Chapter 45
Alezia POV
It's been 2 weeks na nag-stay ako sa hospital dahil sa matinding pag-atake ng allergy ko."Basta kami na bahala sa mga assignments at group projects na naskip mo tsaka reasonable naman yung pag-absent mo kaya hindi naman magagalit yung mga teachers mo." usal ni Tiffany sa kabilang linya. Napag-alaman din nila ang nagyari sa akin, nung nalaman na nila kung sino ang gumawa sa akin nun, nagwala sila sa loob ng Hospital at pag nakita daw nila si Olivia, sasabunutan nila with matching kaladkarin pa.
"Salamat talaga Tiffany" usal ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Hindi ako makapaniwala na kayang gawin sa akin ni Ate Olivia yung ganun. Umiling nalang ako baka kasi maiyak na naman ako.
"Huwag mo ng problemahin yun bes! That's what friends are for nga diba? Hahaha. Oh! siya, bababa muna ako tinatawag na naman ako ni Mommy eh. Labyuuu beesss. Take care. Mwuaaah" napangiti nalang ako at siya na ang nag-endcall. Napabuga ako ng malakas na hangin. Bilog na bilog yung buwan kaya masarap pagmasdan.
Nang medyo matagal na ako sa labas, pumasok na rin ako sa loob at isinarado yung bintana.
Nakaramdam ako ng pagkauhaw kaya pupunta nalang ako ng kusina para makainom ng tubig. Nang naglalakad na ako, nakarinig ako ng sigawan sa kwarto nina Mama at Dad. Natigil ang paglalakad ko at dahan-dahang lumapit sa kwarto nila.
"Bakit hindi mo pa sabihin sa kanya?" usal ni Mama. Nakaramdam ako ng matinding kaba dahil parang seryoso ang pinag-uusapan nila at hindi ko rin alam kung bakit ako nakikinig sa pinag-uusapan pero parang may part sa akin na kailangan kong makinig.
"Hindi muna sa ngayon, siguro ako na talaga ang magsasabi na ampon lang siya" ani ni Dad. Napatakip ako sa bibig ko dahil sa gulat. A-ampon? S-sinong ampon? Mas lalo akong kinabahan sa sinabi ni Dad.
"Honey, Kung papatagalin mo pa mas lalo siyang mahihirapan at mas lalo siyang masasaktan kasi pinatagal mong sabihin sa kanya. Ako na ang nagsasabi na sabihin mo na sa kanya habang maaga pa" ani ni Mama. Mas lalo akong naguluhan sa pinag-uusapan nila. Sino ba ang ampon?
"Alam ko naman yun pero kasi ako din yung mahihirapan, mahirap sa akin na sabihin na ampon siya kasi baka lumayo
siya sa amin" malungkot na sabi ni Dad. Malakas pa rin ang tibok ng puso ko dahil sa kaba."Siguro maiintindihan naman ni Marck yung ginawa mo, kasi iniligtas mo lang siya. Kung hindi mo ginawa iyon, siguro wala na siya rito sa mundong ito. Intindihin mo rin sana siya na once na nalaman niya na he's only adopted, may posibilidad na lumayo muna siya sainyo" usal ni Mama.
S-si Marck? S-siya yung ampon? P-pero p-papaano?
Narinig ko naman ang malakas na buntong hininga ni Dad.
"Nakapagdesisyon na ako, bukas na bukas rin. Sasabihin ko na sa kanila ang totoo" hindi ko na kayang makinig sa pinag-uusapan nila kaya dahan-dahan din akong umalis para hindi nila mahalata na may nakikinig sa kanila.Nakayuko lang ako na naglalakad habang inaalala ang mga pinaguusapan nila Mom at Dad. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni Marck kung malalaman niya na isa lang siyang ampon. Masakit sa kanya yun kasi matagal na inilihim sa kanya ng Papa niya ang katotohanan.
...
Nagtipon-tipon kaming lahat ngayon sa sala. Hindi ako mapakali dahil ngayon na sasabihin ni Dad yung tungkol kay Marck. Tiningnan ko naman si Marck na ngayon nakatulala sa kawalan. Mabilis kong iniwas ang tingin ko ng dumako ang tingin niya sa akin.
Sana hindi niya nakita...
Tumikhim muna si Dad para maagaw ang atensyon namin. Katabi ko ngayon si Kuya Jaerred at Kuya Taehyung. Napapawisan na yung mga palad ko dahil sa matinding kaba.
"Okay mga anak, pinatawag ko kayong lahat dito dahil may importante akong sasabihin sainyo" usal ni Dad. Nananatili parin kaming tahimik pero hindi nila alam na sobra ang kaba ko at isa ako sa nakakaalam ng sasabihin ni Dad.
"Lalo na sayo Marck" napatingin naman ako kaagad kay Marck na blanko parin ang expression nito. Tumango nalang siya at nagpatuloy magsalita si Dad.
"Kapag nalaman niyo na ang katotohanan. Hinihiling ko na sana magpatuloy pa rin ang pagmamahalan niyo bilang magkakapatid. Ako ang may kasalanan dito dahil itinago ko na ito sa matagal na panahon" nilunok ko nalang yung laway ko ng marealize ko na malapit na nag controversy. Huhuhu.
"M-marck. Huwag mo sana akong kamuhian dahil ginawa ko lang sayo ang nararapat na gawin" nakita ko ang pagkunot noo ni Marck dahil sa sinabi ni Dad.
"What are you trying to say, Dad?" takang tanong ni Marck. Napabuntong hininga nalang si Dad at mariin na tiningnan si Marck.
"Y-you're Adopted" boom! pagkasabi na pagkasabi ni Dad yun. Silence fills up. Wala kang maririnig na kahit ano kundi ang paghinga lang namin.
"W-what?" mahinang tanong ni Marck. Nanlaki din ang mga mata ng iba pa naming Kuya. Alam kong masakit sa kanya ang malaman na ampon lang siya kaya hindi siya makapaniwala at hindi rin magsink-in sa utak niya ang sinabi ni Dad.
"You're Adopted. But don't get me wrong son. You're life is in danger with your parents. Your father is an Mafia who has a big dept in a big company with many Mafia's. Your mother is a sick woman when she got pregnant and that's you and my first secretary to have. They are my partners and my close friends especially your father." nakikinig lang kami sa sinasabi ni Dad. May reason naman pala.
Muli kong tiningnan si Marck na ngayon ay nakikinig rin sa kwento ng hindi niya tunay na ama pero siya ang nagpalaki at nag-alaga."Hinahanap-hanap ng mga ibang Mafia's group ang ama mo and that time nanganak ang mama mo at balak sana ng mga magulang mo na lumayo para hindi ka madamay but it's too late kasi nahanap nila kung saan nakatira ang mga magulang mo. Sakto naman na pupunta ako sa bahay nila para kamustahin ang mama mo. Hindi namin sila kayang labanan kaya sumuko na ang ama mo pero pinatay lang siya ng Pinuno nila. Ang mama mo namatay na nung pagkatapos kang mailabas. Nang marinig ko ang iyak mo, doon na kita kinuha at pinangako sa magulang mo na papalakihin kang mabuti at may maayos na pamumuhay pero mukhang nabigo ko sila dahil kung ano-ano nalang ang mga ginagawa mo sa buhay." tahimik parin silang nakikinig. Naiintindihan ko na ang side ni Dad kaya kung ako kay Marck, intindihin nalang niya si Dad.
"Edi sana pinabayaan mo nalang akong patayin at makakasama ko pa yung mga magulang ko diba?" lumaki nalang yung mga mata ko ng sinabi niya yun kay Dad. Nagulat din si Dad at yung mga Kuya ko dahil sa sinabi ni Marck.
"Marck! Huwag kang ganyan! Dapat magpasalamat ka pa kay Dad dahil iniligtas niya yung buhay mo, dahil kung hindi, hindi mo mararanasan yung ganitong buhay, na nakikipaglaplapan sa mga babaeng hindi mo kilala. Bakit ka ba nagkagaganyan Marck?" galit na usal ni Kuya Jaerred. Sumang-ayon ako sa sinabi niya. Tama naman kasi ang sinabi ni Kuya Jaerred.
Tumayo si Marck at naglakad ng walang paalam. Mabilis na tumayo ang iba ko pang mga Kuya.
"KUYA!" napasigaw ako ng bigla nalang sinuntok ni Kuya Matthew si Marck. Napatakip ako sa bibig ng nagdugo kaagad ang gilid ng labi niya. Mabilis naman siyang tumayo sa pagkakabagsak, at mariin na tumingin sa amin.
"Wala kang utang na loob, Marck!" sigaw ni Kuya Matthew pero umiling lang si Marck. Naramdaman kong patuloy na dumadaloy ang mga luha ko. Ayokong nakikita silang ganito.
"Kaya nga dapat pinabayaan niyo na lang ako para wala akong utang sa inyo" matapang niyang sabi at mabilis na umalis. Narinig kong umiiyak si Mama at pinapakalma si Dad. Bakit ganito ang nangyayari?
A-anong nangyayari kay Marck?
BINABASA MO ANG
Seven Pervert StepBrothers (BOOK 1) ✔
Fanfic#1 in btsboys #1 in bangtan Malaki ang kagustuhan ni Alezia Daphne Vergara na magkaroon ng kuya ngunit hindi niya inaasahan na hindi lang isa kun'di pito ang magiging kuya niya na may kapilyuhan ang mga ito ngunit paano nalang kung lahat sila ay m...