Chapter 10
Alezia P.O.V
Hindi talaga ako makapaniwala na sila yung mga nangbubully kay Choi pero marami rami na din silang nabiktima kakasabi lang ni Choi diba? Grabe kailangan ko silang isumbong para itigil na nila yung mga ginagawa nila. Pero kay Mr. Rabbit? Hindi na ako magtataka na nangbubully talaga siya e nung nasa bahay pa nga lang e palagi nalang kami nag aaway nun. Akala naman niya hindi ko siya lalabanan? Huh! Wag akong hahamunin niya.Nakatingin pa din ako sa kanila at tinitingnan ang bawat galaw nila pero bigla nalang tumingin sa direksyon ko si Mr. Rabbit na kumakain ngayon ng burger. Kumagat siya rito at may ketchup na nalagay sa gilid ng labi niya tsaka niya dinilaan yun.
YUCK! EWWW! sabi ng utak ko pati na nga rin siguro yung mukha ko e. Kailangan ba ganun? Pauso rin e no!Bigla nalang siya nag-smirk at may binulong kay Kuya Matthew na kaharap niya lang at lahat na sila napatingin sa direksyon ko. Nagulat ako at iiwas ko na sana yung tingin ko kaso kumaway sila sa akin. Wala na akong magawa kaya naman kumaway ako pabalik.
"HOY!" napaigtad ako sa kinauupuan ko at napalingon sa mga kasama ko. Tiningnan ko lang sila.
"Kilala mo sila Alezia?" Sabay nilang tanong kaya yumuko nalang ako at wala na akong magagawa kundi sabihin ang totoo na mga Stepbrothers ko sila.
"HUH!/ANO!?" sabi nila at napatayo pa sila Tiffany At Nathalie pero bigla ko silang pinaupo nang nakita ko yung mga tao sa Canteen na nakatingin samin. Umupo naman sila.
"P-paano mo sila naging stepbrothers?" tanong ni Nathalie. Nagbuntong hininga muna ako at sinabi ko yung nahanap na labdabdab ng mama ko e yung papa nila. Napatango sila pero bigla akong sinamaan ng tingin ni Tiffany at sinabing "YOU.EXPLAIN. US. LATER" usal niya at napatango si Nathalie na parang sumasangayon sa sinabi ni Tiffany. Tumayo kami at bumili na nga makakain sa Canteen medyo kaunti na rin yung tao sa loob kaya naman agad kaming natapos sa pagbili at babalik na sana kami kaso nang pagkaharap ko e may bigla akong nakarinig ng sigawan mula sa labas. Napatingin kaming apata at naglakad kung saan yung nangyayari. Habang papalapit kami mas lalo akong kinakabahan. Nang makarating na kami. Lumaki ulit ung mga mata ko dahil nakita ko si Kuya Daevid na binuhusan ng Orange Juice yung babae na ngayon ay nakaupo sa sahig at umiiyak. Ano bang nangyari?
"Ayan kasi, hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo! Nalagyan ng mantsa yung uniform ko. Nako naman o!" bigla niyang sabi at hinampas yung plastic cup na may lamang Juice at ang laman nun e nagkalat pero mas madami yung nasa babae. Nanghingi ng sorry yung babae, paulit ulit nalang niya sinasabi ang "sorry". Nakita ko nga na may mantsa sa damit ni Kuya Daevid pero maliit lang naman yun a! Dahil lang dun ipapahiya na niya yung babae. Tumingin ako kay Choi at napahawak siya ng mahigpit sa tray niya. Alam kong napagdaanan niya na ata ito kaya siguro ganyan siya makareact.
Hindi ko na kaya. Kailangan kong gumawa ng paraan. Kaya naman agad kong pinahawak kay Tiffany yung tray ko at lumapit kila Kuya. Tumakbo ako dun sa babae na nakaupos at pilit na pinapatayo pero bigla nalang siya tumakbo habang umiiyak.
Bigla kong sinamaan ng tingin yung mga kuya ko lalo na si Kuya Daevid!
"Nang dahil lang sa kaunting mantsa e papahiyain mo nalang siya ng ganun na ganun nalang at binuhusan mo pa ng juice huh! Nanghingi naman siya ng sorry sayo diba pero pinapairal mo yang masama mong ugali.Bakit nangbubully kayo dito? Bakit niyo ito ginagawa?" sabi ko at hindi ko namalayan na tumulo yung luha ko at nagsimula nang umiyak. Tumingin lang sila sakin pero biglang nagsalita si Mr.Rabbit.
"Huwag ka nang makisali pa dito Alezia. Tsaka magbigay ka nga ng respeto sa mga kuya mo at ganyan ka pa magsalita a." usal niya na mas lalo kong kinagalit.
"PAANO KO KAYO RERESPATUHIN, KUNG KAYO NAMAN TALAGA ANG HINDI MARUNONG RUMESPETO SA KAPWA TAO NIYO!" sigaw ko sa kanila at tumakbo papalayo sa kanila at hinila ko na sila Tiffany,Nathalie at Choi. Nawalan ako nang gana kaya binigay ko nalang yung pagkain ko kay Choi. Hanggang sa bumalik na yung klase e lutang pa rin ang pag-iisip ko. Kailangan ko silang makausap tungkol dito at kailangan ding malaman nila Papa at Mama
ang mga ginagawa nila. Tama! Mamayang pag-uwi ko. Humanda talaga sila sa akin.Jaerred P.O.V
Nang tumakbo papalayo si Alezia e. Tumahimik sa Canteen at nagsialisan yung mga tao kaya kami nalang natira. Natakot na rin siguro sila.Pero nung nakita ko kung paano umiiyak si Alezia sa harapan namin. Parang may kumirot na kung ano sa puso ko nang makita yung mga luha niya, lalo na nung tumakbo na siya papalayo.
Narinig kong nagbuntung-hininga si Matthew at nagsalita.
"Tama si Alezia, paano tayo rerespatuhin ng iba kung tayo mismo e walang respeto." sabi niya at tumingin saming lahat.
"Wala na siyang pakealam dun kung ano mga ginagawa natin." sabi ni Daevid na magkasalubong ang kilay dahil sa pangyayari kanina.
"Oo nga, wala siyang alam kung bakit natin ito ginagawa. Psh" usal ni Prince. Oo may dahilan kami kung bakit naman ito ginagawa. Malalaman niyo rin.
"Pero mali pa rin itong ginagawa natin" sabi ko at nagkatinginan kaming at sabay sabay nagbuntung-hininga.
"Alam niyo tama naman talaga si Alezia e, Kung marunong tayo rumespeto, rerespatuhin din tayo pabalik. Ako hindi ko naman talaga gusto ito pero napapasama lang talaga ako sa mga kalokohan niyo at sa mga kasamaan niyo. Nakita niyo ba! Nakita niyo ba nang umiiyak si Alezia dahil lang sa atin? Akala ko ba hindi natin siya papaiyakin,sasaktan. Mga Kuya niya ito, kahit na hindi niya tayo tunay na mga Kuya pero sana naman maramdaman niya o iparamdam natin sa kanya na ang mga kuya niya ay may mga magandang kalooban at kapatid na rin natin siya kahit hindi naman tayo magkakadugo pero iniisip ko na si Alezia ay isa kong tunay na kapatid na babae. Hindi dapat siya umiiyak ngayon nang dahil sa atin dapat pa nga tayo ang pumoprotekta sa kanya, nag-aalaga. Pero anong nagawa natin? Sandaling panahon pa lang natin siya nakakasama pero ito na agad makikita niya sa atin. Bahala kayo basta ako hindi na ulit ako sasama sa mga kalokohan niyo at sinasabi ko na rin bilang kapatid niyo e itigil niyo natong kagaguhan na ito" mahabang usal ni Taehyung. Napaisip naman kaming lahat sa sinabi niya. Tama siya. Kaya ayoko na rin ito. Ititigil ko na rin.
"Good Taehyung, pero bakit nga ba ganyan makapagsalita tungkol kay Alezia?" tanong ni Mark kay Taehyung na ngayon e napaiwas na lamang ng tingin at nauna nang maglakad pero napatigil agad siya at sinabing "Makita kong ulit na umiiyak si Alezia, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at ang nararamdaman ko." at naglakad na ulit siya.
H-huh? N-nararamdaman?
Nagkatinginan lang kami at napagdesisyunan namin na itigil ang pagbubully para na rin kay Alezia. Ayaw naming maging bad influence kami para sa kanya. Magiging kuya na niya kami kapag kinasal na sila Dad and Tit-este Mom. Nung una ayaw nila Daevid at Prince Marck pero napa-oo nalang sila nang nakita nila na umiba ang awra ni Matthew. Alam nila kung papaano magalit si Matthew kaya mabilis na tumango agad sila. Bumalik na kami sa classroom. Late na rin kami. Lagot na naman kami nito. Bahala na si Snow White.
BINABASA MO ANG
Seven Pervert StepBrothers (BOOK 1) ✔
Fanfiction#1 in btsboys #1 in bangtan Malaki ang kagustuhan ni Alezia Daphne Vergara na magkaroon ng kuya ngunit hindi niya inaasahan na hindi lang isa kun'di pito ang magiging kuya niya na may kapilyuhan ang mga ito ngunit paano nalang kung lahat sila ay m...