Chapter 32
Matthew POV
Anong oras na at wala pa rin si Alezia. Nagkokontrol lang ako ng galit sa ngayon. Its already pass 9 in the evening and wala pa siya rito sa loob ng bahay. Masyado nang delikado sa labas sa panahon ngayon."Tumawag na kaya tayo ng police" usal ni Taehyung habang palakad lakad sa sala.
"Huminahon ka nga muna saglit. Hintayin nalang natin siya dito" ani ni Jaerred at pinaupo si Taehyung sa tabi niya. Lahat kami dito naghihintay sa kanya. Kapag hindi pa siya dumating tatawag na talaga ako ng police.
Then i heard the door knob being open. Napatingin kaming lahat dun at nakita si Alezia.
"Alezia!" sabay sabay naming sabi. Lalapit na sana ako kaso nagulat kami ng bigla nalang yumakap si Marck kay Alezia.
Lumaki yung mga mata namin maging si Alezia. Bigla naman napabitaw si Marck kay Alezia na nakanganga pa rin ito.
"Sorry i didnt mean to do that. J-just, uhhmm. Forget about it. Ugly Stupid" usal niya at mabilis na tumakbo paakyat ng kwarto niya.
"Saan ka nagpunta Alezia?" tanong ko sa kanya at nag-crossed arms ako sa harapan niya at tinitigan siya. Nakita kong natatakot siya. Huh, dapat lang.
ALEZIA POV
Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay nakita ko yung mga kuya ko na parang naghihintay sa pagdating ko sa sala. Pagkakita nila sa akin agad silang tumayo at lumapit sakin.Bigla akong nanigas ng maramdaman kong may yumakap sakin.
Dug.Dug.Dug
Haluh? Anong nangyayare sa puso ko? Bakit hindi ako makahinga mg maayos? Bakit parang ang sarap sa pakiramdam?
Mas bigla akong nagulat ng makita ko talaga kung sino ito. Si Kuya Marck lang naman aka Mr. Rabbit.
"Sorry, I didnt mean to do that. J-just, uhhhmm, forget about it. Ugly Stupid" tanging sabi niya lang at mabilis na umaakyat sa taas.
Siya? Siya!? yung yumakap sa akin. P-pero bakit?
"Saan ka nagpunta!?" napabalik ako sa katinuan at nakita ko yung anim kong mga kuya na handa na akong sermonan. Waaaaaa! Help meh mommeh pero malas wala dito sila mommy para tulungan ako sa sitwasyong ito.
Nagwawala yung puso ko sa kaba. Sheeeems. Nakakatakot yung tinginan nila. Huminga muna ako ng malalim bago sila kausapin.
"K-kuya, ahhhmm, aaaanooo--" biglang naputol yung sasabihin ko ng bigla akong nakarinig na malakas na hampas.
"Fuck, Alezia! Diretsuhin mo na" sigaw ni Kuya Daevid. Nagulat ako na may halong takot. Hindi ko pa sila nakikitang ganito.
"K-kasama ko sila Tiffany at Nathalie p-para maghanap ng t-trabaho pansamantala para makapag-ipon k-kami ng p-pera" utal kong sabi at hindi ko pala namamalayan na umiiyak na ako.
"I-im sorry Ale---" hindi ko na sila pinatapos at umaakyat sa kwarto ko habang umiiyak.
Bigla kong nakasalubong si Rabbit na palabas ng kwarto niya. Nakita niya akong umiyak pero pumasok na kaagad ako sa kwarto ko na katabi lang niya.
Humiga kaagad ako sa kama at doon umiyak. Bakit ba kasi napaka iyakin ko? Eh kasi ba naman eh! Nakakatakot sila kanina lalo na si Kuya Daevid nung sumigaw siya kaya hindi ko mapigilang umiyak.
'Ring~ Ring~'
Walang gana kong kinuha yung cellphone ko at nakita kong may tumatawag na unknown number. Kahit ayokong sagutin ito pero parang may sariling galaw yung mga daliri ko at sinagot ang Answer. Umayos ako ng pagkakahiga at pinunasan yung mga luha ko.
"Hello?" sabi ko habang nakatingin sa kisame. Hinintay kong magresponse yung sa kabilang linya pero walang sumasagot.
"Hello?" usal kong ulit, narinig kong may tumikhim bago may nagsalita.
"U-uhhhmm, Hello Alezia?" napabangon ako sa higaan ko, papaano niyang nalaman yung pangalan ko? Stalker ko na naman ba ito? Huwaw ha.
"P-papano mo nalaman number ko at ang pangalan ko?" kaba kong tanong. Pinagpapawisan na ako dito pero nakahinga ako ng maluwang kung sino ang caller.
"Don't worry, I'm Jerome. Nagkausap lang tayo kani-kanina lang ha, nakakalimutan mo na ako. How sad naman" ani ni J-jerome? Ahhh! yung lalaking kinausap namin kanina na boss na namin.
"B-boss?" sabi ko pero nakarinig lang ako ng mahinang tawa.
"Jerome nalang, Huwag mo na akong tawaging Boss. Medyo naiilang ako kapag ikaw yung tumatawag sa akin ng Boss" napakunot noo naman ako pero sinunod ko nalang ang utos niya.
"J-Jerome, bakit ka napatawag? Tsaka hindi mo sinagot ang tanong ko kanina kung bakit mo nalaman yung number ko?" nakarinig na naman ako ng mahinang tawa.
"Nakasulat sa Bio mo ang Phone Number mo kaya agad agad kitang tinawagan" ani niya. Pero bakit naman niya ako tatawagan. May kailangan ba siya.
"Ahhh ganun ba. May kailangan kaba?" tanong ko. Napakunot noo na naman ulit ako ng makarinig ako ng kakaibang ingay sa kabilang linya.
"Don't mind at it. Talagang maingay lang sa ibaba. Nasa bar pa naman ako and for answering your question..." Hindi natapos yung sasabihin niya ng may biglang humablot sa cellphone ko.
"Matulog ka na" napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Kuya Matthew na magkasalubong ang kilay habang nakatingin sa akin.
"Kuya! Akin na nga yang cellphone ko!" pilit kong inaabot yung cellphone ko pero mabilis siyang nagpalit ng pwesto.
"Hindi pwede, bukas mo nalang kunin. Matulog kana. Kapag hindi kapa matutulog hindi mo na makukuha tong cellphone mo" natakot ako sa sinabi niya kaya nagtaklob ako ng kumot at natulog. Narinig ko ang pagsarado ng pinto hudyat na lumabas na si Kuya Matthew sa kwarto ko, hindi ko din namalayan na nakatulog na ako.
Matthew POV
Nang naglalakad na ako patungo sa kwarto ko, napatigil ako ng marinig ko yung boses ni Alezia. Parang may kausap siya.Dahan-dahan akong nagpunta sa pintuan niya, at sumilip ng kaunti sa pintuan niya. Nakahiga siya at may kausap sa cellphone niya.
"B-boss?" rinig kong sabi niya. Boss? Sinong boss? Mas lalo akong nagalit ng marinig ko ang pangalan na tinawatawag niyang boss 'Jerome'. So it's a guy huh. Hindi ko alam pero parang gustong gusto kong saktan yang tinatawagan niya hanggang hindi na siya makalakad. Kinuyom ko ang kamao ko nang makita kong ngumingiti ngiti si Alezia.
Pumasok kaagad ako ng kwarto niya at hinablot ang cellphone niya. Nakita ko siyang nagulat at pilit na inaabot yung cellphone niya. No way! Namamaga rin yung mga mata dahil na rin siguro sa pag iyak niya kanina.
"Hindi pwede, bukas mo nalang kunin. Matulog kana, kapag hindi ka pa matutulog hindi mo na makukuha tong cellphone mo" ani ko at nakita kong nagpout siya ng kaunti at nagtaklob ng kumot. Napabuga ako ng malakas na hangin at lumabas ng kwarto niya.
Nakita kong nakaon-call pa. Hindi ako nagdalawang isip at inilagay ito sa tainga ko. Nang mailagay ko na, nakarinig ako ng malakas na sigawan at tugtugan.
"Alezia! Alezia!" sigaw nung nasa kabilang linya. Kinuyom ko ang kamao ko nang talagang lalake ang kausap niya.
"Don't fucking call her again!" usal ko at iniend ang call. Pumasok na ako sa kwarto ko at inilagay ang cellphone ni Alezia sa isa sa mga drawer ko.
Tanginang lalaking iyon, wala siyang karapatan na tawagin si Alezia. Kung sasabihin niyo na nagseselos ako?
YES, I'm fucking jealous!
BINABASA MO ANG
Seven Pervert StepBrothers (BOOK 1) ✔
Fanfiction#1 in btsboys #1 in bangtan Malaki ang kagustuhan ni Alezia Daphne Vergara na magkaroon ng kuya ngunit hindi niya inaasahan na hindi lang isa kun'di pito ang magiging kuya niya na may kapilyuhan ang mga ito ngunit paano nalang kung lahat sila ay m...