Chapter 44: Protective Brothers

1.7K 50 2
                                    

Chapter 44

Alezia POV
Minulat ko yung mga mata ko ng dahan-dahan at nakikita ko lang ang puting liwanag. Nakakasilaw. Lord, kukunin niyo na po ba ako? Marami pa po akong pangarap sa buhay.

"Gising na siya, Kuya!" napakunot-noo nalang ako ng marinig ko ang mga boses ng Kuya ko. Bakit sila nandidito sa Heaven? P-patay rin s-sila.

"A-are you okay, Alezia?" naramdaman kong may humahaplos sa itaas ng buhok ko. Inilibot ko yung paningin ko at nakita ko ang mga Kuya ko na nag-aalalang tumitingin sa akin.

"N-nasaan ako?" mahinang tanong ako. Gusto kong tumayo pero masakit yung buong katawan ko. Umupo sila sa tabi ko isa-isa.

"Nasa Hospital ka. Napag-alaman namin na inatake ka ng Shrimp Allergy. Now tell me little sis, Sino ang gumawa nito sayo?" tanong ni Kuya Matthew. Natandaan ko lahat lahat ang nangyari. B-bakit ganun si Ate Olivia? May nagawa ba akong kasalanan para gawin niya sa akin ito.

Naramdaman kong tumulo ang mga luha ko at pilit na pinapatahan ng mga Kuya ko.

"Ssssh. Don't cry. Basta sabihin mo lang sa amin kung sino ang gumawa nito" usal ni Kuya Daevid habang hinahaplos ang mga buhok ko.

"S-si A-ate O-olivia" putol putol kong sinabi dahil natatakot ako na baka may gawin ulit sa akin si Ate Olivia. Akala ko mabait siyang tao, unang pagkakakilala ko sa kanya tinuturing ko na siyang Ate ko pero nagkamali pala ako dahil may tinatago siyang baho sa pagkatao niya.

"Damn it!" nakarinig ako ng malakas na hampas mula sa gilid ko at nakita ko si Rabbit na mabilis ang paghinga at nakayukom ang mga kamao.
Ano na namang nagyayari dito?

"Taehyung is right" ani ni Kuya Jaerred at tumayo habang nakapamulsa. Ano bang sinasabi nila? Bakit nadamay na dito si Kuya Taehyung?

"Get some rest Alezia. Aalis lang kami sandali basta magpahinga ka muna, huwag kang mag-alala dadating din dito sila Mom at Dad." tumango nalang ako sa sinabi ni Kuya Marck habang isa-isa sila humalik sa sintido ko at mabilis na umalis ng kwarto ko. Nakaramdam ako ng antok at unti-unting sinarado ang mga mata ko.

Taehyung POV
"Pakawalan mo nga dito!" naririndi na ako sa sigaw ng demonyitang babae na ito. Buti nalang talaga nakita ko siya na kasama si Alezia sa Restaurant.

Flashback.

Naglakad lakad muna ako para magpahangin at naririnig ko na naman ang mga tilian ng babae dahil na rin sa nakakita sila ng gwapong nilalang pero nasanay na rin yata ako.

Natigil yung paglalakad ko ng makita ko si Alezia na parang may hinihintay. She wears a simple outfit. A white tshirt and a jeans w/ flat sandals. Mas lalo tuloy na gumanda siya. Kahit simple lang pero nakakaagaw ng atensyon.

Lalapit na sana ako sa kanya kaso lumaki nalang yung mga mata ko kung sino kasama niya.

Si Olivia Gutierrez...

B-bakit magkasama sila? Nakita ko naman na pumasok sila sa loob ng restaurant, syempre ang ginawa ko sinundan ko sila. Umupo ako sa medyo kalayuan na inuupuan nila. Kitang-kita ko ang mga galawan nila.

Hanggang sa nakita ko na parang hindi maayos ang paghinga ni Alezia.

"P-punta mo ko sa Hospital. Bilis!" rinig kong sabi ni Alezia. Napatayo ako sa kinauupuan ko ng sinadya talaga ni Olivia na gawin kay Alezia yung pagpapakain sa kanya ng may hipon. Wala rin akong kaalam alam na allergic siya sa shrimp.

Nakita kong mabilis na umalis si Olivia at iniwan si Alezia. Bago siya mawalan ng malay, binuhat ko na kaagad siya at mabilis na umalis ng restaurant at pumunta sa malapit na hospital.

Pagsisisihan mo lahat ng ginawa mo Olivia...

-End of Flashback

"Ano ba! Sabing pakawalan mo nga ako eh! Sisigaw talaga ako dito!" pinaikutan ko nalang siya ng mata at lumapit sa kanya. Nasa isang basement kami kung saan walang tao ang makakarinig sa labas ni isa. Nakatali ang kamay at mga paa niya sa isang upuan at pilit na kumawala sa

"Edi sumigaw ka,walang makakapigil sayo. Kung may makakarinig sa labas" Tinaas ko nalang ang gilid ng labi ko at nakita ko siyang natakot.

"HEEEEELP! TULOOONG! SOMEONE KIDNAPPED ME! TULOOOONG!" malakas na sigaw niya. Naiirita na ako sa panget na pagsigaw niya kaya nilagyan ko nalang yung bibig niya ng panyo para matahimik siya.

"Ummmm, asfkhl" masama ang tingin niya sa akin pero wala akong pakialam.

"Alam mo kung pwede lang kitang patayin, noon ko na ginawa. May inosente kang mukha pero kapatid ka yata ni Satanas dahil sa masama mong ugali, ay! nakalimutan ko nga pala, pinsan mo pala si Satanas at ikaw naman si Dracula" usal ko at nakita ko namang na lumaki nalang yung mga mata niya. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan lumingon ako at nakita ko sila Kuya.

"Awww. Poor Olivia. Nakatali lang sa iisang upuan. Sige lang umiyak kalang ng umiyak. Akala mo makukuha mo ang awa namin, pero nagkakamali ka. Wa epek na yang kadramahan mo sa amin" ani ni Andrei habang nakapamulsa. Nakita ko naman si Marck na mabilis na lumapit kay Olivia at marahas na pinaharap sa kanya.

"You will regret anything you do for Alezia. Remember that i can kill you right now for doing such a wrong thing for my girl" galit na sabi ni Marck at marahas siyang binitawan. Umiiyak na ng sobra si Olivia but no one cares.

"Oh, bakit ka umiiyak? May sinabi ba kaming umiyak ka?" aniya ulit pero umiling lang si Olivia habang nakatingin sa ibaba. Kadramahan na naman niya amputa!

"How's Alezia?" tanong ko at lumapit kay Kuya Matthew. Nakita ko ang pag-igting ng bagang niya dahil sa galit.

"She's fine. Nagpapahinga nalang siya, binabantayan siya ni Mom at Dad" tumango nalang ako at tumingin kay Olivia. Lumapit kaming lahat sa kanya at tinanggal ang panyo sa bibig nito.

"P-pakawalan niyo na ako d-dito. I'm so sorry" napintig ang tainga ko ng sinabi niya ang 'I'm so sorry'. Bullshit. Mag-sosorry siya eh tapos na yung ginawa niya kay Alezia.

"Buti nalang talaga mabilis na dinala ni Taehyung si Alezia sa hospital dahil kung hindi, pwede niyang ikamatay yun but i'm so thankful she's okay and need some rest. Ikaw naman ang pahihirapan namin. Fair naman diba?" sarcastic na sabi ni Kuya Matthew. Humanda ka nalang talaga Olivia dahil iba magalit si Kuya Matthew.

"NO ONE CAN HURT MY GIRL NOT ME, NOT US AND ESPECIALLY NOT YOU! PERO GINAWA MO SO BE READY TO THE CONSEQUENCES I WILL GIVE TO YOU AND TO YOUR FAMILY. BE READY TO SUFFER AGAIN OLIVIA GUTIERREZ" napaigtad kami ng kaunti ng sumigaw siya at mabilis na umalis si Kuya Matthew. Mas lalong humikbi at umiyak si Olivia.

"NO! NO! Huwag ang pamilya ko! Nagmamakaawa ako" sabi niya pero umiling nalang kami at naglakad sa pintuan para umalis na rin. Sorry nalang dahil wala kaming awa at pagdating sa babaeng mahal namin lahat kaya naming gawin.

"SAAN KAYO PUPUNTA! HUWAG NIYO AKONG IWAN MAG-ISA DITO! PLEAAAASE!" rinig naming sigaw niya pero sinarado na namin ang pintuan at sumakay na ng kotse para pumunta ng Hospital.

Seven Pervert StepBrothers (BOOK 1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon