Chapter 28- Who is Catherine?

10 4 0
                                        

Olivia Sophie's POV

"Mahal yung phone mo nagriring." Sabi ko kay Ethan.

Oh gulat kayo noh! Mahal na ang tawag ko sa kanya! Bakit? Wala lang.
Tinanong ko naman siya kung okay lang tawagin ko siyang mahal. 😊😊 ang masakit nga lang e, hindi niya ko tinatawag na ganun. 😔

"Akin na." Utos niya. Kinuha ko naman yung phone niya at nakita ko..

Catherine Calling......

Ah si Catherine pala. Kaibigan namin yan ni Ethan since nung kami pa. Close kami niyan dati e kaso nalayo ako sa kanya kaya hindi na kami masyadong nag-uusap.

Nag-uusap at may contact pa rin pala sila ni Ethan.

Inabot ko na kay Ethan yung phone niya.

Sinagot naman niya agad.

Hello? Oh ikaw pala Cathy. Yes nasa Manila ako ngayon. Ngayon na? Sige sige hintayin kita. See you!

Ano kaya pinag-usapan nila? Magkikita sila?

"Pupunta si Cathy ngayon dito." Sabi niya.

Cathy ang tawag namin kay Catherine. Masyado kasing mahaba yung Catherine haha!

"Ah okay." Sagot ko na lang.

Knock knock knock

Ay. Ang bilis ah.

"Ako na" sabi ko kay Ethan. Naglakad na ako papunta sa pinto para buksan iyon.

Si Cathy nga. Oh bakit parang gulat na gulat naman siya?

"S-sophie?" Nauutal na sabi niya.

"Yes? Hi Cathy!!" At niyakap ko siya! Namiss ko tong babaeng to! Kasama ko siya kasi sa mga kabaliwan ko noong high school kami haha! Yup ka-age ko lang siya pero close niya din si Ethan.

"Bakit ka nandito?" Tanong niya sakin.

Kumawala naman ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Ako nag-aalaga kay Ethan ngayon at sa anak niya." Sabi ko.

"Huh? Bakit? Asan si Ethan? At teka, anak niya? Si Nathan ba timutukoy mo?" Tanong niya. Kilala niya si Nathan? Pano?

"Naaksidente siya 4 months ago. And yes si Nathan nga ang tinutukoy ko. Kilala mo siya?" Sabi ko.

Hindi niya na ko sinagot at tumungo siya sa kwarto ni Ethan.

"Ethan!!!" At yumakap siya kay Ethan.

"Hi Cathy!" Si Ethan.

Kumalas naman na sila sa pagkakayakap.

"Woah. So tama nga si Sophie, naaksidente ka at sobra naman ang nangyari sayo. What happened ba?" Si Cathy. "But wait, curious lang ako. Nagkabalikan na ba kayong dalawa?" Tumingin-tingin siya saming dalawa ni Ethan.

Sasagot na sana ako pero naunahan ako ni Ethan.

"No" si Ethan. Ang sakit naman nun. Parang tinusok yung puso ko ng karayom.

"Ah okay." Sabi ni Cathy at muling tumingin kay Ethan. "So kamusta ka na?!"

Samantalang ako naman, nakatayo lang sa may pinto ng kwarto ni Ethan. Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko.

Bakit parang nasasaktan ako sa nakikita ko ngayon?

Wait...

Nagseselos na naman ba ko?

To Infinity and BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon