Chapter 34
Alezia POV
"I-i think i already loved you, Alezia." napalaki nalang yung mga mata ko sa narinig ko."I-i think i already loved you, Alezia"
"I-i think i already loved you, Alezia"
Paulit-ulit na nag-eecho sa utak ko yung sinabi ni Kuya Matthew.
Mas lalo pa siyang lumapit sa akin at hindi ko alam kung bakit naninigas ako, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko hanggang sa isang dangkal na lang ang pagitan namin sa isa't-isa at naririnig ko rin yung malakas na pagtibok ng puso niya.Malalim siyang tumingin sa akin. Nakikita ko na kung ano talaga ang nasa mga mata niya. I can tell that he's so inlove with me.
"K-kuya Matthew" usal ko nang hindi ko na makakayanan yung mga tinginan niya. Bakit ako? Bakit ako pa? Kaunting panahon nalang at ikakasal na sila Mom at Dad, magiging Official Brothers ko na este STEPBROTHERS pala kasi hindi ko naman sila kadugo pero hindi na big deal sa akin iyon basta ang mahalaga may mga kuya na ako na matagal ko nang hinihiling.
"I loved you not as a stepsister but a woman who makes my heartbeats fast and the woman i loved to be with. Hindi ko alam kung papaano at hindi ko alam kung bakit ikaw pa ang nagawa kong mahalin pero ang alam ko lang kapag nakikita kita, araw-araw nagiging masaya na ako. Kapag nawawala ka lang sa tabi ko hindi ako makapag-isip ng maayos, hinahanap hanap kita at gusto ko palagi kong nakikita yung mga magaganda mong ngiti na nagpapakumpleto sa araw ko at narealize ko na ikaw yung babaeng gusto ko, ikaw yung babaeng gustong gusto kong makasama habang buhay" naramdaman kong pumunta ang isang kamay
niya sa pisngi ko at marahan na hinaplos iyon. Naramdaman kong lahat ng dugo ko nagsipuntahan sa ulo ko. Kinikilig ako, tangina!"MATTHEW!" napalingon kami sa sumigaw at nakita ko si Mark a.k.a ang bwisit na Rabbit ng taon. Nakita niya kung ano ang posisyon namin kaya napalayo ako ng nahihiyang tumingin sa ibaba.
"W-what's going on here?" tanong ni Marck pero hindi pa din ako nagsasalita. Narinig ko ang mahinang tawa ni Kuya Matthew.
"It's nothing, Marck" usal ni Kuya Matthew. Naglakas loob akong tingnan silang dalawa at nagulat ako ng nakayukom yung kamao ni Marck and he clenched his jaw tightly.
"I am not stupid Kuya hindi katulad ng isa diyan na napaka---" naputol yung sasabihin niya ng magsalita si Kuya Matthew na ikinalaki ng mata ko.
"Continue what you'd like to say Marck and say goodbye to this world, even though i am your oldest brother i will rather kill your fucking mouth with my own hands, got that little boy?" Nakita ko naman na mas lalong nagalit si Rabbit at mabilis na umalis.
Naiwan akong nakatulala kasama si Kuya Matthew. Hindi ko aakalain na may ganitong side si Kuya Matthew at natatakot ako dito. Tiningnan ko siya pero nakita ko lang malawak lang siyang ngumiti.
"Let's go, shall we?" napatango nalang ako at inalalayan niya akong maglakad habang yung isang kamay niya nakapulupot sa beywang ko.
-SkipTime-
Umuwi akong mag-isa ng bahay galing sa school, may pinuntahan pa kasing group
project sila Kuya at baka bukas na sila makakauwi.Bago ako makalabas ng kotse, ang dami dami nilang pinagsasabi at pinagbabawalan sa akin na parang mga magulang ko na sila.
'Pagkapasok mo, ilock mo
kaagad yung pinto ha, baka may pumasok na magnanakaw''Kapag may pumasok na magnanakaw, tumawag ka kaagad sa amin ha?'
'Huwag kang mag-alala may nakatagong weapon sa mga drawers sa kitchen. Kapag kailangan mo kunin mo na kaagad ha'
'Ilock mo yung pinto at mga bintana sa kwarto mo para hindi makapasok yung magnanakaw'
Napailing nalang ako ng maalala ko yung mga pinagsasabi nila. Umaakyat na kaagad ako sa kwarto ko at sinunod yung sinabi nila na ilock yung pinto at mga bintana bago ako pumuntang banyo. Hindi naman nagtagal tapos na ako at handa ng matulog. 10 pm na pala kailangan ko ng matulog. Nagtaklob na ako ng kumot at mabilis na nakatulog.
Nagising ako sa malakas na ingay sa baba. Mabilis na dumilat yung mga mata ko at napabalikwas sa higaan ko. Magnanakaw kaya iyon? Napatingin ako sa orasan and it's 2:30 in the middle of the morning. Napakamot nalang ako ng ulo at dahan dahan binuksan yung pintuan. Kahit na madilim nakakakita pa rin naman ako.
Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan kahit na malakas yung pagtibok ng puso ko sa kaba. Nakita ko kaagad yung baseball bat na nakasabit malapit sa pintuan. Kinuha ko kaagad iyon at nagsimulang maglakad ng marahan.
Nakita ko ang isang bulto ng tao na nakaupo sa sofa. Nakablack-hoodie ito at komportableng nakaupo sa sofa. Napaigtad ako ng makarinig ako ng malakas na bagsak ng baso. Mahigpit kong hinawakan yung baseball bat at dahan-dahang pumunta sa likod ng magnanakaw. Walang hiya talaga, umupo pa talaga sa sofa, ang sosyal naman ng magnanakaw nato. Feel at home ang peg pero sorry nalang mapupunta ka rin sa kulungan.
Itinaas ko na yung baseball bat at handa na siyang paluin. Alam kong masakit ito pero kasi ako naman yung mapapahamak kapag hindi kon iniligtas sarili ko.
"YAAAAAH!" pagkasigaw ko nun malakas kong hinampas yun sa magnanakaw. Paulit-ulit ko siyang pinaghahampas.
"Walang hiya ka! May balak ka pang umupo sa sofa namin. Magnanakaw! Magnanakaw!" sigaw ko at pinaghahampas siya ng ilang beses.
"A-araaay! A-aaaraaay! Tama na!" sabi nung magnanakaw. Infairness ha, ang ganda ng boses niya---pinailing ko yung ulo ko ng umiiral na naman ang kalandian ko. Patuloy ko pa rin siyang pinaghahampas hanggang sa naramdaman kong tumilapon yung baseball bat.
"I SAID STOP IT! HINDI AKO MAGNANAKAW OKAY! TSAKA MALAMANG UUPO AKO SA SOFANG ITO KASI PAMAMAHAY KO DIN TO DUH, YOURE SUCH A STUPID!" sigaw ng pamilyar na boses. Kilala ko kung kaninong boses na iyon at isang tao lang ang tumatawag sa akin ng 'stupid'
Naglakad siya papunta sa pintuan at binuksan yung ilaw. Lumaki nalang yung mga mata ko na kulang nalang e lalabas na yung eyeballs ko.
"MARCK!"
BINABASA MO ANG
Seven Pervert StepBrothers (BOOK 1) ✔
Fanfiction#1 in btsboys #1 in bangtan Malaki ang kagustuhan ni Alezia Daphne Vergara na magkaroon ng kuya ngunit hindi niya inaasahan na hindi lang isa kun'di pito ang magiging kuya niya na may kapilyuhan ang mga ito ngunit paano nalang kung lahat sila ay m...