Chapter 22
Taehyung POV
Ang cute ni Alezia, gusto kong pisilin yung matatabang pisngi niya. Nakakagigil. Nang makarating na kami sa park, saktong gising na rin si Kuya Daevid at bigla na lang lumabas si Alezia at tumakbo ng paikot ikot na parang bata at sumigaw ng "waaaaaah". Napangiti nalang ako dahil sa mga ginagawa niya. Narinig ko naman ang "tsk" na galing kay Marck habang nakatingin kay Alezia."Mga Kuyaaaaa! Tara naaaa!" sigaw ni Alezia na pumuntang ng Children's Park. Seriously Alezia? Hahahaha.
"Sundan niyo muna siya, aayusin ko lang yung kotse" usal ni Kuya Matthew, tumango nalang kami at sinundan si Alezia sa Children's Park.
Maraming tumingin sa amin at marami na rin ang nakalabas na mga cellphone. Haaaist. For sure na naman trending na naman kami sa social media. Gwapo talaga."wieeeeee!" napalingon ako sa kaliwa nang marinig ko yung malakas na sigaw na yun at nakita kong si Alezia na nagduduyan. Habang yung isang batang babae tinutulak siya sa likod.
"WTF!" sabi naming lahat. Diba dapat yung bata ang nakasakay sa swing tapos si Alezia yung tumutulak? napatawa nalang ako ng malakas maski yung iba kong mga kuya at saktong dumating naman si Kuya Matthew na ikinagulat din niya.
"tamaaaa naaa! Ayokooo naaa! sobrang taas na tehhh!" sigaw ni Alezia at tumigil na nga yung batang nagtutulak sa kanya. Umalis na si Alezia sa swing at yung bata naman ang sumakay dun, pero bigla namang tumakbo si Alezia papunta sa amin.
"Pfffft" pigil kong tawa. Hingal namang lumapit sa amin si Alezia,
"Saan na tayo pupunta?" tanong ni Jaerred nakita ko namang ngumiti si Alezia at sumigaw ng "sa seesaw!" at tumakbo na nga siya kung saan ang seesaw. Napabuntong hininga nalang kami lahat at walang nagawa kundi ang sundan si Alezia.
"Kuyaaa Taeehyung! lika seesaw tayoo, daaaali!" sabi sakin ni Alezia, mabilis naman akong lumapit sa kanya at umupo sa kabilang seesaw. Sinimulan na namin ang paglalaro at puro tawa at sigaw lang ang maririnig mo kay Alezia.
....Lahat kami ngayon ay nakahiga sa makakapal na damuhan dito sa park at nakatingin sa kalangitan. Puro tawanan at kulitan lang ang ginawa namin maghapon, kahit minsan napapagod din kami dahil sa kakulitan ni Alezia parang wala siyang kapaguran kumbaga. Kanina pang walang umiimik sa amin nang bigla nalang kami nakarinig nang napalakas na humihilik. Nakita naming si Alezia na sobrang himbing nang matulog, pagabi na rin naman kaya napagdesisyunan namin na umuwi na.
"Ako na ang magbubuhat kay Alezia" usal ko at binuhat na agad si Alezia, ang bigat naman nitong babaeng toh! Nagsimula na rin kami maglakad papuntang kotse at umuwi na ng bahay.
SOMEONE's POV
Sige lang, magpakasaya kayo dahil sisiguraduhin balang araw papahirapan ko ang isa sa sainyo at sisiguraduhin kong hindi na kayo magiging masaya katulad ngayon.Napangisi nalang ako sa naisip ko habang nakasilip at nagtatago sa malaking puno at sinubaybayan ang KIM BROTHERS at ang kanilang bagong stepsister.
Your life will be miserable SOON...
BINABASA MO ANG
Seven Pervert StepBrothers (BOOK 1) ✔
Fanfiction#1 in btsboys #1 in bangtan Malaki ang kagustuhan ni Alezia Daphne Vergara na magkaroon ng kuya ngunit hindi niya inaasahan na hindi lang isa kun'di pito ang magiging kuya niya na may kapilyuhan ang mga ito ngunit paano nalang kung lahat sila ay m...