Chapter 40: The Wedding Day

1.9K 61 3
                                    

Chapter 40

Alezia POV
Ito na ang araw na pinakahihintay nila Mama at ang soon to be Dad ko na si Mr. Kim. Hinding hindi ako makatulog kagabi dahilsa excitement, buti nalang talaga walang akong eyebags nakita kaninang umaga.

"Ayusin mo nga yung buhok mo Alezia" rinig kong sabi ni Tiffany at siya na mismo nag-ayos ng buhok ko habang ako nakaupo dito at naglalaro ng Superstar BTS.

"Puta! Highscore na dapat yun eh!" sigaw ko dahil kaunti nalang maabutan ko na yung highscore. Kakamutin ko sana yung ulo ko ng bigla itong pinalo ni Nathalie.

"Subukan mong guluhin Zia, magkakalimutan tayo" tiningnan ko naman siya 'what-the-fuck-dude-look' . Magkakalimutan kaagad? Tumingin ako sa salamin para tingnan ulit ang itsura ko.

My Dress

My Hairstyle

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

My Hairstyle

My Hairstyle

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Makeup

 Napailing nalang ako ng makita ko yung kagandahan ko sa salamin! Ay pak! Umawra ka Alezia!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napailing nalang ako ng makita ko yung kagandahan ko sa salamin! Ay pak! Umawra ka Alezia!

"Hoy! Mukha kang nakasinghot ng weeds Zia, papose pose ka pa diyan sa salamin" usal ni Nathalie kaya napanguso nalang ako. It's 2 pm in the afternoon, kaunting oras nalang magsisimula na ang seremonya.

Napalingon kaming lahat ng may kumatok sa pintuan. Bigla itong nagbukas at nakita namin si Mang Josefine ang isa sa kasambahay namin.

"Mga hija, pumunta na raw kayo ng simbahan dahil kailangan nandodoon na kaagad kayo, sumabay na kayo kay Mang Elie niyo" usal niya at nagpasalamat kami. Hindi na kami masyado nagtagal at umalis na rin ng bahay papuntang simbahan.

Nauna na sila Kuya pumunta dun kasi may aasikasuhin pa sila kasama ang soon to be Dad ko. Nahihirapan akong maglakad kaya tinanggal ko muna yung heels ko at pumasok sa loob ng kotse.
.....

Nilalaro laro ko yung daliri ko ng hinihintay ko si Mama na dumating kasi gusto niya ako yung kasabay niya kapag mag-lalakad siya sa aisle. Syempre pumayag ako sino bang hihindi na kasama mo ang mama mo na ikakasal na.

"The Bride is here!" sigaw nung lalaki napalingon ako at nakita kong may puting kotse ang dumating na punong puno ng bulaklak. 'Mom is here'

Gusto kong maiyak ng makita ko si Mama na lumabas na ng kotse habang suot suot ang napakagandang gown sa tanang ng buhay niya. Nakikita ko ang magagandang ngiti niya habang naglalakad papunta sa akin. Kaming dalawa nalang ang nasa labas ng simbahan at sobrang kaba ang nararamdaman ko.

"Ang anak kong napakaganda" usal niya at napangiti ako. Marahan ko namang hinawakan si Mama sa pisngi habang mahigpit na hinawakan ang isang kamay niya.

"At ang pinaka,pinaka, pinakamaganda kong Mama sa buong universe" ani ko at napatawa nalang siya. Naghanda na kami para sa simulan na ang kasalan. Malamig ang kamay ni Mama pero alam kong sobrang saya niya maski din ako.

Nagbukas na ang malaking pintuan ng simbahan at mas lalo akong tumayo ang balahibo ko ng makita ko ang maraming maraming tao na nakatingin sa direksyon namin. Nagsimula na rin kaming maglakad ni Mama. Naririnig ko siyang humihikbi habang nakatingin ng diretso kay Mr. Kim

Hindi ko rin napigilan na umiyak sobrang saya ko lang hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko.

Naagaw ng atensyon ko ang mga Kuya na nakatingin din sa amin lalo na sa akin...

Ngumiti lang ako pero nag-iwas lang sila ng tingin. Napakunot noo naman ako dahil sa inasal nila pero pinagwalang bahala ko nalang yun at nagpokus sa paglalakad kasama si Mama.

Nang makarating na kami na kami sa altar. Ngumiti ako kay Mr. Kim at dahan-dahan ibinigay ang kamay ni Mama kay Mr. Kim.

"Alagaan mo ng mabuti si Mama ah kundi nako malalagot ka sa akin. Please make her happy Dad" masayang sabi ko at masaya ko rin siyang niyakap habang unting-unting dumadaloy ang mga luha ko dahil sa saya.

"Of course, i will make your Mom happy and loved her with all my heart" aniya. Tumango nalang ako at tiningnan si Mama na umiiyak na kanina pa.

"Ma! Huwag na kayong umiyak. Wala na tuloy yung makeup niyo, yung eyeliner niyo kalat kalat na. Mahal na mahal kita Mama" sabi ko at niyakap siya ng mahigpit na mahigpit bago kumawala sa kanya. Hinalikan naman niya ako sa noo at pisngi. Mabilis din akong umalis at tumabi kila Nathalie.

Nagsimula na ang seremonya at sobrang pokus na pokus ako kila Mom and Dad. Siguro kung papel lang tong ngiti, kanina pa punit yung mukha ko.

Nadako yung tingin ko kung saan nakaupo sila Kuya at lumaki nalang yung mga mata ko ng nakatingin din sila sa direksyon ko pero ang hindi ko inaasahan may iba silang tinitingnan sa akin. Sinundan ko kung saan sila nakatingin at mabilis kong hinarang ng mga braso ko yung dibdib ko.

"Perverts!" mahinang sabi ko pero ngumisi lang sila. Napatingin ako kay Marck na ngayon ay blankong nakatingin sa akin hindi ko siya pinansin dahil galit pa rin ako sa kanya.

Hindi na rin nagtagal narinig ko na ang gustong gusto kong part kapag kinakasal.

"You may now kiss the bride" napahawak nalang ako sa bibig ko ng itinaas na ni Dad ung belo ni Mama. Makikita mo talaga na mahal na mahal nila yung isa't isa base sa mga ngiti at mga tinginan nila.

Unti-unting lumapit si Dad at hinalikan si Mama. Nagpalakpakan naman yung iba habang ako...

"KYAAAAAHHH! OWEMJII! HOW DID YOU DO THAT! NAKAKAKILIG HUTA! SANA ALL!" sigaw ko at nagtitili tili pero hindi naman nila naririnig kasi malakas yung palakpakan ang naririnig nila.

Masaya ako para kay Mama dahil kinasal na naman siya ulit sa lalaking mahal na mahal niya. Naramdaman kong umiiyak na naman ako. Urrrghh! Bakit ba kasi napakaiyakin ko? Kaagad kong pinunasan ito at pumalakpak na parang bata.

Bagong pamilya,
bagong tatahakin na problema.

Seven Pervert StepBrothers (BOOK 1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon