Epilogue

2.4K 65 9
                                    

Epilogue

Many days
Many weeks
Many months has passed.

Ito ang pinakahihintay ng lahat. Ang makaakyat sa stage. Lahat ng pagod at pagsisikap ay mapupunta rin dito.

"And lastly our Valedictorian. Please give her a round of applause for Section A-2. Ms. Alezia Daphne Vergara"

Huminga ako ng malalim at ngumiti at nagsimula na ring maglakad paakyat sa stage. Rinig na rinig ko ang mga palakpakan at hiyawan sa kapwa mga estudyante ko.

Inilagay na rin sa akin ang mga medalyang naachieve ko at masasabi kong mabigat sa leeg ah. Hindi naman sa nagyayabang pero halos lahat yata nahakot ko na. Wala ng salutatorian chaaaroot.

Syempre ang Valedictorian kailangan may speech siya at pasalamat nalang ako na kahit papaano nag memorize pa ako ng sasabihin ko.

"A pleasant day to all my fellow classmates, to my lovely teachers and for those parents who is here to support and be proud to their son/s and daughter/s. This is the day that we will be not a highschooler anymore. Nakapagtapos na tayo ng highschool pero aapak na naman ulit tayo sa mas mataas na level sa atin ang Kolehiyo, naririnig niyo naman yata na nakakamatay daw kapag nasa kolehiyo kana pero para sa akin hindi ka mahihirapan ng sobra kung may tiwala ka sa sarili mo na kakayanin mo itong malagpasan at manalig sa itaas. Nagpapasalamat ho ako sa mga magulang ko na naririto ngayon, Mahal na mahal ko kayong dalawa " tiningnan ko naman sa kanang bahagi ko sila Mama and Dad na ang laki ng mga ngiti sa kanilang mga labi.

"Sobrang pasasalamat ko sainyo sa walang sawang pagsuporta at sa pagmamahal na ibinigay niyo sa akin at maging sa mga parents dito na grabe ang support and unconditionally love for ther childrens. You are the best in the whole world" nakita ko namang napa- 'awww' ang mga ibang magulang sa sinabi ko.

"Hindi ko rin makakalimutang magpasalamat sa mga kuya ko, kahit na hindi ko sila tunay na kadugo pero para sa akin walang lang iyon. Basta't masaya ako sa kanila at wala namang problema akong nakikita na dapat ko silang ipagkait. Sila rin ang isa sa mga inspirasyon ko. Nagbabantay lagi sa tabi ko. Ilang beses na nila akong pinagtanggol kaya mas lalo kong napahanga sa kanila. Loveyouuuu mga kuyaaaa" kinawayan ko sila Kuya na nakaupo sa harapan.

Graduation nila kahapon. They already finished their studies pwede na silang kumuha ng kani-kanilang trabaho at mag kanya kanya na ng buhay.

Hindi ko rin maiwasan na isipin na kapag may mga trabaho na sila may mga pamilya na itong mabubuo. Well that's life. Kailangan talaga eh

Napakunot ang noo ko ng hindi ko nakita si Marck. Binilang ko sila pero hindi ako nagkakamaling anim lang ang nakikita ko. Hindi ko maiwasang malungkot at masaktan dahil wala siya dito.

"CONGRATULATIONS EVERYONE!" buong sigaw ko at nagsihiyawan na naman sila at hinagis ang mga diploma at toga paitaas. Pati rin ang mga teachers ay nagkakasiyahan na. Pilit akong ngumiti at bumaba sa stage para salubungin ang pamilya ko.

"Congratulations anak. I'm so so so proud of you. Hindi mo alam kung gaano ako napahanga sayo. Iloveyou anak" usal ni Mama. Niyakap ko naman siya at ngumiti.

"Thanks Ma, Iloveyoutoo" usal ko at niyakap ko rin si Dad at ang mga mga kuya ko.

"Congratulations Alezia"

"Dalaga kana"

"Huwag ng maging isip bata"

"Nasa kolehiyo kana, bawas-bawasan na ang pagiging isip bata ha"

"Paniguradong stress at puyat yan"

"Welcome to hell my stepsister"

Alam kong tinatakot lang nila ako pero umiling na ako habang tumatawa pero hindi ko pa rin maalis sa isipan ko na wala pa dito si Marck.

"Si Marck ba ang hinahanap mo?" may bumulong sa likuran ko at nakita ko si Kuya Daevid.

"Nasa may rooftop siya ngayon, sabi niya puntahan mo nalang daw siya kapag tapos na ang seremonya. Go puntahan mo na" usal niya. Tumingin naman ako kila Mama at tumango nalang sila.

Kaagad akong tumakbo papuntang rooftop, buti nalang talaga hindi ako nakaheels at nakasandals lang ako. Ayoko sa lahat nagheheels eh.

Nang makarating na ako sa rooftop, hinahabol ko ang hininga ko at mariing pumikit para ipakalma ang sarili ko.

"I thought hindi ka na makakapunta" namulat ko ang mata ko at bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Marck...

Dahan-dahan siyang lumapit at may hawak na bouquet ng rose flowers na talagang paborito ko sa lahat ng mga bulaklak.

"Congratulations baby" namula ang pisngi ko ng marinig ko na naman ang salitang 'baby' ewan ko pero siguro ayun ang gusto niyang endearment naming dalawa.

Inilibot ko naman ang paningin ko at nagulat ako na may mga tao roon na may malalaki ang ngiti. Kumunot ang noo ko at tumingin kay Marck.

"A-ano ang nangyayari?" tanong ko pero hindi niya ito sinagot at hinawakan ang kamay ko palapit sa mga tao.

"Talikod na" aniya. Mas lalo akong naguluhan ng tumalikod ang mga ito at inalis ang mga jacket nila.

Lumaki na lamang ang mga mata ko sa nakikita ko. Nakawhite tshirt silang lahat na may nakasulat sa likuran nila.

W I L L Y O U B E
M Y G I R L F R I E N D ?

Napaamang na lamang ang mga labi ko dahil sa nabasa ko. F-for real? Naramdaman ko namang lumuhod sa harapan ko si Marck at hinawakan ang kanang kamay ko.

"Alezia. I know i've been jerk to you eversince you came into our family. When i first laid my eyes on you, i really don't know that my heart will beats fast that's why everyday i tried to stop my feelings for being such a bad and jerk stepbrother for you and knowing hate me that much but i'm mistakenly wrong to do that. I get jealous when you get so close to my brothers while me you sue me to the things i've done to you. Now, Alezia. I want you to know that i loved you so damn much, you are my world, you are my sunshine and my life. You are the one who changed me a lot and i owe you one for that. You are the reason why i'm still here infront of you confessing my love for you because you gave me a big hope to continue this beautiful damn life and thanks to you. You don't know how blessing you are to me Alezia."

Naramdaman kong tumulo na ang mga luha ko dahil sa mga sinabi ni Marck. Hindi ko alam na ganito pala ako kahalaga kay Marck.

"Will you be my girlfriend Alezia?"

Tiningnan ko siya sa mga mata niya na nagsusumamo sa akin. Mahal ko na siya at hindi ako papayag na may maghihiwalay sa amin.

"Of course, Yes!" masayang tugon ko at doon na napaiyak dahil sa kaligayahan. Nagulat ko ako ng bigla akong binuhat paitaas ni Marck.

"Thank you, Thank you! I love you so much Alezia" usal niya. Hinawakan ko naman ang magkabila niyang mukha at tinitigan siya.

"And i love you too so damn much Marck" pinagtagpo ko ang tungki ng mga ilong namin at ngumiti. I'm so happy that this guy thought my stepbrother is now officially my boyfriend.

Narinig ko naman na may mga nagpalakpakan. Nakita ko sila Mama, Dad at ang mga iba ko pang kuya na may malalaking ngiti sa kani kanilang labi.

Nang humarap ako kay Marck. Naglapat na ang mga labi namin. Masaya kong tinugon ito at wala na akong naririnig sa mga paligid ko basta ang pintig ng puso ko at sa kaniya ang naririnig ko.

Nang naghiwalay ang labi namin, pinagdikit niya ang noo namin pero lumaki nalang ang mga mata ko dahil naramdaman kong pinisik niya ang pang upo ko.

"Damn that ass of yours!" aniya pero ikinatawa ko nalang. Ang manyak talaga nitong lalakeng ito. Naalala ko na naman ang ginawa niya sa akin noong una kaming nagkita.

Bago siya umalis pinalo na niya muna ang pang upo ko na ikinagalit ko talaga sa kanya pero ngayon wala na sa akin iyon. Tatawanan ko nalang.

Hindi ko pa masasabing happy ending kasi hindi natin alam ang patutunguhan ng future sa amin pero hanggang dito nalang muna.

Salamat sa mga sumuporta sa kwento namin na puno ng kamanyakan, kaguluhan at dramahan. -Alezia Daphne Vergara

THE END

Seven Pervert StepBrothers (BOOK 1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon