Chapter 37: Waitress

1.7K 66 0
                                    

Chapter 37

Alezia POV
"3 tequilla with no lemon and ice, thanks" isinulat ko na kaagad yung order ng isang lalaki habang nakikipaglaplapan sa dalawang babae na nagtratrabaho dito. Umalis na rin ako kaagad at nagpunta sa bartender.

"3 tequilla with no lemon and ice" tumango naman siya at nagsimula ng magserve ng wine. Anyways, nagsimula na nga ang temporary job ko habang bakasyon pa. Pang 2nd week ko palang bilang waitress kami ni Tiffany dito sa Bar na ito, habang si Nathalie naman nag-aasist ng mga customers.

"Thank you" usal ko at pumunta na sa customer na nag-order nito.

Napalunok nalang ako ng makita ko na grabe na yung pakikipaglaplapan niya sa dalawang babae at nakangiti na parang manyakis. Jusko lord! Hindi na virgin itong mga mata ko. Inilagay ko nalang yung order niya ng tahimik habang abala siya sa pakikipaglaplapan.

"Here's your order sir" yun lang ang sinabi ko at umalis na ng mabilis. Hindi ko na nakakayanan yung atmosphere dito pero titiisin ko nalang woo.

"Alezia!" lumingon ako sa tumawag sa akin at nakita kong si Tiffany na tumatakbo palapit sa akin.

"P-pwede bang ikaw muna magreplace sa akin, saglit lang talaga, natatae na kasi ako onting onti nalang lalabas na. Thanks" ibinigay niya sa akin yung papel na may order na at sabay takbo niya ng mabilis papuntang comfort room. Napailing nalang ako at kinuha na yung na pinaorder.

Pumunta na ako sa customer na nagorder kay Tiffany at muntikan ko nang mabitawan yung hawak hawak ko ng makita ko kung sino yung customer niya.

Marck

A-anong ginagawa niya dito? B-bakit siya pumupunta sa lugar nato. Mas lalo pa akong nagulat ng makita kong may babaeng umupo sa lap niya. Nakita ko siyang napangiti siya at hindi ko inaasahan ang di dapat kong inaasahan.

He kissed her.

He seems enjoyed it, i can clearly saw it with my two eyes. Mahigpit kong hinawakan yung tray at kinakabahan na lumapit sa kaniya upang ibigay yung order niyang alak.

Dahan-dahan kong inilapag yung tray habang nakatingin ako sa mga ginagawa nila. Hindi ko alam kung bakit mayoo nararamdaman akong galit at selos?

Psh. Selos? Eh wala naman akong nararamdaman para sa kanya. Bumuga nalang ako ng malakas na hangin at tumayo na kaagad at magsisimula na sana akong maglakad ng...

"W-wait!" nanigas ako sa kinatatayuan ko ng magsalita siya. Napalunok ako at mariin na ipinikit yung mga mata ko.

"A-alezia? Oh! What a coincidence. Akala ko sa iba kang bar magtratrabaho at hindi ko din alam na dito pala sa favorite place ko na nagtratrabaho. Psh" rinig kong sabi niya. Naramdaman kong mas lalo akong nagalit sa sinabi niya kasi parang sarcastic yung pagkakasabi niya sa akin nun.

"Oo! Bakit big deal na ba sayo iyon? Dahil ba na nakakaabala ako sa mga pinaggagawa mo dito. Oh weyt! I just realized something. Sinabi mo sa akin na YOU FELL INLOVE IN ME pero ano ito? Ano tong nakikita kong na nakikipaglaplapan ka sa iba, Alam mo ka---" naputol yung sasabihin ko ng bigla siyang tumawa ng malakas at hinampas ang mesa. Lahat ng tao nagsisitinginan sa amin kahit na malakas yung tugtog pero agaw eksena pa rin kami.

"Oh! Shut the crap up my little stepsister. Hahaha at naniwala ka naman kaagad?" napanganga ako sa sinabi niya at kinuyom ang kamao ko habang matiim siyang tiningan ng masama. Pinaniwala niya lang ako na nahulog siya sa akin. Ako naman kasi si tanga na nagpapaniwala kaagad. Sinasabi ko na nga ba na lasing lang siya nun kaya niya sinasabi niya sa akin yung mga salitang iyon.

"At sa tingin mo. Mahuhulog ako sa katulad mong stupid and childish girl? Well I'm not" aniya at ininom yung alak na inorder. Mabilis ang paghinga ko at mabilis na umalis sa lugar na iyon. Dinala ako ng mga paa ko sa likuran ng Bar kung saan walang katao tao at madilim. Naramdaman kong basa yung pisngi ko at narealized ko nalang na umiiyak na ako.

B-bakit ako umiiyak? Mas lalo pa akong napahagulgol ng maalala ko lahat ng sinabi sa akin ni Rabbit.

"...Hahaha at naniwala ka naman kaagad"

"...Hahaha at naniwala ka naman kaagad"

Oo! Naniwala ako sa mga kasinungalingan na sinabi mo sa akin.

"At sa tingin mo. Mahuhulog ako sa katulad mong stupid and childish girl? Well I'm not"

"At sa tingin mo. Mahuhulog ako sa katulad mong stupid and childish girl? Well I'm not"

Tinakpan ko na lang yung mukha ko gamit yung mga kamay ko at doon na umiyak ng umiyak.

"Here, you can use it to wipe those tears" napaigtad ako ng may magsalita sa likod ko. Lumaki yung mga mata ko ng makit yung boss ko.

"B-boss Jerome?" usal ko. Nakita ko naman may panyo siyang inaabot sa akin. Kahit na nagtataka ako kung bakit siya nandidito. Mas lalo niya pang inaabot sa akin yung panyo. Hindi naman ako nagdalawang isip at kinuha iyon at ipinunas sa luha ko at naramdaman kong may tutulo sa ilong ko kaya sumingha ako dito.

Nakarinig naman ako ng tawa at narealize ko na nakakahiya yung ginawa ko.

"U-uh. Hehehe.Huwag kang mag-alala, lalabhan ko naman bago ko ibabalik sayo. Thank you nga pala" ngumiti ako pagkatapos.

"Kapag kailangan mo ng makakausap, I'm always here to help a beautiful girl like you" namula naman ang pisngi ko sa sinabi niyang iyon. Owemjii. Yung kalandian ko lumalabas na naman.

"S-salamat po" nahihiyang kong usal habang pilit na tinatakpan yung namumula kong mga pisngi.

"Ehem!" napalingon ako sa tumikhim at naramdaman ko ang kaba ng makita ko kung sino.

"K-kuya M-Matthew"

Seven Pervert StepBrothers (BOOK 1) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon