Chapter 47: Dad's Condition

1.9K 58 2
                                    

Chapter 47

Alezia POV
"Alezia, can i say something crazy?" napatingin ako kay Marck ng bigla siyang magsalita magkatabi kaming magkaupo ngayon sa damuhan habang tinitingnan ang napakagandang tanawin dito sa itaas.

"Will you be mine?" hindi na ako nagulat sa sinabi niya dahil paulit ulit lang siya kanina pang sinasabi ang "Be Mine".

"Can i say something even crazier? Yes!" syempre biro lang yun ginagaya ko kasi yung nasa Frozen yung "Love is an Open Door"

"Really?! Wala nang bawian ah, sinabi mo nang Yes. Don't ever take that back or i will give you a punishment babygirl"

"Ano!? H-hindi naman kasi ganon, sinakyan ko lang trip mo. Kanta kasi yun. Do you know the Cartoon Movie named Frozen? t-tsaka a-anong punishment?" Nakita ko namang dumilim ang awra ng mukha niya.

"I'm serious Alezia, when you say Yes, it's a yes, don't take back at it. Punishment? I will give that to you if you become a naughty girl." nakita kong tumaas ang gilid ng labi niya na ikinasabog ng obaryo ko. Choss

Napaigtad ako ng maramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko. Kinuha ko naman kaagad ito at nakitang may 1 message para kay Kuya Taehyung.

"Alezia, pumunta kayo sa G****** Hospital, may nangyari kay Dad. Kung magkasama kayo ni Marck, tama na muna ang landian. Dalian niyo pumunta na kayo dito."

Lumaki nalang bigla ang mga mata ko at mabilis na binigyang tingin si Marck.

"So who is that bastard texting you?" Nagtiim ang bagang niya pero umiling nalang ako. Grabe siya tawagin ba namang bastard ang Kuya niya.

"Si Kuya Taehyung nagmessage sa akin. Marck! May nangyaring masama kay Dad. Puntahan na natin, Bilis!" usal ko at hinawakan ko na siya sa kamay niya habang papunta ng kotse niya.

"So clingy girl" rinig kong sabi niya pero hindi ko na pinansin iyon at ng makalapit na kami sa sasakyan niya, sumakay na kaagad ako.

"Dalian mo Marck! Baka kung ano na mangyari kay Dad" usal ko at naramdaman kong tumulo ang mga luha ko. Kaagad naman niya itong pinunasan gamit ang hinlalaki niya.

"Ssssh~ Everythings gonna be okay. Baby" aniya. Kahit umiiyak ako kinikilig pa rin ako noh! Letse kasi tong lalaking to masyadong playboy. Mabilis niyang pinaandar ang kotse at pumunta sa Hospital kung saan naroroon sila.

....

Pumunta na kaagad kami sa emergency room at nakita namin sila Mama at ang nga Kuya ko.

"Ma, Kuya! Anong nangyari kay Dad?" tanong ko at naramdaman kong niyakap ako ni Mama at doon na humagulgol .

"Tahan na Mama. Magiging okay rin si Dad. Magtiwala lang tayo sa itaas" hinagod ko ng marahan ang likod niya at di pinahalatang umiiyak na rin ako.

"Kasalanan mo to" tumingin kaagad ako sa direksyon ng mga Kuya ko. Nang magtaas ng tingin si Kuya Matthew, nakaramdam ako ng takot para rito kasi sobrang dilim ng awra niya at parang nagpipigil siya ng galit, nakita ko namang nakayukom na ang mga kamao niya na parang handa ng makipagsuntukan.

"Kasalanan mo ito Marck! Kung hindi mo sana inilabas lahat ng walang karespetuhan mo kanina hindi mangyayari ito kay Dad" tiningnan ko naman si Marck na ngayon ay nakatingin sa kawalan. Medyo tumahan na rin sa pagiyak si Mama kaya pinaupo ko na muna siya sa tabi ko.

"Naaalala mo pa ba yung sinabi ni Dad nung mga bata pa tayo? "Kahit anong mangyari walang aalis sa pamilya natin kahit na malaki ang problema basta sama-sama parin tayo na magkakahawak" natatandaan mo pa ba yung Marck? Kasi kung galit ka kay Dad dahil sa sinabi niyang ampon ka lang there's no big deal of it Marck. You are our brother not in blood but in a heart, remember that." tumango ako sa sinabi ni Kuya Matthew, kasi kung sa tutuusin ilang taon na sila bilang magkakapatid, ngayon pa ba sila masisira ng malaman lang na may ampon, pero tama ang sinabi ni Kuya Matthew na kapatid pa rin nila si Marck hindi sa dugo pero sa puso, OO.

"Where is the relatives of Mr. Kim?" lumingon kaagad kami sa nagsalita. Lumabas na rin ang Doctor mula sa Emergency room.

"Doc, kamusta na po yung asawa ko?" ani ni Mama at umiiyak na naman siya.

"Mrs.Kim, mas lalong lumalala ang sakit niya sa dugo lalo na sa puso niya, kailangan na kaagad namin siyang maoperahan pero magbigay muna kayo ng dugo na match sa dugo niya na Type AB tsaka po namin siya ooperahan" nanghina ako ng marinig ko ang mga sinabi ng Doctor tungkol sa kalagayan ni Dad. H-hindi ko alam na may ganitong kalagayan si Dad kasi nakikita ko naman na okay siya pero akala ko lang pala dahil hinding hindi siya okay.

"Ako na po ang magdodonate ng dugo Doc, operahan niyo na po kaagad siya kahit malaki pa ang magagastos, babayaran namin kayo but please pagalingin niyo ang Daddy ko" ani ni Kuya Daevid. Nanatili akong nakatayo sa tabi ni Mama kahit na nanghihina ang mga tuhod ko kailangan kong maging matatag para kay Mama especially for Dad.

"Pero there's a bad news for the operation"

"What is it Doc?"

"Delikado ang pagoopera sa kanya, dahil may mga ugat sa puso niya na nakahiwalay na sa bandang artery niya, the operation is dangerous for his heart but we will do our best to save him, punta nalang kayo sa Blood Section para mailipat na ang dugo sa kanya, please excuse me" at umalis na kaagad ang doktor at nagpasalamat kami pero mas lalong humagulgol ng iyak si Mama.

"His life is in danger"

"Mama, manalig nalang tayo sa panginoon. Hindi niya papabayaan si Dad"

Napalingon ako kaagad ng nakita kong tumakbo paalis si Marck, hindi ko na siya sinundan kasi mas kailangan ako ni Mama ngayon sa tabi ko.

Seven Pervert StepBrothers (BOOK 1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon