Chapter 23: The Bully Girls

2.3K 79 9
                                    

Chapter 23

Alezia POV
  Nang makarating na ako sa classroom ko, agad agad kong kinuha yung mga notebooks ko at ginawa ko yung mga homeworks ko. Kasi naman ih! Hindi ko pala alam na may assignment tapos kagabi nakatulog na ako ng dire diretso. Kaya nagmamadali ko nang tapusin yung homeworks bago pa dumating yung masungit na teacher namin.

"Ikaw ha! Dito mo pa ginagawa yang assignments! Isusumbong kita kay Maam" napalingon ako sa katabi ko at nakita kong si Adrian. Pinaikutan ko lang siya ng mata at pinagpatuloy yung pag-gawa ko ng mga homeworks.

"Hoy!" sabi niya ulit pero hindi ko siya pinansin. Si Adrian lang naman ang isa sa mga makulit at may pagka badboy sa classroom namin. Pasalamat nalang ako na wala siyang ginagawa na masama sa akin di tulad ng ginagawa niya sa iba pa naming mga kaklase.

"Tapos na rin!" Usal ko at masayang iniligpit yung mga notebooks ko at sakto naman na dumating si Maam. Mas lalong lumawak yung ngiti ko dahil wala na akong proproblemahin sa assignments.

Bigla na lang may nagtapon ng papel sa ulo ko, nakita ko na galing kay Adrian yun. Napaka-angas naman netong lalakeng ito.

Binuksan ko yung papel na tinapon niya sakin pero nakita kong blanko naman at walang kasulat sulat. Narinig ko naman yung mahina niyang tawa, tinapon ko nalang sa basurahan yung papel at nagfocus sa lessons.
....

Kasama ko ngayon sina Tiffany, Nathalie and Choi papunta kami ngayon sa locker room kasi may ilalagay lang daw si Tiffany sa locker niya, okay lang naman kasi breaktime pa naman.

Nang matapos nang ilagay ni Tiffany yung dapat niyang ilagay, nakarinig kami ng sigawan sa bandang kanan ng locker rooms. Nacurious kami kung ano yun kaya pumunta kami sa ingay na yun.

"They're back" ani ni Choi na mas lalo kong ikinalito. Sinong bumalik?

"How dare you to talk to me like that bitch huh!" isang babae ang sigaw ng sigaw, nang makarinig kami madaming tao na ang nanonood at nakipagsiksikan lang kami. Nakita namin na may isang babae na pinagsasampal sampal ng isang brown haired girl at yung tatlo naman nanonood lang at tumatawa. Umiiyak yung babae at may mga pasa na rin siya sa mukha.

"Don't you dare to talk me back again like that asshole!" sabi ulit ng isang babae at pinagsasampal sampal siya. Ikinuyom ko yung mga kamao dahil hindi dapat ito nangyayari, lalapit na sana ako kaso bigla akong hinawakan sa kamay ni Choi at tiningnan niya ako na may takot sa kanyang mga mata.

"H-huwag kang l-lumapit please, baka m-mapahamak ka pa" usal niya pero hindi ko siya pinakinggan at binitawan yung kamay niya, may kailangan ng tulong ngayon at grabe na yung mga ginagawa nila.

"Bakit niyo ba ginagawa sa kanya iyan? May kasalanan ba siya sa inyo para gawin niyo yan sa kanya?" matapang kong sabi at nakita kong napatigil sila sa kanilang ginagawa, tumayo naman yung babae na kanina na sumasampal sa isa pang babae.

Napataas siya ng kilay at lumapit sa kanya yung tatlo pa niyang kasama.

"Excuse me?" sabi nung blonde girl na ngayon e nakacrossed arms at ngumunguya pa ng bubble gum. Maganda siya pero i dont like her attitude.

"Dadaan ka? Sge daan ka na" Ani ko at binigyan siya ng space para makadaan. Narinig ko ang pagsinghap ng mga nanonood sa amin at Napalaki nalang siya ng mata at aakmang aatakihin na ako ng pero pinigilan siya ng isang black-haired girl na tanned ang skin color.

Tinitigan ko lang sila at tinaasan ng kilay. Anong akala nila hindi ako marunong magtaray? Kung mataray sila well they didnt know me so well. Mataray sila pero mas mataray ako sa kanila. Napangiti nalang ako sa naisip ko.

"Tsk! At sino ka naman kung ganiyan makapagsalita sa amin? Mag-ingat ingat ka sa pananalita mo ha at baka ipagtabuyan ka namin dito sa school na ito. Pwe! tumawa silang apat. Napatawa din ako pero a fake one with matching clapping hands pa.

"Well girls, i'm not afraid even if i am in danger because you know you're also in a danger too" Sabi ko sa kanila nang makita ko na SILA na nanonood lang.

"Huh! what are you trying to say whore?" A short hair girl said to me. Di ko sila pinansin at tinulungan ko yung babae na kanina pa umiiyak, nagpasalamat siya sa akin at tumakbo.  Ngayon kaming 5 nalang ang nasa harap at pinapanood ng madaming tao.

"Me? a whore? I think it doesnt suits me. But i think it suits that word to four of you and you know that, you're just describing yourself" i sarcastically said to them. Napanganga nalang sila at nakita kong nakayukom yung mga kamao nila.

"HOW DARE YOU BITCH!" akmang sasampalin na ako ng isa pero nahawakan ko yung isa niyang kamay na pinapulupot ko sa likod niya.

"Masakit ba? Kulang pa yan sa ginawa niyo kanina" sabi ko sa kanya at yung tatlo naman aakmahing susuntukin ako kaso may humawak sa kamay nila.

Napatingin ako at nakita ko ang mga Kuya ko na ngayon na galit na galit. Sila Kuya Matthew, Kuya Jaerred at Kuya Daevid ang humawak sa braso ng tatlong babaeng ito.

"O-ouchh! It's hurts!" maarteng usal nila at napaigtad ng mas diniinan pa nila kuya ang paghawak sa kanila. Habang ako naman nabitawan ko yung isa sa kanila, sasampalin na ulit sana ako kaso mabilis siyang nahawakan ni Mr. Rabbit.

"Don't you dare to hurt our little sister" Kuya Matthew said, nakita ko naman sa apat ang gulat sa kanilang mga mata at napatingin sa akin.

"L-little s-sister?" utal nilang sabi at napatango nalang ako habang may ngisi sa aking mukha.

"Subukan niyo ulit na saktan si Alezia, ako na ang makakalaban mo at papatulan ko ang mga katulad niyong walang kwentang mga babae" sabi ni Mr. Rabbit na nanlilisik yung mga mata, umiiyak na ngayon yung hawak hawak niyang babae dahil na rin siguro sa sakit. Tumabi ako sa tatlo kong kuya na ngayon e galit na galit din.

"Right, and if we're see that the four of you abusing and hurting our little sister, then say goodbye to this world and say hello to the hell ladies" matapang na sabi ni Kuya Daevid at binitawan na nilang apat yung mga babae, nakita ko na naging pula yung mga braso nila at may sugat na kaunti.

"Huhuhu, my little arms" sabi nilang sabay sabay. Pinaikutan ko lang sila ng mata dahil sa maarte nilang pagsasalita.

Tumingin sila sa akin na akala mo ako talaga yung nanakit sa kanila well kapag ako ang nanakit sa kanila baka hindi na nila makita yang mga magaganda nilang mukha. Tss

"Oh! Titingin-tingin pa kayo! Umalis na nga kayo dito! Nakakairita yang mga mukha niyo na akala mo pininturahan na ewan o gusto niyong matapos na agad niyang mga buhay niyo ngayon na!" ani ni Kuya Taehyung at mabilis na umalis yung apat na babae. Nakahinga naman ako ng maluwang at umalis na rin yung mga nanonood. Lumapit naman sakin sila Choi, Tiffany and Nathalie.

"Are you okay Zia?" Nathalie asked and i just nodded my head. Bigla akong nagulat nang niyakap ako ni Choi ng mahigpit

"Akala ko mapapahamak ka. Akala ko sasaktan ka na nila. A-akala ko mawawala ka sa akin" Naramdaman ko yung paghikbi niya Tinapik tapik ko lang yung balikat niya at sinabing hinding hindi mangyayari lahat na iyon.

Napalingon ako kila Kuya na ngayon e seryosong nag-uusap, lumapit ako sa kanila, tumingin naman silang lahat sa akin.

"Well you did a good job little sis" usal ni Kuya Andrei na binigyan ako ng thumbs up.

"Wala bang masakit sayo? May ginawa ba sila sayo?" Tanong sa akin ni Kuya Marck at lumapit sa akin habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa, napahinga naman siya ng maluwang ng makitang wala kahit anong nangyari sa akin.

"Next time sis, you better call us if you want some a little help okay?" Tumango nalang ako sa sinabi ni Kuya Jaerred.

"Tara na hatid na namin kayo sa
rooms niyo" napatango kaming lahat at nagsimula nang maglakad papuntang rooms namin na saktong tapos na ang breaktime.

Seven Pervert StepBrothers (BOOK 1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon