Chapter 25- Peace Offering

5 3 0
                                    

Ethan's POV

"Lika na. Check up mo ngayon." Paalala sakin ni Olivia.

2 months na kong baldado. 4 months pa, pwede ng tanggalin yung mga nakabenda sa katawan ko.

Nung nakita niyang ready na ko, tinulak niya na yung wheel chair ko palabas.

"Nathan, lika na. Check up ni daddy mo ngayon." Sumunod naman agad si Nathan kay Oliv. Nagkaayos naman tong dalawa kahit papano.

Lumabas na kami ng condo at sinakay ako ni Olivia sa harap ng kotse niya. Si Nathan naman nasa likod. Dahan-dahan niya kong inalalayan na makasakay.

"Thank you." Sabi ko at tiningnan siya sa mata pero tanging pilit na ngiti ang isinagot sakin ni Olivia.

2 monthS na siyang Ganyan na siya sakin. Hindi ko nga alam kung anong nangyari e. Bigla na lang din siyang nanlamig sakin.

Nagsasawa na kaya siya sakin? Nagsasawa na kaya siyang alagaan ako?

Ganyan naman yan e. Madaling magsawa. Psh.

Hindi pa kasi kami nag-uusap ng maayos. Ayaw ko na lang muna siyang gulohin. Hinayaan ko na lang siyang ganyan asal niya sakin.

Naglakad na siya papunta sa kabilang side ng sasakyan at pumasok na ito para paandarin yung kotse.

Buong byahe namin, walang nagsasalita kundi si Nathan lang na naglalaro ng toy car niya. Hindi ko maiwasan na hindi siya tingnan. Walang reaksyon yung mukha niya. Hay..

Kakausapin ko na nga.

"Oliv--"

"Nandito na tayo." At bumaba na siya sa kotse at lumipat naman sa likod ng kotse niya para kunin yung wheel chair ko.

Hindi na natuloy yung plano kong gusto ko siyang kausapin. Halatang umiiwas siya na makapag-usap kami.

Inalalayan niya kong makalipat sa wheel chair ko.

Sinara niya na yung kotse at pumasok na kami sa ospital.

"Doc Villanueva?" Si Oliv. Kumatok muna siya bago kami pumasok.

"Mr. Dela Paz and Ms. Montemayor! Have a sit." Kaya umupo na si Olivia. Tumingin si Doc kay Nathan. "Ang cute naman ng anak niyo."

"Tha--" hindi ko natuloy.

"Hindi ho namin anak to. Anak lang ni Ethan." Sabi ni Olivia.
Magthathank you na sana ako para hindi na ipagulo yung usapan. Magpapanggap na sana ako na anak namin ni Olivia si Nathan.

"Ow okay i'm sorry.. Hindi na ako magtatanong pa sorry." Sabi ni doc. "Anyway, kamusta ka na Ethan?"

"Medyo okay naman na ako doc. Hindi naman na masyadong sumasakit yung binti at braso ko."

"Mukhang okay ka na nga." Tumingin siya kay Olivia. "At mukhang inaalagaan kang mabuti ni Ms. Montemayor." Ngumiti naman ng bahagya si Olivia pero nung tumingin siya sakin, nawala ang mga ngiti sa labi niya. "One last question. Kayo ba?" Tanong naman ni doc.

Sasagot na sana ako pero naunahan ako ni Olivia.

"NO! At hindi na magiging kami." Tumingin siya sakin. "Right Ethan?"

Hindi na ako sumagot. Bakit ganun yung sinabi niya? Ano ba talagang problema?

"Anyway Mr. Dela Paz, just continue to take your medicine ha. After 4 months pwede ng tanggalin yang mga benda sa katawan mo at iprapractice natin na igalaw-galaw yan." Sabi ni doc.

To Infinity and BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon