Chapter 20
Daevid POV
Ito na nga ba ang pinaka ayaw ko sa lahat e. Imbis na matutulog ako ng buong araw kasi sabado naman ngayon. Ayun pala lalabas kami. Fuck i hate it. Imbis na hindi ako mapagod e talagang papagurin pa nila e. Wala na silang pakealam kung kahit saang lugar pa ako matutulog mamaya. Basta ang gusto ko lang e matulog."Alam kong ayaw mo rin sa ganito kuya. Don't worry hindi ka nag-iisa" may nagbulong sa kanang tainga ko at nakita ko si Marck. Tumaas naman yung gilid ng labi ko ng nakita ko siyang kanina niya pa tinititigan si Alezia habang kumakain. May hindi yata ako nalalaman dito a. Better be explain soon Marck.
"Baka malusaw na yang tinititigan mo" pang-aasar ko sa kanya. Natauhan naman ata siya sa sinabi ko at iniwas yung tingin niya kay Alezia at pinagpatuloy na lang niya yung kinakain niya. Ako naman ang tumingin kay Alezia, nagulat ako na nakatingin siya sa direksyon. Once our eyes met i feel something horrible to me na hindi ko maintindihan kung bakit ko ito nararamdaman. Damn. She has a perfect eyes and that long eyelashes of her is so beautiful. I didn't realize that i stared her for a couple of minutes. Iniwas ko naman kaagad yung tingin ko at tumayo na hindi naman kasi ako palakain na tao. Tsaka gusto ko lang makahiga sa number stress reliever ko na si KAMA.
Alezia POV
Kanina ko pa napapansin na na kapag tumitingin ako sa mga kuya ko e nag-iiwas sila ng tingin sa akin. Bakit kaya? Wala naman akong sore-eyes diba?Natapos na kami sa pag-aalmusal at sa wakas pumayag naman si mama na tumulong ako sa paghuhugas ng pinggan. Nakakamiss na din kasi gumawa ng mga gawaing bahay.
"Ako na po rito Senyorita" sabi sa akin ni Manang Fely. Mga kakilala ko na yung mga kasambahay dito at si Manang Fely lang talaga ang favorite ko dito kasi napakabait niya tsaka kahit may katandaan na siya e napakalakas niya pa rin para magtrabaho. Naikwento sa akin ni Manang Fely na matagal na daw talaga siyang namamasukan dito bilang kasambahay. Mabait naman kasi si Dad at yung unang asawa nito kaso nga lang na namatay na ito dahil may sakit na pala siya sa utak. Mga bata pa lamang noon sila kuya kaya labis daw talaga silang nalungkot nung nawala na yung mama nila. Masaya din si Manang Fely para kila Mama at Papa dahil ikakasal na sila at sinabi din sa akin ni Manang Fely na mabait na tao si Mama at hinding hindi niya iiwan si Papa ganun din naman si Papa. Magiging matagal yung relasyon nila na panghabangbuhay at first tinanong ko siya kung manghuhula ba siya. Pero natawa nalang siya sa akin at hindi naman daw siya manghuhula pero daw kasi nakikita niya daw yung wagas na pag-iibigan nilang dalawa.
"Pero Manang Fely, gusto ko po kayong tulungan. Pleaaaaseeee kahit ngayon lang namaaaaaan" ani ko at nagpapakyut pa ako sa harapan niya. Nakita ko naman na ngumiti siya
"O siya siya Sige. Hindi talaga ako makakahindi kapag nagpakyut kana" usal niya na ikinatawa ko. Sinimulan ko nang hugasan yung mga pinggan. Hindi naman masyado madami e pero tinulungan pa din ako ni Manang Fely.
Nang matapos na ako maghugas ng mga plato. Nagpaalam sa akin si Manang Fely na pumunta muna siya sa Supermarket dahil may pinabibili daw sa kanya si Dad pati na rin sila Kuya. Gusto ko sanang tumulong para kahit papaano e may katulong siyang magbitbit ng mga pinamili niya.
"Kaya ko naman ito Senyorita" sabi niya habang inaayos yung tsinelas niya.
"Manang, ilang beses ko bang sabihin sayo na huwag mo na akong tawagin na Senyorita hindi po kasi komportable kapag tinatawag niyo po akong senyorita. Alezia nalang para kahit papaano e mas komportable ako." sabi ko at tinulungan ko siyang ayusin yung tsinelas niya.
"Pero Se--" pinutol ko yung sasabihin niya ng inilagay ko yung index finger ko sa labi niya.
"Please, Manang" nagpuppy eyes naman ako. Pinat niya lang yung ulo at umiling habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
Seven Pervert StepBrothers (BOOK 1) ✔
Fanfic#1 in btsboys #1 in bangtan Malaki ang kagustuhan ni Alezia Daphne Vergara na magkaroon ng kuya ngunit hindi niya inaasahan na hindi lang isa kun'di pito ang magiging kuya niya na may kapilyuhan ang mga ito ngunit paano nalang kung lahat sila ay m...