Chapter 21
Matthew POV
Masaya na akong nakikita na masaya rin si Alezia. Tumingin ako sa likod at nakita kong mga nakabusangot silang lahat alam kong ayaw nilang pumunta sa mga mall kasi ba naman sa gwapo naming ito? Talagang magsisilapitan yung mga babae tapos magpapapicture. Minsan nga naiisip namin na para kaming mga Artista pero nakakasawa na rin kapag ganun yung mga nadadatnan mo. One time pumunta kami ng Mall 101 kasama ko sila Andrei at Taehyung, pagkapasok na pagkapasok pa namin sa loob e bigla nang nagsitakbuhan yung mga babae sa amin tapos tili ng tili, Hinahablot pa minsan yung mga damit naman para makapagpapicture. Kaya nga rin ayokong pumunta ng Mall dahil sa scene na yun e. Pero sa ngayon para kay Alezia naman Okay lang. Bakit nga ba sila napapayag na pumunta nalang ng Mall? Nakita ko na naging malungkot yung mukha ni Alezia ang kyut niyang tingnan dun kaya ang ginawa ko tiningnan ko sila sa likod at sinamaan ng tingin. Alam naman kasi nila na kapag nakikita nila na masama akong tumingin sa kanila kailangan nilang sundin kundi magkakaalaman na. Malapit lang naman yung mall dito kaya hindi naman kami nagtagal sa byahe. Nakatingin lang sa labas ng bintana si Alezia habang kumakanta siya na hindi ko naman maintindihan. I bet K-pop na naman niyan."I need u girl, I need you girl, tungtungtung--" kanta niya napatigil naman siya ng sinigawan siya ni Daevid
"Huy! Ang ingay mo. Tumahimik ka nga muna. Hindi ako makatulog dito" sabi niya at natulog ulit. Kung kailan matutulog, naririto na kami sa labas ng Mall. Napakamot naman siya sa ulo niya dahil hindi siya nakatulog. Napahilamos nalang ng mukha si Marck. Pinunta ko muna yung kotse sa Parking Lot.
"Nandito na tayo. Let's go" sabi ko at agad naman silang lumabas isa isa. Tumalon talon si Alezia habang pumapalakpak na parang bata. Ang kyuuuut. Napangiti nalang ako sa mga cute gestures niya. Nakita ko naman na masama yung tingin ni Marck kay Alezia. Napatingin naman sa akin si Marck na pinalakihan ko lang ng mata kaya napaiwas na siya ng tingin.
Alam naman niyang bonding ito e gagawa na naman siya ng away para inisin lang si Alezia."Tara na mga kuya. Biliiss~" usal ni Alezia habang hinihila kami sa loob. Wala naman kaming nagawa kundi sumunod nalang at nung nakapasok naman kami sa loob. Napatingin sa amin yung mga babae at nakarinig na ako ng sigawan.
"Haluh! May sunog ata! O di kaya may away na nangyayari. Bakit sila nagsisigawan?" tanong ni Alezia. Tumawa nalang kami sa mga pinagsasabi niya. Hinawakan ko naman sa braso si Alezia para kapag lumapit sa amin yung mga babae, hindi siya mawawala sa tabi namin. Nagsimula na kaming maglakad at nagsimula na ding lumapit sa amin yung mga kababaihan habang may hawak hawak na cellphone para makapagpapicture sa amin.
"Kyaaaah! Ang gwaaapo"
"Paselfieee naman"
"OMAYGHAAD! Ang hot nila di ko na kayaaaa!"
"Holeh fuck! Anakan mo ako kyaaaah isang daan"Lumaki nalang yung mga mata ko nang marinig ko yung panghuling narinig ko. Fuck ganun na ba talaga kami kagwapo para anakan sila ng isang daan. Shit.
Narinig ko naman yung tawa ni Alezia siguro narinig din niya iyon. Hindi namin napagbigyan yung iba kase dumadami na yung tao. Hindi naman kami artista para pagkaguluhan ng ganito. Sadyang mga gwapo at perfect creatures lang talaga kami.
"Fuck! Kaya nga ayokong pumunta sa mga ganitong lugar e" narinig kong usal ni Daevid at napahilamos ng mukha. Halata sa mukha niya ang inis. Nakita ko naman na naging malungkot ulit yung mukha ni Alezia dahil na rin sa narinig niya. Pero hinawakan ko naman siya sa balikat kaya napatingin siya sa akin. "Huwag mo na silang pakinggan, nakulangan lang iyan sa almusal kanina" ani ko at tumango nalang siya.
"May kailangan akong bilhin. Let's go boys!" usal ko at agad naman silang sumunod sa likuran ko. Katabi ko lang si Alezia, gusto ko nasa tabi ko palagi baka kung ano pa mangyari.
BINABASA MO ANG
Seven Pervert StepBrothers (BOOK 1) ✔
Fanfic#1 in btsboys #1 in bangtan Malaki ang kagustuhan ni Alezia Daphne Vergara na magkaroon ng kuya ngunit hindi niya inaasahan na hindi lang isa kun'di pito ang magiging kuya niya na may kapilyuhan ang mga ito ngunit paano nalang kung lahat sila ay m...