Chapter 31
Alezia POV
"Alezia, pakopya naman ako ng assignment sa History oh?" lumingon ako kay Adrian, tinaasan ko lang siya ng kilay at hindi ko siya pinansin. Tinuloy ko lang yung paglalaro ko ng Cookie Jam."Please naman oh" nilingon ko siya ng nakasalubong na kilay.
"Ayoko nga! Bahala ka diyan. Assignment nga yun e dapat ginawa mo sa bahay niyo" sabi ko at nag-level up yung rank ko.
"Bakit, ikaw din naman ah! Ginawa mo dito yung assignment mo buti nalang di kita sinusumbong diyan" sabi niya. Narealtalk ako dun besh a!
Nilagay ko na sa bag ko yung cellphone ko at kinuha yung notebook ko sa history. Nilapag ko sa desk niya at nakita ko siyang malawak na nakangiti.
"Welcome" usal niya pero pinaikutan ko lang siya ng mata. Pinalibot ko yung paningin ko sa classroom at hinahanap si Choi. Nagkibit balikat nalang ako ng hindi ko siya mahanap.
Nasaan kaya iyon?
Bigla nalang nagvibrate yung cp ko sa loob ng bag ko, kinuha ko naman ito at nakitang nagmessage si Tiffany.
"Sis, sabay tayo breaktime. We have to tell you something about our summer job. Loveyah- KyutNanie"
Napabuga ako ng malakas na hangin. Malapit na pala magbakasyon at magkokolehiyo na ako. Sabi nila sobrang hirap at ramdam mo daw ang kamatayan kapag nagkolehiyo kana.
"Ang lalim ng iniisip natin ah" usal ni Adrian.
"Wala. Tapusin mo na nga yan, para makuha ko na yang notebook ko" usal ko at tumingin sa labas ng bintana.
...."May nahanap na akong pwede nating pagtrabuhan samantala habang bakasyon pa" usal ni Tiffany habang ngumunguya ng bubble gum. Tinaas ko na lang yung kilay ko tsaka ko isinubo yung banana bread.
(A/N: word *banana*. Dont be green minded)
"Bukas samahan niyo ko puntahan yung place na yun. May friend akong nagtratrabaho kaya pumunta nalang daw tayo bukas para makausap yung boss nila" ani ni Tiffany. Nabilaukan naman si Nathalie habang umiinom ng juice niya.
"Takte! Bakit parang kinakabahan ako sa sinasabi mo Tiffany? Tumatayo yung mga balahibo ko! Nako gurl, baka kung saan saan tayo magtrabaho ha. Hind---" naputol yung sasabihin niya ng nilagay ni Tiffany yung banana bread sa malaking bunganga ni Nathalie.
"Just shut up okay? Hindi ko naman kayo ilalagay sa masama. Malaki laki rin yung ibibigay sa atin." taas-baba yung kilay ni Tiffany habang sinasabi niya yun. Nagkibit balikat nalang ako at sinabing sasama kami bukas sa place na iyon.
The next day....
Gabi na ng makaalis kaming tatlo para puntahan yung lugar kung saan pansamantala kaming magtratrabaho habang bakasyon pa."Bilisan niyo na nga. Baka naghihintay na sila sa loob" malakas na sigaw ni Tiffany sa amin kasi hindi kami gumagalaw kahit ni isa sa aming dalawa.
"Punyeta ka! Tiffany! Sinasabi ko na nga ba na may masama kang binabalak e!" malakas na usal ni Nathalie. Pinaikutan lang siya ng mata ng Tiffany at lumapit sa amin.
"Ano ba kasi ginagawa natin sa Bar na ito? Diba masyadong delikado yung place nato" sabi ko at napatango naman si Nathalie sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Seven Pervert StepBrothers (BOOK 1) ✔
Fanfiction#1 in btsboys #1 in bangtan Malaki ang kagustuhan ni Alezia Daphne Vergara na magkaroon ng kuya ngunit hindi niya inaasahan na hindi lang isa kun'di pito ang magiging kuya niya na may kapilyuhan ang mga ito ngunit paano nalang kung lahat sila ay m...