Chapter 43- Ang nagbabalik

10 2 0
                                        

Olivia Sophie's POV

"ETHAN!!!" Masayang sinalubong kami nina Tita Jessy at Ate Bell.

Pumayag na si Ethan na dito na ulit siya titira kaya pansamantala niyang iniwan yung condo niya pero babalik pa rin siya doon minsan.

Niyakap ni Tita Jessy si Ethan.

"I'm so glad na dito ka na ulit titira." sabi ni tita.

Ngumiti na lang si Ethan bilang sagot.

Tumingin naman sakin si Tita Jessy.

"Pati siya titira na dito?" tanong niya. Ay kaloka. Hindi pa naman kami mag-asawa para dito din ako tumira.

"Hindi po tita. Sinama lang po ako ni Ethan ngayon dito." sagot ko.

"Ah buti na-- I mean okay." sabi niya.

What? Buti naman? So ayaw niya kong tumira dito kung sakali?

"Tara pasok tayo." yaya ni Ate Bell.

"No ate. Dumaan lang muna ako dito saglit para iwan yung mga gamit ko. Aalis din agad muna kami nina Oliv." sabi ni Ethan.

"Saan kayo pupunta?" tanong ni Tita.

"Sa mall po.. Ipapasyal po sana namin si Nathan kasi matagal na po namin siyang hindi napasyal since nung nasa New York po kami.." sagot ko. 

"Ah ganun ba?" si Tita. "Hmm.. Pwede ba kami sumama sa lakad niyo?" tanong niya pa.

Tumingin sakin si Ethan kung payag ba ko.

"Sure tita." sagot ko na lang.

Kaya pumasok na muna kami sa bahay para ipasok yung mga gamit ni Ethan at para makapagbihis na sina Tita.

After 20 minutes, handa na sila at aalis na kami.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

"Tara kain muna tayo." sabi ni Ate Bell.

Kaya naghanap kami ng restaurant na makakainan and happy to say na may Cambrey dito sa mall! Kaya dito na kami kumain. Namiss ko tuloy magwork 😭😭

"Hon, may gusto ka pa bang kainin?" Tanong sakin ni Ethan.

"Wala na hon okay na ako dito. Sila baka meron pa." sagot ko kaya tinanong niya sina Ate Bell.

Kaya kumain na kami habang nagkwekwentuhan.

"Excuse me punta lang ako sa restroom." sabi ni Ate Bell. Sinama niya si Harvey at Nathan sa restroom. Si Harvey yung anak niya. Wala kasi si Kuya Lemuel. May pasok kasi sa work.

*riiiiiing riiiiing*

Ay. Nagriring yung phone ni Ethan.

"Excuse me hon, ma. Sagutin ko lang po itong call." tumango na lang kami ni tita.

Kaya tumayo na si Ethan at lumabas muna ng resto.

Kaya ang naiwan na lang ay ako at si tita Jessy..

*dug dug dug dug dug dug dug*

Ako'y kinakabahan 😭😭

"So Sophie." hala ito na nga.

"Po?"

"You know what dear. Hindi talaga kita gusto sa anak ko e. Ewan ko ba jan kay Ethan kung bakit gustong-gusto ka niya e wala naman akong makitang rason para mahalin ka ng anak ko. Kaya mas mabuting hiwalayan mo na siya." sabi nito.

Okay naiiyak ako pero hindi pwede at dapat ipakita ko sa kanya na strong ako.

"Excuse me po tita ha. Hindi ko po kayang gawin yung sinasabi mo po. I love Ethan. Sobrang mahal ko po siya at ganun din po siya. Wala po akong masamang intensyon sa anak niyo po. I'm sorry tita pero hindi ko siya iiwan." sabi ko.

To Infinity and BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon