Chapter 27: Adrian Rosetton

2.1K 65 8
                                    

Chapter 27

  Alezia POV
After that incident... Hindi na kami masyadong nag-uusap ni Rabbit. Kapag lalapit siya sa akin ako na mismo ang iiwas. Hindi ko alam pero kapag nakikita ko siya nagwawala itong puso ko. Hindi ko alam kung ano na nga ang nangyayari sa akin.

Nandito ako ngayon sa classroom habang nakatingin sa labas ng bintana. Nakikita kong masayang nagkwekwentuhan ang ibang estudyante habang yung iba naglalaro at may kanya kanyang mundo. Napabuntong hininga na lang ako.

Nang bigla nalang may kumalambag na tunog.

"Ay bilat!" gulat kong sabi. Nagtakip ako ng bibig at tiningnan kung sino ang bwisit na nangdistorbo sa kadramahan ko.

Si Adrian Rosetton lang naman.

(A/N: Nandun rin siya sa Chapter 23, Adrian Rosetton as Seventeen's Vernon)

Pinaikutan ko lang siya ng mata at tumingin ulit sa labas ng bintana.

"Ano na namang kadramahan iyan ha?" tanong niya at tumawa ng mahina. Lumingon ako sa kanya habang magkasalubong ang kilay.

"Eh ano bang pake mo? Buhay mo! Buhay mo?" gigil kong sabi sa kanya at tumingin ulit sa bintana. Nakakabwisit panira ng momentum.

"Oh! Galit kaagad? Baka naman meron ka ngayon?" lumaki nalang yung mga mata ko dahil alam ko ang ibig sabihin ng sinabi niya.

Padabog akong lumingon sa kanya habang nakacrossed-arms.

"Hoy! Fyi, wala ako ngayon at kakatapos ko lang-sklwtmp" nakita ko namang napakunot noo siya.

"Anong sklwtmp?" tanong niya at inilapit yung mukha niya sa akin. Napalayo kaagad ako. Ano bang ginagawa niya?

"Means Share ko lang wala talagang may pake. Hmmmp!" usal ko at pinitik ko yung ulo ko sa kabila.

"ARAY!" sigaw ko kasi parang may tumunog sa leeg ko. Tang*** ang sakit. Huhuhu

"Yan, buti nga sayo, hahahaha" tawa ni Adrian. Tiningnan ko lang siya ng masama habang hinihilot ko yung likuran ng leeg ko.

"Tse!" inikot ko na lang yung mata ko at tumingin sa labas ng bintana.

Lumaki yung mga mata ko nang makita ko sila Kuya. Grabe parang 'Boys Over Flowers' ang peg nila ha!

Naglalakad lang naman sila. Parang mga modelo at mga gwapong anghel na ibinababa sa kalangitan pero ang pinagkaiba lang nakaschool uniform.

"Waaaaaah" mahinang sabi ko at tinitingnan sila. Nakita ko namang madaming babae ang lumalapit sa kanila at nagpapapicture. Hindi naman sila tumanggi.

"Grabe parang silang mga artista na maraming fans" ani ko pero may kumalabit sa akin.

Tiningnan ko naman kung sino yun.

"Ano na naman ba!" sabi ko kay Adrian na ngayon e nakatingin lang din sa kila kuya. Pabalik balik lang yung tingin ko kila Kuya at Adrian. Napangiti nalang ako at siniko siko si Adrian.

"Ikaw ha! May pagnanasa ka sa mga Kuya ko ha! Hahahaha" tumawa ako at tinaas baba ko yung mga kilay ko.

Napaigtad naman siya at tiningnan ako ng masama "Hoy! di kami talo noh! Tsaka may gusto ako" sabi niya at ngumiti ng pagkalaki laki.

"Sino? Sino?" makulit kong sabi pero tumingin lang siya sa akin at iniling yung ulo niya.

"Basta, malalaman mo rin sa tamang panahon" usal niya at tumayo na rin siya lumabas ng room. Kahit na may pagkabadboy si Adrian, ewan ko pero bakit ang close ko sa kanya. Wala naman kasi siyang ginagawang masama sa akin.

Sino kaya yung gusto niya?

Tiningnan ko ulit yung mga Kuya ko na ngayon ay sobrang busy dahil sa kanilang lovely fans.

"Hahahahahaha" Napatawa ako ng malakas dahil nakita ko yung mukha ni Rabbit na naiinis. Magkasalubong yung kilay niya tapos nakapout pa. Napangiti nalang ako.

"Ang cute" ani ko, weyt---- DID I SAY CUTE!!!? Erase! Erase! Di siya cute, bwisit siya

Bigla nalang tumingin sa itaas ng building namin si Kuya Taehyung. Nagtama ang tingin namin. Ngumiti ako at kumaway sa kanila.

"HI MGA KUYAAAA!" sigaw ko at lahat ng attention na sa akin na. Lumaki yung mga mata ko kaya napayuko ng wala sa oras.

Sumilip ako ng kaunti sa bintana at nakita ko na hindi na sila nakatingin dito.

"Phew" buntong hininga ko. Ang tagal naman dumating ng teacher namin.

Speaking of teacher, nandito na nga siya.

"Goodmorning class" usal niya at umupo na sa desk niya.

"Goodmorning Maam" bati naming lahat at sinenyasan kaming umupo na.

Sa huling pagkakataon tumingin ulit ako sa bintana at nakita ko na paalis na sila kuya at wala na rin yung mga babae.

At ang hindi ko inaasahan ay ang pagtingin ni Rabbit sa building namin. Nagkatinginan kami pero agad akong umiwas ng tingin at nagfocus sa harapan.

Bakit ganun? Sa tuwing nagkakatinginan kami ni Rabbit may ibang weird akong nararamdaman?

Seven Pervert StepBrothers (BOOK 1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon