Chapter 8: New Friend

3K 76 5
                                    

CHAPTER 8

Mark P.O.V

Nang maihatid ko na si Alezia sa kanyang room. Umalis na rin ako kaagad agad kailangan ko rin kasing pumunta agad sa room namin. Baka marinig ko na naman ang bunganga ni Maam Orocio. napakamasungit na matandang yun. sapakin ko kaya mukha nun no? Joke lang syempre mabait pa din ako.tsk!

Nang naglalakad ako sa hallway puro tilian na naman naririnig ko na galing sa mga fangirls namin! Nakakairita yung mga sigaw nila. akala mo mga sinasakal na daga e. Binalewala ko nalang yun at nagpatuloy sa paglalakad,binilisan ko yung paglalakad ko dahil alam kong late na ako. Tsk!

Nang nasa harapan na ako ng pinto ng room namin. tinatamad akong buksan yung pinto kaya sinipa ko nalang to at hindi ko inaasahan na napalakas ko yung pagsipa ko kaya lahat ng atensyon ay nasa akin.

"Aba! bakit ngayon kalang? alam mo bang late na late ka na ! hindi mo na nalalaman o nasusunod yung mga lessons natin. buti pa yung mga kapatid mo maaga ngayong pumasok. lagi ka nalang late----" usal ni Maam Orocio.

Tsk ! ito na nga ba sinasabi ko eh"

"blah blah blah!alam mo,kung ako sayo ititikom ko nalang bibig ko. napakadaldal mo. nakakairita!" ani ko pagkatapos kong sabihin yun e dire diretso akong naglakad sa upuan ko at habang siya ay naiwang nakatulala sa harapan. Serve her right. tsk!

"Galing bro a!" sabi ni David pagkatapos e yumuko na din agad siya. matutulog na naman yan. nako naman o'

Habang yung iba ko namang mga kapatid e. Nananahimik ngayon! Himala at hindi sila makulit at magulo ngayon. Ano kaya nangyari?

Hindi ko pa pala nasasabi sainyo na magkakaklase kaming magkakapatid. nasa ibang building kami at nasa kabilang building naman si Alezia kaya ako nalate kasi may kalayuan yung building niya samin.Haaist

Alezia P.O.V
Pagkabukas ko nang pintuan.
Lahat sila nakatingin sakin. Luh? baket!?

"Ahmm. Ikaw ba yung bagong student dito?" naagaw ng atensyon ko yung guro namin. may katandaan na siya pero masasabi kong maganda siya at medyo maliit siya kaysa sakin.

Nakatayo parin ako ngayon sa tapat ng pintuan. Sinarado ko muna yung pinto kasi may aircon dito baka lumaki yung bills nila. (A/N. Bait naman. hahahaha)

" O-opo" ang tanging naisagot ko. nahihiya akong tumingin sa mga kaklase ko kasi iba yung tinginan nila lalong lalo na yung mga babae. mga nanlilisik na yung mata nila habang nakatingin sakin at yung boys naman e todo ngiti sakin pero awkward parin talaga.

"Sige. Ako ang iyong guro sa Ekonomiks, Mrs.Natividad. Ipakilala mo muna ang iyong sarili sa harap ng klase"usal ng aming guro

Pumunta ako sa harapan at tiningnan silang lahat na dapat e hindi ko na ginawa kasi mas lalo pang nanaig yung hiya ko pero talagang nagmatapang ako.

"Hi sa inyong lahat. Ako si Alezia Daphne Vergara. 16 years old at ikinagagalak ko kayong makikilala. Sana ay pakitunguhan niyo ako ng maganda. Maraming Salamat" nagbow ako pagkatapos nun.

"Maari kang maupo dun sa bakante na upuan na malapit kay Ms.Choi." ani ni Mrs.Natividad

Pumunta ako sa bakanteng upuan na sinasabi niya at nilagay ko na nga aking bag sa aking upuan. Nagpatuloy ang pagtuturo ni Maam Natividad.

Babae pala ang kaseatmate ko. tiningnan ko siya at sobrang ganda niya at cute,mahaba ang buhok niya parang tsokolate at kanyang pure black eyes ang kinis ng mukha niya pero nerd nga lang siya. Hindi ko namalayan na nakatitig ako sa kanya at alam niya ata na kanina ko pa siya tinitingnan. Kaya yumuko siya.

Naglakas ako ng loob na kausapin siya.

"Ahmmm, He-hello. Ako nga pala si Alezia.Anong pangalan mo?" mahinang tanong ko sa kanya baka kasi pagalitan ako kapag narinig niya ako na nakikipagusap habang siya e nagtuturo. alam mo na ganyan naman talaga ang mga teachers e.

"Choi Seol" ani niya ngunit nakayuko parin siya

Ngumiti ako sa kanya at nilahad ko ang kamay ko sa kanya

"Ikinagagalak kitang makilala Choi." usal ko at ngumiti pero tiningnan niya lang yung kamay ko.

"Anong problema? Ayaw mo akong maging kaibigan?" malungkot kong sabi pero hindi ko pa din binababa yung kamay ko. Gustong gusto ko siyang maging kaibigan at hindi ko alam kung bakit.

Umiling naman siya at tumingin sakin. Ang ganda talaga ng mga mata niya kahit na natatakpan ito ng kanyang malalaking salamin. Ngumiti ako sa kanya

At hindi din nagtagal e. Nagshake hands kami. Ngumiti ako ng napakalaki at Ganun din siya.

"Simula ngayon magkaibigan na tayo ha?" tanong ko sakanya at binitawan ko na yung kamay niya.

Tumango naman siya "S-sige." Ngumiti siya ulit. waaaaa! ang kyutkyut niyang ngumiti nakakagigil. omayghaad! May bago na naman akong kaibigan.waaaaa

Choi Seol (IU)

 Choi Seol (IU)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Seven Pervert StepBrothers (BOOK 1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon