Chapter 13: Apologize

2.6K 78 5
                                    

Chapter 13

Alezia P.O.V
Tumunog na yung alarm ko pero tinatamad akong bumangon. Inaantok pa ako. Pinatay ko na yung alarm ko at tinakpan ng unan yung ulo ko para makatulog ako ulit pero nung makakatulog na ako e bigla akong may naamoy na mabango. Alam kong amoy na yun a. LONGGANISA! waaaaa my peybority waaa.

Bigla nalang ako napabangon at pumunta sa cr, ginawa ko lang ang morning routine ko at sinusundan ko yung amoy ng longganisa habang nakapikit, huhuhuhu kumakalam na yung tiyan ko.

Alam kong nasa kusina nako kaya naman idinilat ko na yung mga mata ko at ikinalaki ng mata ko na yung mga kuya ko e nasa hapagkainan na at nakatingin lang. Siguro iisipin nilang baliw na ako kasi sino ba namang susundan ng amoy ng longganisa habang nakapikit yung mga mata? Syempre ako lang. Hahahaha.

"Oh! Goodmorning anak, halika ka na kain na tayo. Alam kong nagising ka dahil sa amoy nito at paborito mo ang longganisa diba? Kaya halika na" usal ni Mama

Nakita ko si Mama na naghahain ng almusal pero hindi pa rin naalis yung tingin ng mga kuya ko. Bakit may problema ba? Hindi ko na lang yun pinansin at tumabi na kay mama, ayoko muna sila makatabi parang naawkwardan talaga ako e hindi ko din alam.

"Bilisan niyo nang kumain at pumasok na kayo baka malate pa kayo niyan" sabi ni mama at nagsimula na rin kami kumain. Waaaa. Mapapadami ata ang kanin ko ngayon a. Longganisa is harthart.

Nakakailang rounds na ako ng kanin at nakikita ko naman na nagugulat sila dahil na rin ata sa katakawan ko. Pake ba nila? Masarap ulam e. Tsaka baka mamaya gutumin na naman ulit ako sa school.

Habang kumakain ako may naramdaman akong may sumagi ng paa ko, tiningnan ko naman kung sino yun kaya tumingin ako sa ilalim ng mesa at alam kong si Mr.Rabbit yung gumawa nun e siya naman kasi katapat ko! Pinaikot ko nalang yung mata ko at nagpatuloy lang kumain pero ilang sandali pa ng sipain na naman niya pero may kalakasan yun kaya medyo nasaktan yung tuhod ko. kaya napatalon ako at nabulunan. Agad naman nila akong kinuhaan ng tubig at dali dali kong ininom yun. Grabe ang sama talaga ng ugali nitong Rabbit na ito. Sipain ko yang ano mo e. Tingnan natin kung hindi ka mamimilipit sa sakit.

"Marck!" ani ni Kuya Matthew kay Marck at nakita ko yung mukha ni Marck na natakot kaya tumahimik siya at nagpatuloy kumain. Tiningnan ko naman si Kuya Matthew at iba yung awra ng mukha niya. Seryoso at parang wala sa mood, Nakasalubong kasi yung kilay niya. Nagkibit balikat nalang ako at ipinagpatuloy ang pagkain ko.

Naka-anim na round ako ng kanin kaya nakailang beses din ako nakadighay kanina. Grabe busog na busog, tataba na naman yung tiyan ko.

Tutulungan ko sana yung mga kasambahay na manghugas ng plato pero pinaakyat ako sa taaa ni mama para daw makapagready na daw ako sa school. Kaya wala na akong nagawa at umakyat na sa kwarto ko pero nung nasa tapat na ako ng pinto e narinig ko ang mga sigawan sa loob ng kwarto ni Rabbit e diba. Magkatabi lang kami ng room kaya naririnig ko yung sigawan dito at parang alam ko kung kaninong boses yung nagsisigaw kay Kuya Matthew yun hindi ako nagkakamali.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo Marck na pakitunguhan mo ng maganda si Alezia. Nakita ko yung ginawa mo sa kanya kanina habang kumakain tayo. Tandaan mo Marck na kapatid na natin siya! Ano ba! Ang tigas tigas talaga ng ulo mo no! Kakaltukan na talaga kita jan" sabi ni Kuya Matthew kay Marck. Nakikinig lang ako sa mga pinaguusapan nila. Oo nga! Bakit kaya ang sama sa akin ni Rabbit? Napakabad niya. Pogi nga siya pero napakasama naman ng ugali. Weyt-- did i say pogi? Erase! erase! Di siya pogi panget siya!

"Pero Kuya nang dahil sa pagsumbong sa akin kagabi kay Dad nawalan ako ng kotse paano na ako makakasakay nun kung kinuha ni dad yung susi at yung I.D license ko. Nang dahil din sa kanya binawasan ni Dad ang allowance ko. Kaya nagagalit ako sa kanya" usal ni Marck na may galit sa boses niya. Nang dahil pala sa akin nawalan siya ng kotse? Nang dahil sa akin nabawasan yung allowance niya? Huh, buti nga sa kanya!

"Tama naman ang ginawa ni Alezia na nagsumbong siya kay Dad sa ginawa mo. Pinagsabihan na kita Marck na pigilan mo ang pagiging pervert mo kapag nasa harapan na natin siya or katabi lang natin siya. Tandaan mo din na kapatid na natin siya. Tsaka okay lang yung ginawa ni Dad na kunin muna ang kotse mo para tuwing weekends e hindi ka makaalis ng bahay at hindi ka na rin pumunta sa mga disco's or bar para makahanap ng mga chicks. Taena Marck! Nakakabwisit ka talaga. Nakakapagtimpi pa ako ngayon a pero kapag ako talaga napuno sayo hindi ko na alam kung ano na magagawa ko kahit kapatid pa kita" usal ni Kuya Matthew. Haluh! Nakakatakot naman si Kuya Matthew. Narinig ko yung yabag ng paa na papalapit kaya naman agad agad akong tumakbo papunta sa kwarto ko at dali daling pumasok. Sakto naman na narinig ko ang pagbukas ng pinto at sakto na nasarado ko ito. Nakahinga naman ako ng maluwag at tumungo na sa CR para makaligo na rin.

After 18361036 years, tapos na rin ako sa lahat lahat at nasa sasakyan na kami ngayon, Katabi ko ulet sila Kuya Matthew at Kuya Taehyung. Nanahimik na naman kami baka makarinig na naman ako ha!

Bigla namang tumikhim si Rabbit kaya napatingin ako sa kanya halos lahat kami napatingin kami sa kanya. Bigla niya akong tiningnan at sinabi ang...

"SORRY" ani niya na ikinagulat ko pero gusto ko lang siya kulitin kaya nagkunwari akong hindi ko narinig.

"Ano? Pakiulit nga?" sabi ko na ikinalaki ng mata niya pero napabuntung hininga lang siya

"Ang sabi ko Sorry" sabi ulit niya pero pinagpatuloy ko yung pangungulit sa kanya.

Kunyare nililinis ko yung tainga ko at sinabing "Ano daw? Pakiulit nga? Hindi ko narinig e masyadong mahina" usal ko at narinig ko ang tawanan ng mga iba kong kuya. Nakikita ko na namumula sa inis si Rabbit. Kala mo ha!

"ANG SABI KO SORRY! Maglinis ka nga ng tainga mo ang dami mong tulili kaya ka nabibingi. Tss" sabi niya at lumingon sa bintana. Hahahaha.

Tumawa naman ako.

Nang makarating na kami sa school bumababa na sila at ayan na naman ang tinginan ng mga babae nako! Naalala ko pala na magkasabay kami ngayon ni Choi hihintayin niya daw ako sa gate. Hinanap ko naman siya at nakita ko naman sa di kalayuan at kumaway sa kanya. Kumaway din siya pabalik at lalapit sana siya kaso nakita niya ang mga kuya ko kaya naman napatigil siya at halatang natatakot siya. Bigla ko namang tiningnan yung mga kuya ko at sinabing...

"Mga kuya, mauna na ako sa inyo a tsaka huwag niyo na din pala akong ihatid kasi may kasabay ako." usal ko pero nakita ko ang pagkakunot noo nila.

"SINO/LALAKE!?" sabi nila na sabay na ikinalito ko. Umiling naman ako at sinabing Babae at tinuro ko si Choi na ngayon e nakayuko.

Napatango naman sila. " Sige basta magingat ka a tsaka hihintayin ka namin ulit dito kapag uwian na" sabi ni Kuya Andrei at tumango naman ako. Pinat nila ang ulo ko isa isa at kumaway sila.

Lumapit na ako kay Choi at hinawakan siya sa kanang kamay, napatingin naman siya sa akin pero ngumiti lang ako "Tara na, baka malate pa tayo sa first class." usal ko na ikinatango niya. Naglakad na kami papuntang room.

Seven Pervert StepBrothers (BOOK 1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon