Chapter 25
Alezia POV
It's Saturday and it means... WALANG PASOK! Bumangon na ako sa kama at tumalon talon habang kumekembot. Ang saya saya ng gising ko."uh! I'm a fall inlove baby, you finna catch me, uh give me all of this baby, call me pretty and nasty---" naputol yung pagkanta ko nang may magsalita sa likuran ko.
"Yeah right, you're nasty but you're not pretty eww" tumingin ako sa nagsalita at nakita ko si Mr. Rabbit na halatang nagpipigil ng tawa
*insert awkward sound*
"Hoy! Anong ginagawa mo dito!?" usal ko sa kanya, bumaba na rin ako sa kama at lumapit sa kanya habang nakapameywang.
"Pinapunta lang ako dito ni Kuya Matt para gisingin ka sana kaso pagkabukas ko ng pinto nakita kong pakembot kembot ka na parang kabute na ewan" sabi niya sa akin at tumawa ng mahina. Ano daw? Kabute na ewan? Gago din tong lalake ito ha, lakas mang-asar.
"Alezia! Marck! Baba na dito, kakain na" rinig kong sabi ni Kuya Matthew sa baba. Tinulak kong palabas si Marck at sinarado yung pintuan. Sabihan niyo nang ako na harsh pero masisi niyo ba ako ang ganda ganda ng gising ko tapos bwibwisitin lang ni Rabbit. Nakakapag-init talaga ng ulo.
Pinakalma ko muna ang sarili ko at ginawa ang mga morning routines ko pagkatapos ay bumababa na rin kaagad ako.
Pagkarating ko sa kusina nakita ko sila na hindi pa kumakain.
"Goodmorning! Oh! Mga kuya, bakit hindi pa kayo kumakain?" takang tanong ko at umupo sa gitna nila Kuya Jaerred at Kuya Daevid.
"Hinintay ka kasi namin muna, mas maganda kasi kung kakain tayo ng sabay sabay" ani ni Kuya Andrei at nagsimula nang maghain ng almusal niya at yung iba rin.
"Owwww, ang sweet naman pala ng mga kuya ko" ani ko habang tinitingnan sila ng isa't-isa at napansin kong namumula yung mga tainga nila. Napakunot naman ako ng noo. Bakit namumula yung tainga nila?
"K-kuya, bakit n-namumula mga tainga niyo?" tanong ko sa kanila at tinuro turo yung mga tainga nila. Nagkatinginan silang lahat at nag-iwasan ng tingin.
"Kumain nalang muna tayo" ani ni Kuya Matt at nagsimula na kaming kumain pero nahahalata kong kanina pa nila ako tinitingnan.
"M-may dumi ba ako sa mukha?" tanong ko kasi medyo naiilang ako sa mga tinginan nila. Umiling naman sila at iniwas yung tingin sa akin. Nagkibit balikat nalang ako at kumain nalang din ako.
......
Palipat lipat lang ako ng channels sa T.V bakit walang magandang palabas? Nang mailipat ko sa Cartoon TV bigla akong tumili at nilakasan ang volume."Everbody let's go, c'mon let's get to it, i know that we can do it! Where are we going? taktaktak, to the Mountain! Where are we going? taktaktak, to the Mountain!" sinasabayan ko yung kanta. It was my favorite Childhood Cartoon "Dora The Explorer" hanggang ngayon paborito ko pa rin siya kahit na lahat ng episodes at mga lalakarin niya alam ko. Pero mas kyut talaga si Boots.
Nagtataka nalang talaga ako kung si Boots ay unggoy may suot suot siyang Red Boots. Dinaig pa ako na Rubber shoes lang ang meron ako.
Si Dora naman kailangan pang magtanong "Did you see the Mountain?" "Where" hihintayin niya pang lumabas yung blue na arrow bago sabihin na "Great let's go!" Tangina lang diba? Eh nasa likod lang naman pala niya
May bigla nalang umagaw ng remote control at inilipat sa ibang channel, tiningnan ko kung sino yun at wala iba kundi si Rabbit lang naman at umupo pa sa tabi ng couch.
"Hoy! Kita mo naman na nanonood ako, bigla bigla mong ililipat! Akin na nga yan!" usal ko at pinipilit kong kunin sa kanya yung remote pero mas lalo niyang inilalayo sa akin. Partida nakaupo pa siya niya yan.
"Manonood ka na nga lang, pambata pa talaga. Tama nga ang sinabi nila na Isip bata ka" sabi niya. Aba! Ano namang masama sa pagiging isip bata kung lahat naman ng tao nagugustuhan ka dahil sa kakyutan mo?
Pinaikutan ko lang siya ng Mata, Tumayo ako at pinilit na harangin yung Malaking T.V para hindi siya makapanood.
"As if naman na natatakpan mo ang lahat, e nasa 1/8 ka pa lang ata e. Sa height mong yan. Hahahahaha" usal niya na may kasamang tawa. Umuusok na talaga ilong ko. Calm Alezia. Inhale... Exhale...
"Wawa naman, ang liit liit na nga panget pa" sabi niya at tumawa ng malakas. Ginigigil talga ako, pigilan niyo ako. Masasapak ko talaga tong lalakeng ito. Hindi ko na lang siya pinansin at lumapit sa kanya.
"Akin na kasi yang remote, minsan na nga lang ako manood ng Cartoons eh!" sabi ako at nagpapadyakdyak pa. Nakita kong dumating si Kuya Taehyung galing sa kusina ata.
"Marck! Huwag mo na ngang asarin si Alezia, ibigay mo na yang remote" usal niya at uminom ng tubig. Tumango naman ako. Nakita ko namang tumaas yung gilid ng labi, napaatras nalang ako kasi tumayo siya at lumapit sa akin. Lumaki nalang yung mga mata ko nang marealize kong sobrang lapit ng mukha namin.
"Pasalamat ka may kakampi ka dito, pero sorry not sorry hindi ko ibibigay yung remote" at itinaas niya yung remote. Napanguso naman ako dahil sa sobrang tangkad niya hindi ko talaga maabot yun.
"Akin na nga kasi" pilit kong inaabot pero mas lalo niya pang itinataas. Kung hindi ko siya maabot kailangan may patungan ako na isang bagay para makuha ko yung remote. Kinuha ko yung isang upuan at pumatong dun.
"Hoy! Maduga ka ha! walang ganyanan. Maliit ka lang kasi kaya hindi mo maabot abot" usal niya at binelatan pa ako.
"Pag yan naabot ko, humanda ka talaga sakin" pagbabanta ko sa kanya at onting onti nalang maabot ko na. Tumalon-talon ako habang siya nakataas lang yung kamay niya. Bakit ba kasi ang tangkad ng lalaking ito? Nagcherifer yata ito eh!
Talon lang ako ng talon pero bigla nalang tumagild yung isa kong paa. Sisigaw na sana ako at pinikit ko yung mga mata ko para handa nang mahulog sa sahig.
Pero naramdaman kong hindi ako nahulog sa kahit na ano, idinilat ko yung mga mata ko at nakita ko na nakatingin sa akin si Rabbit. Ako yung nasa taas niya at nakahawak sa balikat niya habang siya ay nasa ilalim ko at yung mga kamay niya nasa baywang ko. Sobrang lapit ng katawan namin at rinig rinig namin yung paghinga ng bawat isa.
*Dug Dug Dug Dug*
Nararamdaman ko yung lakas ng pagtibok ng puso at maging siya nararamdaman ko. Anong nangyayari? Bakit ganito yung puso ko?
Napalaki yung mga mata ko nang maramdaman kong bumababa na yung kamay niya sa bandang pwetan ko. A-anong g-ginagawa niya? Nakita ko yung remote sa tabi niya aabutin ko na sana yun kaso bigla niyang inilayo yun. Napatingin ako sa kanya at muntik na akong maduling dahil sa lapit ng mukha namin. Bigla ko namang nahawakan yung chest niya at nagulat ako nang maramdaman ko na sobrang lakas ng pintig ng puso niya.
Nakarinig ako ng pagsinghap at nagsalita...
"A-ANONG GINAGAWA NIYO!?"
BINABASA MO ANG
Seven Pervert StepBrothers (BOOK 1) ✔
Fanfiction#1 in btsboys #1 in bangtan Malaki ang kagustuhan ni Alezia Daphne Vergara na magkaroon ng kuya ngunit hindi niya inaasahan na hindi lang isa kun'di pito ang magiging kuya niya na may kapilyuhan ang mga ito ngunit paano nalang kung lahat sila ay m...