seven Pervert StepBrothers (BOOK 1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon