Chapter 19- Unexpected

7 3 0
                                    

Olivia Sophie's POV

Nagising ako dahil sa biglang gumalaw yung hawak kong kamay.

Kamay ni Ethan.

"Ethan?" Tawag ko sa kanya.

Onti-onting binubuksan niya ang mga mata niya.

5 seconds siyang tumingin tingin sa paligid.

"Asan ako?" Tanong niya.

"Nasa ospital ka Ethan. Naaksidente ka.." Sagot ko sa kanya.

"Psh. Bakit buhay pa ko. Bakit hindi pa ko natuluyan." Sabi naman nito.

Ano ba kasi talaga nangyari bakit siya nagkakaganto.

Wala dito si Sir Tan. Baka bumaba para kumain.

"Um Ethan.. Pwede ko bang malaman kung anong nangyari?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko na kinayanan e.

Curious talaga ako anong nangyari.

"Niloko ako ni Lucy." At biglang may tumulong luha sa mata niya.

Dali-dali naman akong kumuha ng tissue para punasan yung luha niya.

Huh? Akala ko ba mahal na mahal siya ni Lucy?

"Huh? Diba mahal na mahal ka niya?" Tanong ko.

"NILOKO NGA AKO! TAWAG BA DUN E PAGMAMAHAL HA?! NILOKO NIYA KO! PARE-PAREHAS KAYONG LAHAT!" Sigaw niya sakin. Galit siya...

Siguro ang sakit talaga ng nangyari sa kanila..

"I'm here Ethan.. Handa akong makinig kung handa ka ding magkwento.." Mahinahon kong sabi.

Ayaw niya kasi ng ganun.. Yung pinipilit siyang sabihin o ikwento yung damdamin niya..

"Nahuli ko sila ng lalaki niya sa bahay ni Lucy. Nahuli ko silang ginagawa 'iyon'. Ang sakit-sakit! Isusurprise ko sana siya at si Nathan dahil miss na miss ko na sila pero ako ang na-surprise sa nakita ko. At alam mo kung sino yung lalaki?" Tumingin siya sakin ng masama. Oh bakit sakin siya nakatingin ng masama?

Ano namang kinalaman ko dun? "Si Adrian." Dagdag pa nito.

WHAT???!

"HUH?? SI ADRIAN AT SI LUCY??!" Nagulat talaga ako e. Magkakilala sila??

"Oo. Ang gago diba. Hindi pa siya nakuntento sa paninira niya ng relasyon natin noon. At ngayon, relasyon naman namin ni Lucy ang sinira niya. Gago!" Grabe galit na galit talaga siya.. "Sinira niya tiwala ko.. Sinira niya din tiwala ko.. Bakit ganun? Bakit palagi na lang ako nasasaktan.. Bakit palagi na lang akong niloloko.. Ano bang mali sakin.. Ano bang nagawa kong mali at pinaparusahan ako ng ganto..." Umiiyak na naman siya.

Hala.. Ano bang magagawa ko para mapagaan ang loob niya.. " at si Nathan..."

Sino si Nathan?

Yun ba yung anak niya? "Hindi ko siya totoong anak.. Niloko ako ni Lucy.. Si Adrian daw ang totoong ama ni Nathan.. Putcha tinuring ko siyang totoong anak!"

Oh shit! WALA PALA TALAGA SIYANG ANAK!! YEEEY!

Ay loko ka Olivia Sophie. Damayan mo muna si Ethan wag ka muna magdiwang jan.

"Ang sakit Olivia.. Ang sakit-sakit.. Ayaw ko na mabuhay at nagtangkang magpakamatay.. Pagod na ko Olivia.. Pagod na kong maloko.." Tuloy-tuloy pa rin ang agos ng luha niya sa mata.. Hindi ko na matiis na nakikita siyang ganto..

Hinug ko siya..

Hinug ko siya para mawala kahit papano yung sakit na nararamdaman niya.

"Shh Ethan tama na.. Please stop crying.. I'm here.. Hindi kita iiwan.. Nandito ako.. Tutulungan kita.." Naiiyak din tuloy ako dahil kay Ethan.

To Infinity and BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon