Chapter 7- Flashback

10 4 0
                                    

Olivia Sophie's POV

'Good job. You survived the first day.'

Yan ang paulit ulit na tumatakbo sa isipan ko hanggang ngayon kahit 12 na ng madaling araw. Shet bakit niya sinabi yun? Ibig sabihin ba nun okay na kami? Hindi na siya galit sakin? O mahal niya na ba ko ulit?

Sheeeeeeeet!!

Pero hindi pwede yun.. May 'baby' na nga diba... Hay....

Pero posible kayang mahalin niya ko ulit? O maging kami ulit? Kapag nangyari yun, ako na yung pinakamasayang tao sa buong mundo.

Dahil sa pagkabigla ko dun sa sinabi niya sakin, hindi na ako nakasagot sa pagkatulala at hindi ko namalayang nakalabas na pala siya ng restaurant.

Gosh mga beks! Okay na kaya kami ulit?

Sana...

Makatulog na nga.. Tama na pagpapantasya Olivia Sophie.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~~•~•~•~•~•~•~•~

Almost 2 months na ako sa Cambrey. At two months na din akong nagpapantasya kay Ethan. Ganun pa rin. Minsan lang kami nakakapag-usap at syempre about sa trabaho lang ang pinag-uusapan namin. Hindi ko matimpla kung ano mood niya e. Paiba-iba kasi!

Minsan naman nakikita ko siyang may kausap sa phone.

Sino kaya talaga yun?

Hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakapagsorry sa kanya sa nangyari noon.. Hindi ako makahanap ng tiyempo. Pero sana this October, makausap ko na siya. October na e. Ito yung month na nagtapat siya ng nararamdaman niya sakin.

Flashback:

Biglang tumunog yung phone ko which means na may nagchat. Kaya tiningnan ko agad.
Si Ethan.... Bakit kaya napachat tong lalaking to? Alam ko namang busy to palagi. Himala ah.

Ethan: Olivia........

Ako: Bakit?

Ethan: Busy ka ba?

Ako: Hindi naman. Nagbabasa lang. Bakit?

Ethan: Labas ka. Nasa labas ako ng bahay niyo...

Huh?? Nandoon daw siya sa labas ng buhay ko? 8:30 pm na ah. Ano namang naisipan niya bakit siya pumunta dito ng gantong oras? Makababa na nga.

"Anak, best friend mo nasa labas." Sabi ni mommy.

Hindi ko na siya sinagot at lumabas na ko ng bahay.

"Anong ginagawa mo dito te?" Tanong ko. Yup. Te(ate) yung tawagan namin. Best friend ko yan noh kahit mas matanda siya sakin at nag-aaral siya as chef. Dream niya yun e. Ang maging chef at magkaroon ng own restaurant. Habang ako naman baker ang gusto ko.

"Tara.. Sama ka sakin.." Sabi niya. Luh ang weirdo talaga nito.

"Huh? Bakit? Saan? Ako ba pinagloloko mo, anong oras na oh!!" Sabi ko.

Nakakawindang naman kasi talaga tong lalaking to. Pero gusto kong sumama talaga sa kanya. Noon pa ko may hidden desire na ko sa lalaking to pero syempre hindi ko pinapahalata na may gusto ako sa kanya. Baka masira pa friendship namin.

"Basta lika na..." Aba. Nakakastress to ah. Hinila niya na ako papunta sa car niya.

"Hoy te teka si mommy hin----" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kasi hindi niya ko pinatapos.

"Pinagpaalam na kita kay Tita Amanda... Wala ka na dapat ipag-alala.. Please.. Sumama ka na lang.." Sabi niya. Kaya tumahimik na lang ako at sumunod na lang sa kanya.

To Infinity and BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon