Chapter 37- The advice

4 4 0
                                    

Olivia Sophie's POV

Nandito na ako sa Cambrey at pinipilit na magtrabaho kahit na ang sakit ng ulo ko at kanina pa tumutulo yung mga luha ko sa mata.

"Bes sure ka bang okay ka lang? Wala ka naman kasing hinihiwa na sibuyas pero kanina pa lumuluha yang mata mo..." Si Alli.

"G-gaga ka talaga. Oo nga okay lang ako." Sabi ko na lang na hindi tumitingin sa kanya.

Inalis niya yung hawak ko icing bag at hinarap na ako sa kanya pero hindi ko kayang tingnan siya ng diretso kasi yung mga mata ko hindi nag-sisinungaling yan.

"Bessy tumingin ka sakin. Tumingin ka sakin ng diretso." Inangat niya yung ulo ko para makatingin sa kanya. Wala na akong nagawa... "Best friend mo ko.. Alam ko kapag may problema ka. Kaya sabihin mo na. I will not judge you whatever it is." Dagdag pa niya. Tama siya. Hindi ako makakapagtago ng feelings ko sa kanya...

Hindi ko na napigilan yung pag-iyak ko sa harapan niya.

"Alli si Ethan kasi... *sob* May nakita kong kasama niyang babae kanina... *sob* Kumakain sila sa isang resto sa SM... *sob* Niyaya ko siyang sa condo ko na lang kumain pero ayaw niya..... Yun pala, *sob* kakain siya kasama iba.. *sob*"

Niyakap naman niya ako ng mahigpit pero tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko.

"Shh tama na Sophie tama na... Nandito ako for you..." Sabi niya at hinagod hagod niya pa yung likod ko.

After 1 minute na pagkakayakap namin, hiniwalay niya ko sa pagkakayakap namin.

"Sophie isa lang yan e.. Isa lang solusyon jan.. Sabi mo sakin diba ang dami niyang nakakausap na babae and stuff. Tapos sabi mo pa na halos wala na siyang oras sayo. Tuwing nag-uusap naman kayo, parang palaging wala siya sa mood. Sorry kung sasabihin ko to. Pero baka ito na yung time para mag-give up ka na sa kanya.. Hindi mo na kasi deserve yung pinapakitaniyang ugali sayo.. Alam ko naman na may kasalanan ka sa kanya noon dahil niloko mo siya pero Sophie bayad ka na doon. Pinatuyan mo namang mahal mo siya at nagbago ka na talaga. Pero kung ganyan pa rin pinapakita niyang ugali sayo, Let go Sophie... Para sa ikabubuti mo..." Sabi niya kaya naiiyak tuloy ako lalo..

"I know mahirap... I know masakit... Pero kailangan mo to para sayo.." Dagdag pa niya..

Dapat bang sundin ko siya?

Mag-gigive up na ba talaga ako kay Ethan?

Kaya ko ba?

"Hindi ko kaya Alli.... *sob* Hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko..." Sabi ko.

"Sophie kaya mo. Believe me, i know kaya mo pero sinasabi mo lang na hindi kasi hindi mo pa natry."

Mukhang tama siya....

Pero hindi ko pa kayang ilet go ngayon....

"Thank you Alli sa advice..." Pinunasan ko na yung luha ko. "Tara mag-trabaho na tayo ulit." Sabi ko.

Ngumiti naman siya at bumalik na din siya sa ginagawa niya.

I'm sorry Alli pero hindi ko pa kayang ilet go si Ethan....
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Sir Tan's POV

Break time na nina Sophie. Yayayain ko kasi siyang maglunch sa labas kahit ngayon lang.

Pumasok na ako sa kitchen at nilapitan si Sophie.

"Hi Gorgeous! Tara kain tayo sa labas." Yaya ko sa kanya.

"Wag na sir. Okay lang. Dito na lang kami kakain." Sagot niya.

"I insist." Sabi ko.

"Sige na bessy okay lang sumama ka na. Okay lang kami dito." Sabat ni Alli.

To Infinity and BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon