Olivia Sophie's POV
"Dito ka lang...... Wag mo kong iwan ulit....." Windang pa rin ako sa sinabi niya kaya hindi ako makagalaw s kinatatayuan ko.
"Okay lang ba?" Tanong niya ulit sakin.
"Ah.. O-oo sige.. Hindi kita iiwan.." Sabi ko.
"Thank you Olivia..." Sabi niya. OMG tinawag niya ko ulit na Olivia! Parang dati lang! Parang gumalaw yung puso ko.
Nabigla at kinilig din siguro tong puso ko. Hanggang ngayon pa rin kasi kinikilig ako sa kanya.
E sino ba namang hindi ma-iinlove dito kay Ethan. Gwapo, mabait, mapagmahal sa taong mahal niya. At sana nga ako na lang ulit iyon e.
Tulog na ata siya.. Nandito ako sa gilid ng kama niya, nakaupo habang hawak-hawak niya yung kamay ko...
Kinikilig ako sheeeet! 😍😍😍😍
Makatulog na nga lang din muna.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Yes babe I'm okay na. Wala naman na kong lagnat. Opo babe thank you.. I love you babe. I miss you too." Nagising ako dahil naramdaman kong wala ng tao sa kama. May narinig akong parang kausap ni Ethan doon sa kusina.Babe?
Babe naman ngayon?
So dalawa sila?
Baby at Babe?
Wow ah. Ang tindi.
Pumunta ako sa kusina kung nasan siya.
"Good morning. Gising ka na pala. Kain ka muna. Nagluto akong hotdog at egg." Bati niya sakin.
Parang wala akong gana kumain sa mga narinig ko kanina.. "Hindi okay lang.. Uwi na lang ako.. Sige bye." Sabi ko. At pumunta ulit sa kwarto niya para kunin yung bag ko at bubuksan ko na sana yung pinto.
Hinawakan niya yung kamay ko, "Teka Oliv, kain ka muna. Para makabawi naman ako sa pag-alaga mo sakin." Sabi ni Ethan.
"Hindi okay lang ako Ethan. Wala naman yung ginawa kong pag-alaga ko sayo kagabi. Uwi na ko ha. Salamat na lang." Sabi ko. Paalis na sana ako pero biglang sigaw niya.
"Hatid na kita."
"Wag na Ethan. Please. Okay nga lang ako. Bye." Sabi ko. Naiiyak na ako e. Baka makita niya pang pumatak na yung luha ko kaya nagmadali akong bumaba ng bahay at tumakbo..
Ayaw kong malaman niyang affected pa rin ako......
Ethan's POV
Ano kaya nangyari dun kay Olivia? May nagawa ba ko?
Anyway, totoong nagpapasalamat ako sa kanya dahil inalagaan niya ko kagabi at gumaling na ako ngayon. Pero nabobother ako bakit nagmamadali siyang umalis? Baka hinihintay siya ng boyfriend niya. Si Adrian? Sila pa rin ba kaya? Hay. Oh baka naman narinig niya yung usapan naman ni Lucy?
Kilala niyo ba si Lucy?
Girlfriend ko siya.
Siya yung tumulong sakin na makalimutan si Olivia noon. Kaya malaking pasasalamat ko din kay Lucy. May anak na kami ni Lucy. Si Nathan. 3 years old na si Nathan. tinuturing ko na silang pamilya.
Si Olivia kaya? Kamusta na? HAY ETHAN WAG KANG GANYAN DAPAT WALA KA NA NARARAMDAMAN PARA SA KANYA! DAPAT HINDI KO NA SIYA INIISIP! ARGH!!
Olivia Sophie's POV
"Alli, tapos na ba yung order ni Mr. Villarosa?" Tanong ko kay Allison. Nandito ako sa Cambrey. Naging busy na din kasi ako yung in-assign ni sir Tan sa baking stuff.
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond
Novela JuvenilPossible bang magkabalikan ang dalawang tao after 4 years ng paghihiwalay? Possible bang magkaroon ng pagkakataon? Possible bang kalimutan na lang ang lahat ng sakit at magsimula ng panibagong yugto? Possible bang maging sila na forever? At higit s...