Chapter 16
Alezia POV
Nang makarating na kami sa bahay sabay sabay na kami pumasok sa bahay at nakita namin sila mama at papa na naghaharutan habang nanonood ng TV. Nahalata naman nila na nandidito kami nasa likuran nila na nakatingin sa paghaharutan nila. Myghaaad imbis na mangdiri ako sa ginagawa nila eh kase diba yung ibang mga tao kapag nakakakita lang ng naghaharutan na couples e mangdidiri at halos ilibing na nila sa lupa yung couples na yun iba naman e, magsasabi nang WALANG FOREVER pero ibahin niyo ewan ko pero kinikilig ako kapag may nakikita akong ganun? Abnormal ko no? Hahaha.Tumigil naman sila sa paghaharutan at lumapit sa amin. Nakita ko na namula yung mukha ni mama pero ngumiti lang ako at nagkiss sa cheeks niya pati rin kay papa. Ngumiti naman siya at pinat ang ulo ko at nagmadaling umalis. Kiniss niya si Mama sa lips. Peck ba tawag dun? idk
"Ang aga naman ata ng uwian niyo?" ani ni Mama sa akin at pumunta siyang kusina habang yung mga kuya ko e umakyat muna sa taas para makapagpahinga daw sila, Si Papa naman e pumunta munang opisina niya may kailangan daw kasi siyang asikasuhin. Kaya naiwan ako at si Mama sa kusina kasama na rin yung mga kasambahay dito.
"Mama, pwede niyo po ba akong tulungang magluto para kila kuya?" sabi ko habang inilalabas yung mga ingredients nakita ko naman na tumingin sa akin si mama
"Oo naman anak, pero bakit mo ipagluluto yung mga kuya mo? May nagawa ka bang kasalanan? Peace Offering kumbaga? O baka nama--" nag sssh nalang ako at sinabing "Ma! masama bang magluto para sa mga magiging kuya ko. Napagisip isip ko din kasi na dapat eh maging close kami to each other" usal ko at tumango naman siya.
"Sige, tutulungan kita sa pagluluto nak" sabi ni mama kaya napayakap naman ako sa kanya at nagsimula nang magluto yung ibang kasambahay naman e tumulong na rin.
Hindi din naman nagtagal e natapos na kami sa pagluluto. Siguro mga 2hrs and 20 mns. Salamat nalang at hindi muna bumababa sila kuya at may time pa na makapagluto ako ng madami para sa kanila. 9 pm na at sakto nakita ko sila na bumababa at naamoy ata nila yung mga pagkain na niluto namin kaya agad agad silang nagsitakbuhan sa lamesa at umupo habang nakanganga
"W-what i-is this?" usal ni Rabbit. Tss may pagkatanga din ata tong rabbit nato e nakita na nga niyang pagkain yung nasa harapan niya tapos magtatanong pa ng what is this!? sarap batukan e.
"I believe na ito ay nalulunok, I believe ito ay nakakain ng lahat ng tao, I believe na nakakabusog ito, I believe na ito ay pagkain!" usal ni Kuya Daevid na ikinatawa ko ng malakas. Kaya nagsitinginan sila lahat sa akin at nakita ko naman yung inis kay Rabbit kaya binelatan ko nalang siya at napa-tss nalang siya.
"May okasyon ba ngayon Ma? Bakit ang daming pagkain? May birthday ba? May fiesta? Halloween naba? May na--" tumawa ulit ako na ikinatigil ni Kuya Taehyung. Hindi ko alam pero natatawa ako.
Halata naman yung pagkalito sa mga mukha nila kaya tumahimik at nag-ehem bago magsalita.
"Mga kuya, walang okasyon ngayon, walang may birthday at mas lalong walang fiesta at hindi pa halloween, nagpatulong lang ako kay mama na magluto para sainyo kasi masaya ako na itinigil niyo yung pangbubully at gusto ko rin na maging close tayo sa isat isa para makilala pa natin ang bawat isa. Promise! Sa ngayon hindi na ako matatakot at iiwas sa inyo. Kahit mamatay pa man si Rabbit" tumawa ako sa huli kong sinabi at nagulat si Rabbit nang narinig niya iyon
"Luh!? Paepal ka? Mauna ka muna bago ako tsaka bawal pa akong mamatay no kawawa yung mga naghihintay na tumikim sa akin at makita tong kagwapuhan ko" usal niya na ikinangiwi ng mukha ko. Binatukan naman siya nila kuya na ikinatawa ko.
"Tama na yan! Kumain na tayo" usal ni Mama kaya umupo naman ako sa tabi ni Kuya Taehyung nasa kanan ko naman si Mama.
Nagsimula na kaming kumain at grabe nakikita ko yung mga masamang tingin sa akin si Rabbit syempre hindi ako magpapatalo kaya tiningnan ko naman siya ng mas masama at inilabas ko yung dila ko na mas lalo niyang ikinaiinis. Lumalaki na yung butas ng ilong niya. Kaya napatawa ako hindi naman ako naririnig na tumatawa ng malakas kasi nagtatawanan din sila kuya at may pinaguusapan kasama si Mama. Nang tumatawa ako e naramdaman kong sinipa niya ako sa tuhod
"ARAY!" sabi ko kaya lahat sila napatingin sa akin. Napakabad talaga nitong Rabbit nato.
"Bakit Alezia? Anong problema?" tanong sa akin ni Kuya Taehyung pero umiling lang ako
"Nakagat ko lang yung dila ko. Sige balik na ulit kayo sa pinaguusapan niyo. Sorry" ani ko at tumango naman sila.
Tumingin naman ako kay Rabbit na ngayon ay nakangisi. Naiinis na talaga ako kaya tinapakan ko yung paa niya ng napakalakas na ikinatayo niya sa kinauupuan niya.
"OUCH! WHAT THE FUCK!" sabi niya at nagawa niya pa talagang magmura a. Yumuko naman ako at nagkunyaring kumakain at walang alam. Nakatayo pa rin siya habang patalon talon at nakahawak pa sa paa niya. Mukha tuloy siyang ewan.
"O! Marck anong nangyari sayo? " tanong sa kanya ni Kuya Jaerred. Pero tumingin lang siya sa akin at umupo ulit. Umiling naman siya
"Wala kuya, napulikat lang yung paa ko." usal niya at nakatingin sakin ng masama pero pinaikutan ko lang siya ng masama sakto naman na busog na ako at tumayo na rin ako at ipinunta sa kusina yung pinagkainan ko. Habang kumakain sila e tiningnan ko sila na masayang kumakain except kay rabbit na nakatingin sa akin ng masama. Ngumisi lang ako at naglakad palapit kay mama.
"Ma, akyat muna ako gagawin ko lang mga assignments ko" sabi ko at tumango nalang siya at sinabi ko rin kila kuya na mauna na akong umakyat, tumango naman sila. Pero bago muna ako umakyat. Binelatan ko muna si rabbit ng ilang beses habang yung dalawang kamay ko e nasa ulo ko at inaasar ko siya ng paulit ulit. Nakita ko naman na nakayukom yung kamao niya pero tumawa lang ako binelatan ko ulit siya. Tiningnan naman niya ako ng masama. Tss buti nga sayo napakabad mo. At umakyat na nga ako sa kwarto ko. Ang sakit parin ng pagkasipa niya sa tuhod ko. Maghihiganti talaga ako sayo kala mo. Tss.
BINABASA MO ANG
Seven Pervert StepBrothers (BOOK 1) ✔
Фанфик#1 in btsboys #1 in bangtan Malaki ang kagustuhan ni Alezia Daphne Vergara na magkaroon ng kuya ngunit hindi niya inaasahan na hindi lang isa kun'di pito ang magiging kuya niya na may kapilyuhan ang mga ito ngunit paano nalang kung lahat sila ay m...