Chapter 15: Creepy

2.6K 72 0
                                    

Chapter 15

Alezia POV
Mabilis na natapos yung klase kasi yung mga teachers ay may gagawin na meeting kaya hindi pa naman nag gagabi e uwian na namin. Nagpaalam na sa akin si Choi ng maaga daw siya uuwi kasi pupuntahan niya pa yung yung kuya niya sa kabilang building. Sasamahan ko sana siya kaso nagmamadali siya kaya hindi na ako nakasunod sa kanya. Ako nalang ang naiwan sa classroom namin halos lahat kanina sobrang saya nang nalaman na maaga ang uwian at agad agad na silang nagsitakbukhan para makauwi na din pero ako sinadya ko talaga magpaiwan kasi may bumabagabag sa isipan ko kung paano ko magiging close yung mga kuya ko lalo na nahahalata nila na umiiwas ako sa kanila pero ngayon gagawa ako ng paraan para maging close na kami sa isat isa. Ano kayang magandang gawin?

Kung paglutuan ko nalang kaya sila ng pagkain mamayang paguwi nila? Pwede na kaya yun? Parang sobrang simple lang naman yun kaso ayun lang talaga ang kaya kong gawin. Bahala na nga si Snow White.

Inayos ko na rin ang gamit ko para makauwi na rin ako baka naguwian na din sila kuya at hinihintay na ako. Nang matapos ko nang nailigpit yung mga gamit ko e lumabas na rin ako sa room at sinarado ko na ito bahala na ang mga guard na magkandado diyan e wala naman kasi sakin ang lock at susi e.

Nang makarating na ako sa labas ng gate. Hindi ko nakita sila Kuya at si Mamang Driver alam ko kung ano ang itsura ng kotse namin pero walang kotse ang nandidirito. Lumingon lingon ako sa paligid pero mga kaunting estudyante nalang ang nakikita ko. Natatako na ako dito hindi ako sanay na wala akong kasabay paguwi at hindi rin ako sanay na walang ako katabi habang may hinintay ako. Juskooo pooo.

Kung bumalik kaya ako sa loob ng school at puntahan yung building nila kuya baka kasi sa amin lang yung pina aga ng uwi. Kaya wala na akong choice kundi ang bumalik sa loob ng school. Pero narealize ko kung saang building sila Kuya! waaaaa! paano nato! Madami pa namang building dito. Hindi din naman kasi sinabi sa akin nila kuya kung saang building sila nagklaklase. Aish! Bahala na nga isa isahin ko nalang dito yung mga classrooms sa bandang dulo ako maguumpisa kasi ang pag kakaalam ko ang mga College na e nasa dulo na ng school sila nagklaklase. Malaki tong school kasi High School and University nga diba?

Kaya sinabi ko kay Manong Guard na may nakalimutan ako sa loob at kukunin ko lang ito, tumango na lamang siya at sinabing bilisan ko nalang daw. Kaya tumakbo na ako sa loob at nagumpisa silang hanapin sa mga building. Isa isa kong chinecheck yung bawat classroom yung iba wala nang mga estudyante at yung iba naman e naglelesson pa. Ang weird a. Pero nagpatuloy pa din ako sa paghahanap ng marealize ko na nasa mga rooms na ako na nakalock yung mga pinto kaya babalik na sana ako kaso may narinig akong may nagsalita sa bandang kanan ko, Tiningnan ko naman ito at nanggagaling sa room na madilim kaya wala akong makita kaya naman lumapit ako kahit natatakot na ako.

"Hindi dapat nila malaman na bumalik na tayo at dapat hindi rin malaman ni Matthew na bumalik na ako dito" boses lalake yung nagsabi pero bakit narinig ko ang pangalang Matthew? Si Kuya Matthew kaya iyon? Pero ang daming pangalan na Matthew sa mundo. Like duh.

"Pero paano kung isang araw e magkasalubong kayo o di kaya malaman niyang bumalik ka na" sabi ng boses lalaki din. Sinubukan kong tumingin sa glass door kahit madilim e nakikita ko pa rin ang naguusap. Dalawang lalake na may matitipunong katawan yung isa nakatayo at yung nakaupo na nakataas ang paa at nakablackhoodie. Bakit diyan pa sila naguusap at nasa madilim na room pa?

"Kaya nga magtatago muna ako sa ngayon at ikaw palang ang nakakaalam na bumalik na ako dito at gusto kong maghiganti sa mga ginawa ni Matthew para sa akin. Gusto ko siyang mamatay tulad ng ginawa niya sa pinsan ko." Sino bang Matthew ang tinutukoy niya? Kinakabahan na ako dito at natatakot na rin. Medyo lumayo na ako ng onti sa pinto baka kasi mahalata nila na may nakakarinig sa usapan nila.

"Pero Jackson, past is past na. Kalimutan mo na yung ginawa niya tsaka hindi naman maibabalik yung buhay ni Olivia kapag pinatay mo din si Matthew." Hindi ko na alam kung ano na ang gagawin ko dito? Ja-jackson? Pamilyar sa akin yung pangalan na yan, parang narinig ko na somewhere. Nevermind.

Ayoko na, natatakot na ako kaya dahan dahan akong umalis doon. Nang makalayo na ako e naglakad ako ng mabilis at hinahanap ko pa din sila kuya. Taeng yan! Nasaan na ba kasi sila!? Nakalimutan ko pang dalhin yung cellphone ko.Nakakainis naman. Napahawak nalang ako sa ulo dahil sa inis. Paano nato? Kung mauna na muna ako ngayon tapos magcommute nalang ako? Pwede naman ata e. Kaya wala na akong nagawa at umalis sa building na pinaghanapan ko at tumakbo ng mabilis baka kasi magalit sa akin si Manong Guard dahil matagal na rin ako dito dahil sa kakahanap kila kuya.

Nakababa na ako at nasa court na ako banda malapit na sa gate. Nung tumatakbo ako ng mabilis biglang may nahulog na notebook sa bag ko hindi ko pala namalayan na nakabukas pa pala yung bag ko baka nakalimutan kong isarado kanina. Kaya agad ko itong pinulot at tatakbo na sana kaso nung pagkaharap ko e may nakabangga ako. Napabagsak ako sa lupa at sobrang sakit ng pwet ko myghaaad! Hinihimas himas ko yung pwet ko at tiningnan kung sino yung nabangga ko. Nakahood na black hindi ko makita yung mukha niya kasi nakatakip siya ng mask pero inilahad niya sa akin yung kamay niya para tulungan akong makatayo. Kinuha ko naman iyon at nagpasalamat nang bigla siyang magsalita.

"Sa susunod kasi miss, tumingin ka sa dinadaanan mo. Tss" ani niya at tumayo nalang bigla yung mga balahibo ko nang narinig ko yung boses niyang napakalalim. Napatulala na lang ako at nilagpasan niya lang ako. Tiningnan ko naman siya, likod nalang ang nakikita ko pero napansin ko ang 4 Print letters mula sa likod ng Jacket niya "B.G.J.S" anong ibig sabihin nun? Bigla kong naisip na kailangan ko na palang umuwi. Kaya tumakbo na ako sa mula sa gate at doon ko nakita sila Kuya at nandodoon na rin yung kotse. Diba, wala ito kanina baka napatagal ako sa kakahanap sa kanila at kaya hindi ko sila mahanap e nandidito na pala sila.

Nakita ko silang paikot ikot sa labas ng kotse at nakita ko si Kuya Matthew na halatang problemado at irita habang may tinatawagan siya sa phone niya.

"ANO!? Wala pa siya diyan! Paanong nangyari yun e nakauwi na lahat ng mga estudyante dito pinuntahan ko yung building niya wala at sarado na! Fuck. Nasaan na ba kasi si Alezi--" hindi natapos yung sasabihin niya kasi tinawag ko sila

"KUYAAAAAA!" sigaw ko at halos lahat sila e napatingin sakin. Nagulat ako nang bigla silang tumatakbong papalapit sakin at naramdaman ko nalang na yumakap silang lahat sa akin.
Anong nangyare?

"Saan ka ba nagpunta ha? Akala ko kung napaano ka na kasi ilang minuto na rin kami nagiintay dito tsaka bakit ngayon ka lang huh?" tanong sa akin ni Kuya Matthew habang hawak hawak ako magkabilang balikat. Tumingin naman ako sa kanilang lahat at ang bibilis ng paghinga nila na parang naghahabol. Tsaka mukhang nag-alala sila sa akin.

Ngumiti ako at sinabing "Mga kuya, Sorry kung pinag alala ko kayo. Maaga kasi yung uwian namin ngayon. Pumunta ako dito at nakita kong wala pa kayo pati si Mamang Driver kaya bumalik ako sa loob at hinanap ko kayo pero hindi ko naman kayo nakita. At ayun nga nakita ko na kayo dito. Kaya dont worry nandito naman na ako" usal ko at narinig ko ang malakas na buntung hininga nila.

"Basta huwag munang uulitin yung ginawa mo hindi mo alam kung gaano kami nag-alala" ani ni Kuya Mark. Tumango naman ako sa sinabi niya.

"Tsaka kapag nakita mo kami na wala pa dito e hintayin mo nalang na dumating si Mamang Driver siguro nalate lang siya kasi hindi naman niya alam na maaga pala ang uwian niyo. Pero kapag nakita mong wala pa kami e huwag ka nang babalik sa loob a. Baka mapapaano ka pa niyan, Hintayin mo nalang kami dito. Okay?" usal ni Kuya Andrei at tumango naman ako at ngumiti. Sobrang swerte ko na may mga magiging Kuya na ako kahit hindi ko sila kadugo e feeling ko mga totoo ko na silang kuya.

"Tara na mga kuya, magsiuwian na tayo" usal ko at nauna nang maglakad papunta sa kotse, sinundan naman nila ako at nasa kotse na kaming lahat at uuwi na rin kami.

Pero bigla nalang sumagi sa isipan ko yung lalakeng nakahood na black at yung 4 letters na "B.G.J.S" Ang weird niya para sa akin. Geez.

Seven Pervert StepBrothers (BOOK 1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon