Chapter 35
Alezia POV
"MARCK!" sigaw ko pero pinaikutan niya lang ako ng mata at hinubad niya yung black hoodie niya. Mas lalo ko siyang namukhaan at hindi pala magnanakaw."Wait! Papaano ka nakapasok? Eh, nakalock yung pinto" tanong ko pero pumunta lang siya ng kusina. Sinundan ko naman siya at nakita kong parang iba siyang kung maglakad.
"I have keys, you're such an idiot, tsssk" sabi niya at naglakad ng pagaywang gaywang. Lumapit ako sa kanya at tinakpan ko kaagad yung ilong ko.
"Lasing ka ba!?" tanong ko at mas lumapit sakanya para masigurado ko. Tama nga ako dahil nangangamoy alak siya.
"So what? It's none of your fucking business" pagkasabi niya nun naglakad siya pabalik at binangga niya yung balikat ko. Alam kong sinasadya niya iyon pero dahil sa makulit ako hindi ko siya titigilan.
Sinundan ko ulit siya at hinawakan sa braso.
"Bakit kaba lasing? Bakit ka umiinom ng alak? B-bakit ganyan yang mga mata mo? Nag-aalala na ako" napansin ko kanina pa namumula yang mga mata niya.
Tumaas ang gilid ng labi niya at marahas na hinablot yung braso niya. Kahit na masakit yung ginawa niya, okay lang basta malaman ko lang kung bakit siya lasing.
"Bakit ko naman sasabihin sayo? Wala ka namang pakealam diba? Galit ka sa akin diba? You hate me right? And don't fucking tell me that you are worried to me right now and you have a care for me, because you know in the first place, you hate me so damn much and i-i c-can't take it" usal niya at nakita kong tumulo yung luha niya. Napanganga nalang ako sa mga sinasabi niya, tama siya, I hate him palang in the first place i dont like him.
"B-but--" naputol yung sasabihin ko ng tumalikod na siya sa akin at marahan na umakyat sa hagdan. Kahit na hindi ko siya gusto, may nagtulak sa akin na tulungan siya kaya kinuha ko yung isang braso niya at inilagay sa bandang leeg ko habang yung isang kamay ko nakahawak sa beywang niya.
"W-what the--" pinutol ko yung sasabihin niya ng magsalita ako.
"Please, just this time, let me help you, please" sabi ko at tiningnan siya. Nakita ko naman ang pagkagulat sa mga mata niya at marahan na tumango. Nagsimula na kaming maglakad at masasabi ko lang. Tangina! ang bigat ng lalaking ito parang tatlong sako ng bigas yung inaalalayan ko.
Pagdating namin sa kwarto niya kaagad-agad ko siyang inihiga sa kama niya. Gumalaw siya ng kaunti kaya nahulog kaming dalawa. Lumaki nalang yung mga mata ko nang sobrang lapit ng mukha namin. Nakapikit siya at mabilis yung paghinga niya. Mabilis akong tumayo at inaayos siya sa pagkakahiga.
"B-baba lang muna ako ha, kukuha lang ako ng pwedeng pamunas sayo" pagkasabi ko nun mabilis akong tumalikod pero bago pa ako makalakad may humawak na sa kamay ko.
"Please, d-don't leave me." nakatingin lang ako kay Rabbit, nakapikit naman yung mata niya pero nagsasalita siya. Baliw ang peg ha? Dahan-dahan ko na namang tinanggal yung pagkakahawak niya at mabilis na umalis sa kwarto niya.
Nakuha ko na ang lahat na kailangan para kay Marck. Pumunta na kaagad ako ng kwarto niya pero nung pagkabukas ko ng pintuan niya.
"AAAAAHHHHH!" sigaw ko at mabilis na isinarado yung pintuan. Mabilis ang paghinga. Kasi ba naman! Wala siyang suot pang-itaas. Kanina may suot pa siya ah. Urrrrghhh! Paano na ito? Tawagan ko kaya sila Kuya? Napaisip naman ako pero umiling nalang ako malalim na huminga.
BINABASA MO ANG
Seven Pervert StepBrothers (BOOK 1) ✔
Fanfiction#1 in btsboys #1 in bangtan Malaki ang kagustuhan ni Alezia Daphne Vergara na magkaroon ng kuya ngunit hindi niya inaasahan na hindi lang isa kun'di pito ang magiging kuya niya na may kapilyuhan ang mga ito ngunit paano nalang kung lahat sila ay m...