Chapter 9
Alezia POV
Nang matapos ang discussion ng teacher namin. Inaayos ko na yung gamit ko kasi Break Time na at it's time to parteeeeh! myghaad, excited na akong kumain. Ang weird ko no. Matakaw kasi ako-sklwp.Habang nagaayos ako, napansin ko naman si Choi na nagbabasa na naman. Dakilang nerd nga ito. Pero break time na baka naman kailangan na niyang kumain. Binilisan ko na yung pagayos ng gamit ko at kaagad na lumapit ako sa kanya. Nang mahalata na niyang may tao sa harapan niya e bigla siyang tumingin sakin. Ngumiti naman ako. Binalik niya ulit yung tingin niya sa binabasa niya.
"Ayaw mo pa bang kumain, Recess na kasi e, baka din kasi nagugutom ka." usal ko at hindi pa din siya tumitingin sa akin.
"Hindi pa naman ako gutom. Sige bumababa kana at baka ikaw na yung gutom." ani niya pero napatawa ako nang marinig ko yung pagkulo ng tiyan niya na ikinaangat ng tingin niya at sobrang namula yung mukha niya dahil sa hiya.
"Hindi pala gutom a, halika sabay na tayo kumain sa canteen." pag aayaya ko sa kanya pero tumanggi siya pero hindi pa din ako tumigil hanggang sa napa-oo ko siya.
Matagal tagal na din daw kasi siyang hindi nakakapunta sa canteen kasi palagi nalang daw siya inaasar. Kaya natatakot na siyang bumaba, pero sabi ko sa kanya na ako ang bahala sa kanya kapag may nangbully sa kanya.
Habang naglalakad kami napapansin kong palagi nalang nakayuko itong babaeng toh. Kaya huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya. Maging siya rin e napahinto at tumingin sa akin.
Nagpabuntong hininga ako tsaka ako lumapit sa kanya halata ang takot base palang sa mukha niya e parang natatakot siya. Bigla kong hinawakan yung magkabilang balikat niya at tinitigan siya.
"Alam mo Choi, ang ganda ganda mo. Huwag ka ngang yumuko baka mamaya e may mabangga ka pa. Tsaka dapat pinapakita mo yang kagandahan mo a." sabi ko sa kanya at ngumiti. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti niya na mas lalo niyang ikinaganda. Inaayos ko yung buhok niya kasi medyo magulo na rin e, tapos inayos ko din ung eyeglasses niyang medyo tumagilid at pinagpagan yung uniform niya, medyo nagulat siya sa mga ginagawa ko pero hinayaan niya lang ako hanggang sa matapos na ako.
"Ayan! Tapos na, mas desente ka nang tingnan ngayon.Huwag ka lang ulit yuyuko a. Nako" pagbabanta ko sa kanya pero tumango nalang siya.
Nagsimula ulit kaming maglakad hanggang sa makarating kami sa canteen nang may bigla nalang yumakap sakin patalikod na ikinatumba ko. Masakit! Grabe!
"KYAAAAHH!! ALEZIA AYTMISSYOUUU!" tili ng isang babae at parang may dumagan pang isa kaya nahihirapan akong huminga. Nakita ko si Choi na tumitingin lang sa akin at halatang natatakot. Nakakuha ako ng lakas at tumayo. Humarap ako sa dalawang babae at lumaki nalang ang mga mata ko na kulang nalang e luluwa na dahil sa pagkagulat ko.
"TIFFANY? NATHALIE?" hindi ako makapaniwala na nandito sila.
"MYGHAAAD, SIS NAMISS KA NAMIN NG SOBRA SOBRA." sabi ni Tiffany at bigla nalang akong niyakap maging si Nathalie e yumakap na rin.
Nakita kong tumitingin lang si Choi kaya naman nagsign ako ng "wait lang a" tumango naman siya.
Kumawala na sila sa pagyayakap at ngumiti ng pagkalaki laki.
"A-akala ko ba nasa America kayo? Tsaka paano kayo nandidito? Dito na rin kayo nag-aaral?" sunod sunod kong tanong sa kanila at tumawa lang sila.
"Oo dapat nasa America pa kami kaso sobrang nakakaboring dun tsaka ang matatapobre ng mga estudyante dun. Kaya sinabi namin kay Dad na umuwi kami ng Pilipinas at dito na mag-aral, Tapos hinahanap ka namin sa bahay niyo pero may nakapagsabi na lumipat na kayo ng bahay ng nanay niyo kasi may bago na palang labidabdab yang si Tita a! Napag alaman din namin na dito ka nag aaral sa S.O.P.A High School and University. Kaya naman dito na kami mag aaral para magkakasama na ulit tayo" mahabang sabi ni Nathalie at yumakap agad sakin. Lumayo na din naman siya. Napatango nalang ako sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Seven Pervert StepBrothers (BOOK 1) ✔
Fanfiction#1 in btsboys #1 in bangtan Malaki ang kagustuhan ni Alezia Daphne Vergara na magkaroon ng kuya ngunit hindi niya inaasahan na hindi lang isa kun'di pito ang magiging kuya niya na may kapilyuhan ang mga ito ngunit paano nalang kung lahat sila ay m...