Olivia Sphie's POV
"Hon, kain na. Bumangon ka na jan." ang paggising ko kay Ethan dahil 10 na ng umaga, hindi pa rin siya bumabangon e mamamasyal pa man din kami.
Nandito kami ngayon sa Baguio. Bumisita kami rito dahil mahigit isang taon na since nung huli naming punta rito. At official na namin ipapaalam sa team namin sa Cambrey na kami na ulit ni Ethan pero kailangan na namin magpaalam sa kanila dahil sa Manila na kami titira ulit.
"Kiss muna." sabi ni Ethan at nag-pout pa siya na tila humihingi ng kiss.
Kiniss ko naman siya agad para bumangon na.
"I love you!" sabi niya sakin at sa wakas bumangon na rin!
Kumain na kaming dalawa.
"Hon, ano oras tayo pupuntang Cambrey?" tanong sakin ni Ethan.
"Pagkatapos nating kumain." sabi ko.
"Okay."
Kumakain kami ng biglang may lumabas sa kwarto.
"Daddy, Tita Sophie!!!" si Nathan.
"Why baby?" tanong ko.
"I want to play sa playground po! I miss playing in playgrounds po e huhu!"
"Ganun ba baby? Uhm, may playground ba rito?" si Ethan.
Saan nga ba mayroong playground dito?
Ah alam ko na!
"Sa Burnham Park hon meron dun parang perya at playground for Nathan." sagot ko
"Really tita?? Can we go there??"
"Of course baby. May aasikasuhin lang kami saglit ng daddy mo then punta na tayo dun." sabi ko.
"Yeheeeeey!" tumalon-talon pa siya at halatang excited. Tumigil siya sa pagtatalon at napako yung tingin niya sa pagkain sa harap niya.
Alam ko na kung ano tinititigan nito.
"Cereals???? Yummy!!!" sabi na nga ba e. Favorite kasi ni Nathan ang cereals.
Kaya ayan dali-dali siyang umupo sa tabi ng daddy niya at kumain na.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
"Sophie!!! Ethan!!!" si Allison. Nandito na pala kami sa Cambrey at kasama na namin si Nathan para diretso na kami sa Burnham Park mamaya.
"Welcome back Sophie and Chef Ethan!" si bakla. Nandito pa pala to haha!
"Hello guys! Namiss namin kayo!" sabi ko. Ang tagal din naman kasi namin nawala rito tas pumunta pa kami rito para magpaalam. Sobra ko silang mamimiss. 😢
"Wow cutie naman ni baby boy! Baby niyo?" sabi nung isang staff.
"Thank you po!" sabi ni Nathan at ngumiti na lang ako dahil si Ethan ang sumagot.
"Yes. Nathan is our baby." tas sabay tingin sakin na may ngiti sa labi.
Mas lalo akong napangiti sa sinabi niya.
May lalaking lumabas mula sa kwarto.
Si Sir Tan.
Bakas sa mukha niya na nagulat siya na makita kami.
"Sige guys, wait lang ah. Kausapin lang namin si sir Tan." sabi ni Ethan.
Bago kami pumunta kay sir Tan, lumapit muna ako kay Alli.
"Alli, iwan ko muna sayo si Nathan may pag-uusapan lang kami."
"Ay ang taray! Private ba yang pag-uusapan niyo bes? Sali akoooo!" sagot niya.
"Sira! Basta oh sayo muna siya ah." tumingin ako kay Nathan. "Baby kay tita Allison ka muna ah. May gagawin lang kami ng daddy mo." tumango naman siya.
Sumunod na ko kay Ethan na papunta na sa office ni sir Tan.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Nakaupo na ko sa tabi ni Ethan.
"So, you're back! So ano kelan kayo babalik dito? Miss na miss na kayo ng staff!"
"Actually sir Tan, hindi na kami babalik. We're here to say good bye. We cannot live here in Baguio. Meron kaming pamilya sa Manila na sabik din kaming makasama. We cannot continue our jobs here. I hope you understand." sabi ni Ethan.
Biglang nag-iba naman ang aura ni sir Tan.
Natulala siya.
"Sir?"
Tulala pa rin siya.
"Sir Tan?"
"Excuse me sir Tan"
"Oh sorry.." Ayun sa wakas sumagot din. "Oh uhm.. Okay. Ano pa bang magagawa ko e nakapagdesisyon na kayo." sabi niya.
"So pinapayagan mo na kaming umalis?" tanong ni Ethan.
"Yes."
Nanlaki mata ko nang payagan niya kami agad.
"Thank you! Thank you." si Ethan.
"Don't worry, bibisita kami rito kapag may time." sabi ko.
"Well. Sige." sabi ni sir Tan.
"Sige alis na kami Tan. Thank you for letting us to end our job here." tumayo si Ethan at nakikipag shake hands kay sir Tan. Oh. Tan na lang pala dahil hindi na namin siya boss.
Tinitigan muna ni Tan yung kamay ni Ethan.
After ilang seconds, nakipagshake hands na rin siya.
Papalakad na kami palabas ng pinto nang magsalita si Tan.
"Sophie, can I talk to you for a second?"
Nagkatinginan kami ni Ethan.
Tiningnan ko siya na parang sinasabi ko 'pwede ba?' kaya tumango naman siya at umupo na ulit ako sa tabi ng table ni Tan.
"Bakit po?" tanong ko.
"Are you happy?" tanong niya rin.
"Yes Tan. Super happy." hindi na ako nagdalawang isip na sagutin ng yes yung tanong niya.
"Why?"
"Cause I have Ethan. Alam mo naman na from the very start, I love him. Kaya kahit mawalan ako ng trabaho, at least I have Ethan. He's my life." sagot ko.
"I see." yan ang tanging sagot niya.
Bakit ba niya tinatanong kung masaya ako?
3.....
2.....
1.....
Okay hindi ko na kaya yung katahimikan na namamagitan sa amin.
"Bakit mo po naitanong?" tanong ko.
"You know how much I love you Sophie. Kahit gustohin kong maging akin ka, hindi na mangyayari pa dahil nanjan si Ethan. I just want to know kung masaya ka. Dahil kung hindi, I'm here. Papasayahin kita. Yung saya na deserve mo." tumigil siya ng saglit. "Maghihintay ako Sophie. Patuloy akong magbabaka sakali na baka mahal--"
Pinutol ko ang sasabihin niya. "Shhh Tristan. Don't say that. You cannot say that. Ayaw ko. Wag kang maghintay sakin Tristan dahil wala kang mapapala. Mapapagod ka lang at walang kasiguraduhan kung may hahantungan yang paghihintay mo. I'm sorry pero wag na ako. Napakaraming ibang babae jan na tiyak na ipaparamdam sayo na mahal ka niya." sabi ko.
Nakita kong may luhang tumulo sa kanang mata niya.
I'm sorry Tristan kung nasasaktan kita.
"Wag ka nang umiyak. Hindi naman ako mawawala. Nandito lang ako Tristan. As a friend. You can call me every time na kailangan mo ng kausap." sabi ko na lang.
"Thank you Sophie.. Thank you.. Sana mawala na tong nararamdaman ko sayo."
"It takes time Tristan. Hayaan mo, kusang mawawala yan." sabi ko. Ngumiti na lang siya. "Sige na mauna na ako ha. Naghihintay na sakin ang mag-ama ko." dagdag ko pa.
"Sige. Ingat ka. Good bye Sophie..." ang huling sinambit ng bibig niya bago ako tuluyang lumisan sa office niya.
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond
Novela JuvenilPossible bang magkabalikan ang dalawang tao after 4 years ng paghihiwalay? Possible bang magkaroon ng pagkakataon? Possible bang kalimutan na lang ang lahat ng sakit at magsimula ng panibagong yugto? Possible bang maging sila na forever? At higit s...
