Olivia Sophie's POV
It's 7:30 in the morning. OMG may interview nga pala ako ngayon. Nag-apply ako sa isang restaurant dito sa Baguio as baker. Since high school ako, gustong-gusto ko na magbake dahil sa ate ko. Si ate Zoey. Siya ang nagturo sakin pano magbake. Kaso Busy na siya ngayon sa work niya. Make up artist kasi siya. Ang daming kumukuha sa kanya.
At dahil hindi niyo pa ko lubos na kilala. Magpapakilala ulit ako sa inyo. I am Olivia Sophie Montemayor. Taga-Manila ako pero sa Baguio ako nagwowork na dahil sa nagustohan ko dito dahil dito din ako nag-aral ng college. I have 2 siblings. Si Kuya Liam and si ate Zoey. Yes i'm the youngest saming tatlo. Si Kuya Liam, 27 years old. Si Ate Zoey, 26 years old and 22 naman ako. Nasa New York silang dalawa. Doon sila nagwowork.
My parents named Amanda and Lucas Montemayor. Si daddy ang nag hahandle ng business namin. Si mommy naman ay isang house wife.
So okay na? Kilala niyo na ko? Okay!
Mag-preprepare na ko dito sa condo ko at baka malate pa ko sa interview ko dun. 10:00 kasi yung interview ko. Plus magluluto pa ko, maghuhugas pa ko, mag-aayos pa ko, byabyahe pa ko. So ito na nga, nagluluto na ko ng bacon and hotdog. Habang nagluluto ako, biglang may nagtext sa phone ko. At nakita ko na naman yung wallpaper ko...
Ang mukha ng ex ko...
Flashback:
"Love, peram ako ng phone mo." Sabi ni Ethan. Nasa park kami ngayon kasama ko siya. Nakaupo lang kami.
"Bakit?" Sagot ko.
"Basta Love sige na peram na." Iniabot ko naman sa kanya yung phone ko. Kinalikot niya yung phone ko na parang may hinahanap.
"Ano ba kasi ginagawa mo?" Tanong ko. Tiningnan ko kung ano ginagawa niya.
"Ayan okay na." Kinuha ko yung phone ko at tiningnan kung ano ginawa niya. Pinalitan niya ng pagmumukha niya ang lock screen ko. Tas pagbukas ko, pinalitan niya yung home screen ko ng picture naming dalawa.
"Ano to? Bakit mo pinalitan?" Tanong ko.
"Kasi Love gusto ko parati mo kong maalala kahit nasan ka man. Hayaan mo, wallpaper ko din naman ang pinakamamahal kong girlfriend e. At hindi ko din papalitan to. Ang layo-layo pa man din natin sa isa't isa. Nasa Baguio ka nag-aaral, nandito naman ako sa Manila. Sabi ko naman kasi sayo na doon na lang din ako mag-aral as chef. Ayaw mo naman." Sabi ni Ethan.
"E love, kailangan ka kasi dito. Kailangan ka ng mama mo dito. For sure magagalit yun kapag sinabi mong sa Baguio ka na lang mag-aaral tapos nalaman niyang nandun pala ako. Oh diba. Edi mas mahihirapan tayong suyuin siya. Pero hayaan mo love. Hindi ko papalitan to. Promise." Pag-explain ko sa kanya. Hindi pa kasi ako fully na tanggap ng mama niya. Mainit dugo nun sakin e.
"I love you Love." Sabi ni Ethan. Hinalikan niya ako sa noo.
"I love you too."
End of Flashback
Kaya hanggang ngayon, hindi ko pinapalitan ang wallpaper ko. Yung sa kanya kaya? Pinalitan niya na kaya ang wallpaper niya? For sure, pinalitan niya na. It's been 4 years after namin magbreak. At sobra ko siyang nasaktan kaya siguro hindi niya na matiis na makita yung pagmumukha ko kaya pinalitan niya na yun.
Anywaaaaaaaaay! Si Allison nga pala yung nag-text. Best friend ko siya since High school. Kung nasan ako, nandun din siya. Parang kapatid ko na yan.
To: Sophie
Bessy! Asan ka na? Gising ka na ba? Bangon na bessy! Pagtayo nalate sa interview natin nako! Bangon na! Punta ako jan mga 9:00 ah. Dapat ready ka na. I miss you!
From: Allison
Lokaret talaga yun. And yes parehas kaming nag-aapply sa Cambrey restaurant. Baker din siya. As I said, kung nasan ako, nandun din siya. Kung ano ginagawa ko, ganun din siya. Parang kambal ko na yan e. Haha! 😂
Nagreply ako.
To: Allison
Oy lokaret gising na ko. Kakatapos ko lang magluto. Sige hintayin kita dito. I miss you too!
From: Sophie
At nilagay ko na yung phone ko sa table at kumain na ko. Ang lungkot naman dito sa condo. Alam niyo, wala talagang buhay tong condo ko kapag wala si Alli. Siya lang kasi maingay dito haha. Tuwing nandito siya, nako hindi na ko papatulugin ng maaga niyan.
Ayan tapos na ko kumain. Hinugasan ko na muna mga pinagkainan ko at bago ako maligo. After 10 minutes, tapos na ko maligo at nag-iisip ako ng isusuot ko. Hanggang sa may tumawag sakin.
Calling Adrian.....
Shit ito na naman siya. Bakit ba kasi ang kulit kulit nito. Kapag ako talaga napuno dito sa lalaking to, tatadyakan ko na talaga to.
Author's Note 1.0:
OMG sino si Adrian??? Boyfriend ba ni Sophie? Ex ba ni Sophie? Kapatid ba ni Sophie sa labas? Malalaman natin yan sa next chapter. 😉
Author's Note 2.0:
Hi guys! Yung Cambrey Restaurant sa Baguio na sinabi ko sa story, gawa gawa ko lang yun guys ha! 😂😂
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond
Teen FictionPossible bang magkabalikan ang dalawang tao after 4 years ng paghihiwalay? Possible bang magkaroon ng pagkakataon? Possible bang kalimutan na lang ang lahat ng sakit at magsimula ng panibagong yugto? Possible bang maging sila na forever? At higit s...
