Chapter 4- Party

18 4 1
                                    

Olivia Sophie's POV

Nandito pa rin pala tong mga picture namin ni Ethan. Kaming dalawa ang naglagay niyan.

Flashback:

"Oh love dito yang frame na yan. Sa right mo ilagay." Sabi ko.

"Dito ba love?" Tanong ni Ethan.
Nag-aayos kami ng kwarto ko at sinasabit ni Ethan yung mga pictures namin sa wall.

"Ayan tama jan nga love."

Inayos niya na yung pagkakasabit ng last picture frame na isasabit niya.

"Ayan. Mukhang okay na" bumaba si Ethan sa upuan na pinagpatungan niya para isabit yung mga frames. Lumapit siya sakin at inakbayan ako habang nakatitig sa mga frames na nakasabit.

"Ang ganda love. Naiimagine ko tuloy, bahay natin to." Sabi ni Ethan.

"Sira ka talaga haha!" Sagot ko.

"Hayaan mo love, someday kapag nasa right age na tayo, papakasalan kita at bibilhan ng magandang bahay." Sabi ni Ethan.

"Talaga ba?" Tumingin ako sa kanya at tumingin din siya sakin.

"Yes love ko. I love you" At hinawakan niya yung ilong ko.

"Oh inggit ka na naman sa ilong kong makinis. Hehe!" Pang-aasar ko sa kanya.

"Anong sabi mo???" Sabi niya hanggang sa maghabulan kami sa loob ng kwarto ko. Tawa kami ng tawa sa tuwa.

End of Flashback

Aaminin ko, nanghihinayang pa rin ako hanggang ngayon. Sana kung hindi ko siya pinakawalan noon, sana kami pa rin hanggang ngayon at naabutan niya ang first job ko.

Inaantok na ko at pumipikit na mga mata ko. Matutulog muna ako

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Good morning pretty girl! Rise and Sun!" Nagising na lang ako sa bungad ng isang lalaki. Dahil sa bagong gising ako. Hindi ko makita ng malinaw kung sino yung lalaking iyon.
Blurred e.

Wait teka... Parang kilala ko na....

"Ethan?" Sambit ko.
Sinampal ako bigla ng lalaking iyon at nagising talaga ako ng husto.

"Gagita! Yang bibig mo talaga wala na ibang binigkas kundi pangalan ng ex mo! Si Andre to! Gumising ka na at naghihintay na sila sa baba. Kakain na tayo."

"Aray ko naman! Kailangan manampal?" Sabi ko habang nakahawak sa pisngi kong namumula.

"E kasi naman. Nananaginip ka pa rin ata. Para magising ka sa
realidad na wala na ex mo sa tabi mo! Lika na!" At tuluyan na siyang lumabas ng kwarto ko.

Totoo ba? Hindi na nga ba siya babalik sakin? Hay...
Bumangon na lang ako at nag-ayos para bumaba na.
"Good morning baby bunso!" Bungad ni mommy sakin habang pababa pa lang ako ng hagdan. Ngumiti na lang ako.

"Oh bakit namumula yang pisngi mo at bakit parang ang sama ng gising mo? Tanong ni ate Zoey.

"Tanong mo jan kay Andre! Umagang-umaga nananampal." Tiningnan ko ng masama si Andre.

"E kasi naman Ate, umagang-umaga din e nag-iilusyon na naman!" Sabi ni Andre.

Nakita ko yung mukha ni daddy. Halatang iwas at ayaw niyang pag-usapan ang tungkol samin ni Ethan...

Nalungkot naman tuloy ako..

"Oh tama na yan at nasa harap tayo ng pagkain. Halika na Sophie, kumain ka na. Lalabas tayo para mamili ng lulutuin para mamaya." Sabi ni mommy.

To Infinity and BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon