Olivia Sophie's POV
"Anong ginagawa niyan dito." Parang napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa nakita kong babae.
Ang mama ni Ethan...
Hindi agad ako nakasagot.
"Ma? Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Ethan habang ako hindi pa rin makagalaw.
"Tinawagan kami ni John. Sabi niya nandito ka daw. Naaksidente ka daw. Are you okay na ba Ethan?" Sabi ni Ate Bell.
"Ako dapat nagtatanong din. Anong ginagawa niya dito? Is she your girlfriend AGAIN? Where's Lucy?" Sabat naman ng nanay niya.
"Break na kami ni Lucy, ma. Olivia and I were just friends. Pwede ba. Umalis na kayo." Ang tapang ni Ethan.
"Nag-aalala lang ako sayo son." At lumapit naman ito kay Ethan at tumingin ulit sakin. "And you. You may leave. Nandito na kami." Ouch!
Mas nauna kaya ako dito sa ospital! At siya nga tong pinapaalis ni Ethan e!
Dapat siya ang umalis! Bruhang to!
Syempre joke lang my future mother-in law hihihi! ☺️
"Ano ba ma. Kayo ang umalis. Hindi ko kayo kailangan dito." Sabat ni Ethan sa nanay niya. Ayan Ethan sige kampihan mo ko! Joke! 😂
"No Ethan. It's okay. Sa labas lang muna ako mag-stay." Sabi ko naman kay Ethan at kinuha ko na yung bag ko at lumabas muna para makapag-usap sila.
Ayaw ko namang mag-away pa sila dahil sakin.
Pero seryoso, nacucurious ako kung anong nangyari sa kanilang mag-ina?
Lumabas naman din si Ate Bell.
"Sophie.." Tawag nito sakin.
"Bakit po?" Tanong ko naman.
"Pagpasensyahan mo na si mama ha." Sabi nito sakin.
Sus sanay naman na ako sa nanay nila.
Noon pa lang nung friends pa lang kami ni Ethan, ayaw niya na sakin. Ewan ko ba kung bakit. Siguro ayaw siya lang sakin dahil hindi ko ka-age si Ethan.
Baka siguro ayaw niya ako para sa anak niya dahil mas bata ako sa anak niya. Ang arte niya ah! 3 years lang naman ang agwat namin at mahal na mahal ko naman yung anak niya.
"Nako ate okay lang yun. Pero pwede po ba akong magtanong?"
"Sure. Ano yun?"
"Bakit po ba galit pa rin si Ethan sa mama niyo po?"
"Kasi nung nalaman ni mama na kayo ni Ethan, nag-hire siya ng babae para paibigin si Ethan doon sa babae. Ayaw naman ni Ethan na pumatol sa kung sinong babae at lalo na kapag hindi niya mahal. Nalaman ni Ethan yung ginawa ni mama sa kanya. Kaya ayun. Nagalit siya kay mama at sinabi niya ipaglalaban daw niya ang relasyon niyo." Wow. Ipaglalaban daw siya? Wow lang.. Pwede bang umiyak? "Pero noon yun ha. Hindi ko na lang alam ngayon. Teka nga, bakit ikaw ang nandito? Asan si Lucy?" Dagdag pa nito.
Bayan pinaalala niya na naman si Lucy.
Nakakapanggalaiti yung babaeng yun e! Naiinis ako sa tuwing naaalala ko siya! Yung ginawa niya kay Ethan! Hayop!
Akala ko pa naman mahal na mahal niya si Ethan! Akala ko hindi niya sasaktan ito! Pero potek mas malala pa siya sakin e! Higad!
"Ahh.. Break na daw sila ate.. Niloko daw siya nito.. Pinaniwalang mahal siya pero hindi naman pala.. Nahuli ni Ethan si Lucy na may lalaki.. At higit sa lahat, pinaniwala ni Lucy si Ethan na anak niya si Nathan.." Paliwanag ko sa kanya.
Kitang-kita naman ang paglaki ng mata nito na parang luluwa na yung mata niya.
"ANO?? NAGAWA NI LUCY YUN?! HAYOP PATI AKO NAPANIWALA NIYANG MAHAL NIYA SI ETHAN!! AT SI NATHAN?? JUSKO HALOS SI ETHAN NA LANG ANG BUMUBUHAY SA BATANG IYON TAS HINDI NIYA PALA ANAK?! KAYA PALA LUCY PANGALAN NIYA! BAKA NANAY NIYA SI qLUCIFER! I HATE THAT BITCH!" Galit na galit si ate Bell. Hindi ko siya masisisi kasi kahit ako naiinis ako kay Lucy.
"Ate calm down. Hayaan mo na. Lumayo naman na ito nasa America na daw ito ulit."
"HINDI AKO KAKALMA SOPHIE! NASAKTAN NA NAMAN YUNG KAPATID KO DAHIL SA KANYA! NAAAWA NA AKO SA KAPATID KO DAHIL ILANG BESES NA SIYANG NALOKO!"
"I'm sorry ate...." Naguilty naman ako bigla.. Isa ako sa mga nagloko kay Ethan e. Sorry..
"No Sophie hindi ikaw ang tinutukoy ko. Matagal na kitang napatawad. Nalulungkot lang talaga ako dahil sobra ng nasasaktan yung kapatid ko. Hindi na ako magtataka kung bakit siya nandito ngayon." Sabi ni ate Bell. "Wag kang mag-alala. Hindi na ako galit sayo." Dagdag pa nito at niyakap niya ako.
"Osige balik na ako sa loob at baka magpatayan sila doon." At natawa naman ako sa sinabi ni ate Bell.
Pumasok na ulit ito sa loob.
Habang ako naman lalabas muna ako ng ospital para makabili ako ng mga gamot at pagkain ni Ethan.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Oh ate aalis na kayo?" Tanong ko dahil palabas na sila sa kwarto ni Ethan. Buti na lang sakto ang dating ko."Yes Sophie. Sorry we need to go. May flight kami papuntang Spain kasi may business meeting ako doon for 4 weeks. Hindi ko naman mapapamove to dahil nakaayos na lahat." Paliwanag ni Ate Bell. Samantalang yung mama nila, ang sama pa rin ng tingin sakin na parang mangangain ng tao.
"Ay ganun po ba.. Sige po ingat po kayo."
"Hey! Pwede ka na ding umalis dahil may ipapapunta akong kamag-anak namin dito. Umalis ka na." Sabat naman ng nanay niya. Hmp bwisit talaga to!
"Ma! Sabing wag na e! Maabala lang natin sila. Pwede naman tong si Sophie e. Diba Sophie?" At tumingin siya sakin.
"Yes po pwedeng-pwede po akong maging nurse pangsamantala ng anak niyo po." Sagot ko.
"E sa ayaw ko nga sayo bat ba hirap na hirap kang intindihin yun ha! I don't like you para sa anak ko!" Sigaw niya sakin.
"Ma ano ba pwede bang wag dito! Si Sophie na ang mag-aalaga kay Ethan and that's final! Halika ka na!" Sigaw naman ni ate Bell sa mama niya.
Nga pala. Pangalan ng mama nila ay si Tita Jessy. Pero hindi ko ito tinatawag na tita.. Ayaw niya e.. Umuusok sa galit kapag tinatawag ko siyang tita. Ayaw nga kasi niya sakin.
"Ikaw na bahala sa kanya, Sophie. Please alagaan mo siya." Bulong sakin ni ate Bell at tumango naman ako.
"Um ma'am, ate Bell, wala po akong masamang intensyon kay Ethan. Makakaasa po kayo na aalagaan ko si Ethan. Hihintayin ko po siyang gumaling." Sabi ko naman.
"Psh." At inirapan naman ako ni tita Jessy. Samantalang si Ate Bell naman, ngumiti siya sakin.
At tuluyan na silang lumabas ng ospital.
Pumasok na ko sa kwarto ni Ethan at tulala pala siya.
"Sorry bumili ako ng makakain mo. Ito oh. Gutom ka na ba?" Tanong ko kay Ethan.
"Ayaw kong kumain. Walang akong gana" sagot naman ni Ethan. Hay.. Nalulungkot pa rin talaga siya..
"Ethan, kailangan mong kumain para makalabas ka na agad dito sa ospital." Sabi ko naman at lumapit ako sa kanya.
"Wala nga akong gana." Mataray na sagot nito sakin.
Napabuntong hininga ako bago magsalita. "I know Ethan nasasaktan ka ngayon dahil sa nangyari sa inyo ni Lucy but please remember na nandito lang ako.. Hindi ka nag-iisa Ethan.. I'm here to help you.. Help you to move on.. Dito ka lang.. Hindi kita iiwan.."
"Thank you Olivia.. Thank you so much.."
At niyakap ako ni Ethan gamit ang kanang braso niya.. Naramdaman ko namang may pumatak na luha sa damit ko... Umiiyak na naman siya..
Hindi ko kayang nakikita siyang nasasaktan...
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond
Teen FictionPossible bang magkabalikan ang dalawang tao after 4 years ng paghihiwalay? Possible bang magkaroon ng pagkakataon? Possible bang kalimutan na lang ang lahat ng sakit at magsimula ng panibagong yugto? Possible bang maging sila na forever? At higit s...