Chapter 18: Kuya Matthew

2.6K 73 5
                                    

Chapter 18

  Alezia POV
Nang matapos ko nang mailabas lahat kay Inang Kalikasan e agad agad akong tumalon sa kama medyo inaantok na rin ako. Kaya hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako dahil gusto kong uminom ng tubig medyo nanunuyo na rin yung lalamunan ko. Tiningnan ko kung anong oras na at alas-dos ng madaling araw palang. Alam kong mga tulog na yung mga tao dito sa gantong oras ba naman sino pang gising? Hayst.

Dahan dahan akong bumaba at ayokong makagawa ako ng ingay baka magising silang yung mga tao dito. Nung pagkababa ko pumunta na ako sa kusina kahit madilim dito sa baba e nakikita ko pa rin naman yung dinadaanan ko kaya no worries. Binuksan ko na yung ref at naramdaman ko kaagad yung lamig kaya nanginig ako. Kinuha ko na yung pitchel at baso. Nagsalin naman ako at agad na ininom yun. Dumagdag pa ako ng dalawang beses. Uhaw na uhaw talaga ako. Bakit kaya?

"Ahhh~ ang sarap naman nito kahit tubig lang. May flavor ba to?" sabi ko sa sarili ko.

"Mineral kasi yan" may nagsalita sa likuran ko.

"Ay! Putakte!" Muntikan ko nang mabitawan yung basong hawak ko. Hinarap ko naman yung nagsalita at bigla siyang naglakad papunta sa gilid at may pinindot siya dun. In-on niya lang pala yung ilaw at namukhaan ko na kung sino. Si Kuya Matthew lang pala.

"Anong ginagawa mo dito Kuya?" tanong ko nang mabalik na yung pagkagulat ko. Kumuha naman siya ng baso at uminom din katulad ng ginawa ko. Bigla naman siyang tumingin sa akin

"Hindi kasi ako makatulog kaya pumunta ako sa balcony para madalaw ako ng antok, kaso wala pa rin e kaya umalis na ako dun pero nung pabalik na ako sa kwarto ko nakita kong nakabukas yung pinto ng kwarto mo at nakita kong wala ka dun, Sakto naman na pagkababa ko e umiinom ka ng tubig. Pasensiya na rin kung nagulat kita" usal niya pero umiling lang ako.

"Okay lang yun kuya. Tsaka bakit hindi ka makatulog? May problema kaba? Madami ka atang iniisip e" ani ko at naglakad si Kuya Matthew sa sala kaya sinundan ko siya. Umupo siya kaya ginaya ko rin yung ginawa niya nakaupo ako sa tabi niya ngayon habang nakatingin siya sa kawalan. Kaya iwinagayway ko yung kamay ko sa mukha niya ng ilang beses at natauhan naman siya sa ginawa ko.

"Oo, tama ka. Madami nga akong iniisip at isa ka na rin dun." usal niya at tiningnan niya ako ng diretso sa mata. Napakunot-noo naman ako. Bakit ako kasali? Bakit isa na rin ako dun? Haluh? May nagawa ba akong masama? Kailangan ko atang magsorry. Huhuhu.

"Sorry na kuya. Kung may nagawa man akong kasalanan kahit hindi ko naman talaga alam. Patawarin moko dahil pinoproblema mo pa yun--" natigil yung pagsasalita ko nang bigla siyang tumawa ng napakalakas. Agad naman siyang tumahimik ng marealize niyang siya lang ang tumatawa at nakatingin lang ako sakanya. Lagot! Baka magising yung mga tao dito. Madaling araw palang jusko naman!

"Bat ka nagsosorry? Tsaka wala kang kasalanan no! Iniisip ko lang kasi kung papaano kita maproprotektahan kay Jac--Aish nevermind" sabi niya at ginulo naman niya ang buhok niya na parang naguguluhan. Proprotektahan? Bakit?

"Bakit mo ako kailangang protektahan?" sabi ko sa kanya na naguguluhan. Bigla naman siyang sumeryoso at hinawakan ang magkabilang balikat ko na ikinaliyad ko. Tumingin naman ako sa kanya habang lumaki yung mata ko . Narinig kong nagbuntung hininga siya at nagtitigan kami. Medyo naawkwardan ako a.

"B-bakit k-kuya m-may problem-ma ba?" utal kong tanong sa kanya. Umiling naman siya at nagsalita.

"Basta tatandaan mo ito Alezia. Magiingat ka palagi sa mga taong makikilala mo. Huwag mo silang kakaibiganin lalong lalo na kapag nakipagkaibigan ka sa lalake. Hindi mo pa sila lubusang kilala. Huwag mo munang alamin o isipin kung bakit kita kailangan protektahan okay? Basta sa ngayon lagi na akong nasa tabi mo at palagi kitang susubaybayan at babantayan para rin ito sa kaligtasan mo okay, little sis?" tumango na lamang ako kahit naguguluhan na talaga ako sa mga pinagsasabi niya.

"Bakit hindi ako pwedeng makipagkaibigan sa lalake? Ang unfair naman nun. Paano na yung mga kaklase kong mga lalake? Paano na yung mga pi--" bigla akong tumigil nung maramdaman kong hinigpitan niya yung pagkakahawak sa magkabilang balikat ko. Kaya natakot ako. Paiyak na sana ako kaso naramdaman kong niyakap niya ako ng mahigpit. Doon na ako umiyak. Bakit ganito si Kuya Matthew? Natatakot na ako sa kanya. Huhuhu.

"Sssh~ Huwag ka nang umiyak little sis. Sorry okay? Basta pag sinabi kong bawal at hindi pwede e sundin mo nalang para rin naman sa kaligtasan mo tsaka diba kuya mo na ako?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako kasi hindi ko kayang magsalita sa hikbi ko. Hinagod naman niya yung likod ko at yung buhok ko. Gumagaan ang loob ko kapag may gumagawa sa akin nun.

"Kuya mo na ako, so kailangan mong sundin yung mga sinasabi ko. Alezia, hindi mo alam kung paano ako magalit." sabi niya. Natakot naman ako kaya umiyak ulit ako. Pero narinig ko yung mahina niyang tawa.

"Just kidding. I will never hurt you Alezia, my little sis" usal niya at naramdaman ko namang hinalikan niya ako sa ulo na ikinangiti ko, tumahan na rin ako sa pagiyak at humiwalay na sa kanya.

"Ganito pala ang feeling ng may kuya. Ang saya sa pakiramdam. Salamat kuya" sabi ko at ngumiti. Pinunasan naman niya yung konting luha na nasa pisngi ko pa gamit yung hinlalaki niya.

"Always welcome little sis. Gustong gusto ko na rin magkaroon ng little sis at salamat naman na natupad yun dahil dumating ka sa akin at sa amin. Basta tatandaan mo lang na always be a goodgirl" sabi niya at tumango na lang ako.

Tumingin naman siya sa orasan na nakasabit sa gilid ng TV. Mag aalastres na pala.

"Bumalik ka na ulit sa pagtulog mo sis" bigla naman siyang naghikab siguro inaantok na siya. "Salamat naman at dinalaw na ako ng antok. Kaya bumalik ka na sa itaas at matulog kana. Kahit walang pasok bukas e kailangang matulog ka pa rin para hindi ka magkaroon ng malaking eyebags." sabi niya at tumawa naman kami. Tumayo na kami at pinatay naman niya ang ilaw kaya dumilim ulit. Inalalayan niya ako hanggang sa makapunta ako ng kwarto ko.

"Goodnight sis. Sweetdreams" sabi ni kuya at nagwave siya sa akin.

"Good night din Kuya. Sweetdreams din" sabi ko at kumaway pabalik: Hinintay ko muna siyang pumasok sa kwarto niya. Tumingin muna siya sa akin bago pumasok sa kwarto niya. Pumasok na rin ako sa kwarto ko at humiga agad sa kama.

Napangiti ako dahil nasisimulan ko nang maramdaman yung pagiging kuya nila at paano magkaroon ng isang kuya. Pero sa akin hindi lang isa kundi pito. Ang swerte ko talaga. Bigla naman sumagi sa isip ko yung sinabi ni Kuya Matthew na bawal ako makipagkaibigan sa mga lalake at para rin daw ito sa kaligtasan ko? Proprotektahan niya rin ako? Hindi ko alam kung ano mga pinagsasabi niya pero kinakabahan ako sa mga mangyayari.

Matthew POV
Maiintindihan mo rin sa tamang panahon Alezia kung bakit ko ginagawa ito sayo. Gusto ko lang ang kaligtasan mo at ayokong madamay ka sa laban at away namin ni Jackson.
Humiga na ako sa kama at pinatay ko na rin yung lampshade hanggang sa dalawin na talaga ako ng antok at nakatulog ako ng mabilis.

Seven Pervert StepBrothers (BOOK 1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon