Tan's POV
"Sophie, okay ka lang ba jan? Kaya mo pa ba?" Tanong ko kay Sophie. Nandito ako ngayon sa kitchen at chinecheck ko yung mga employee ko kung maayos mga trabaho nila.
Lalo na si Sophie. ✌🏻️😊
"Yes sir. Kayang-kaya. Tutal last naman na po ito." Sagot niya. Ibig sabihin niyang last e yung ginagawa niyang cake. Last na for today kasi uuwi na siya. 4:30 pm na kasi e.
"Okay good." Sabi ko na lang.
4:30 pm
May kumatok sa office ko.
"Sir Tan, alis na po ako." Paalam ni Sophie sakin.
Tinatawag niya kong 'sir' kapag nandito kami sa Cambrey.
"Osige Sophie. Gusto mo hatid na kita?" Tanong ko.
"No but thanks sir Tan pero nanjan na po si Ethan at Nathan, dala po niya yung kotse ko. Yun na lang gagamitin namin ni Nathan papuntang condo." Sagot niya.
Psh onga pala may kotse siya at yun ang ginagamit nila ni Ethan. Share sila.
"Ow. Okay sige. Hatid na lang kita sa labas." Sabi ko.
Hindi na siya sumagot at lumabas na kami sa office ko.
Natanaw ko agad si Ethan at yung anak-anakan niya.
Lumapit naman agad si Sophie sa kanila.
"Hi mahal!" Bati ni Sophie at hinalikan niya sa cheeks si Ethan.
Ouch! 🔪💔
Pero nakatingin lang sakin ng diretso itong si Ethan. Hindi niya na talaga ako tinuturing na boss. 😡
"Hi baby Nathan!" Sabi ko at kinawayan ko si Nathan. Oh diba ang bait ko kahit napakasama ng tatay niya. 😒
"H-hi" nahihiyang sagot ni Nathan sakin at nagtago siya sa mga bisig ni Ethan.
"So mahal, una na kami ni Nathan ha. Ingat ka dito. Kumain on time ha. I love you!" Sabi ni Sophie.
"Sige. Kayo din ni Nathan ha. Lalo ka na. Love you too." Sagot ni Ethan.
At sa harap ko pa nakipaglandian ha! Arrgh!
Ngumiti si Sophie kay Ethan at lumingon sakin.
"Sir Tan? Una na po kami. Bye!" Sabi nito.
"Sige. Ingat kayo." Sagot ko na lang.
Lumabas na sila ni Nathan at Sophie sa Cambrey at ngayong kami na lang ang natira ni Ethan.
Siguro kung nakakamatay ang tingin niya, kanina pa ko patay. 😒
Naglakad na siya papuntang kusina pero tinawag ko siya.
"Ethan."
Lumingon ito ulit. "Bakit?"
"Mahal mo ba talaga siya?"
Lumapit siya sakin ulit. Woah woah woah!
"Oo. Bakit, may balak ka bang agawin siya sakin?" Nanlilisik ang kanyang mga mata.
"Pano kung sabihin kong oo?" Matapang kong sinabi sa kanya.
"SUBUKAN MO LANG AT MAGKAKAMATAYAN TAYO!" Sabi nito.
"Baka nakakalimutan mo Mr. Dela Paz, ako ang nagmamay-ari ng sahig na kinatatayuan mo ngayon. Boss mo ako Mr. Dela Paz." Madiin kong sinabi sa kanya.
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond
Fiksi RemajaPossible bang magkabalikan ang dalawang tao after 4 years ng paghihiwalay? Possible bang magkaroon ng pagkakataon? Possible bang kalimutan na lang ang lahat ng sakit at magsimula ng panibagong yugto? Possible bang maging sila na forever? At higit s...