Chapter 14- Nakapagtataka

11 3 0
                                    

Olivia Sophie's POV

"Opo kuya paki-lagay na lang po dito yan. Tapos yung isa po, doon." Sabi ko dun sa kuyang natulong maayos tong Cambrey sa Tarlac.

Dito kami ulit ngayon ni Ethan.

Medyo okay naman na kami ni Ethan. Nag-uusap naman kami ng maayos.

FRIENDS NA NGA LANG DAW KAMI DIBA. 😏

"Olivia, ano okay na ba lahat ng tables and chairs?" Tanong sakin ni Ethan.

"Yes Chef okay na. Paint na lang." Sagot ko.

"Chef? Ang pormal mo naman haha! Call me Ethan na lang. Pati hindi naman ako nagluluto ngayon oh." Sabi nito. Sabi sa inyo okay na kami e.

Pero aminin ko, medyo awkward pa rin ako sa kanya.

"Ay sige. Onga haha."

"Kumain ka na ng lunch?" Tanong nito sakin.

"Hindi pa nga e. Pero okay lang kahit mamaya na." Sagot ko.

"Ano ka ba. Masama ang magpalipas ng gutom diba. Halika na may restaurant sa tapat. Kain na muna tayo." Sabi nito sakin.

Wala na kong nagawa kundi pumayag. Kinuha ko yung bag ko at sumunod sa kanya.

Inalalayan niya kong makatawid. Nilagay niya yung kamay niya sa likod ko.

Ang gentleman pa rin niya kahit hindi na kami.

Ang bait-bait niya talaga.

"Thank you." Sabi ko sa kanya. Nagthank you ako sa pagtawid o pag-alalay niya sakin.

"Welcome." Nakangiti niyang sagot sakin.

Umorder na kami ng kakainin at nagsimula na akong maghanap ng uupuan namin. Siya naman, hinihintay niya yung order namin.

After 3 minutes, dumating na siya sa table namin.

Binigay niya yung order ko at nagstart na kaming kumain.

"So.. Kamusta ka?" Tanong niya sakin.

"Okay lang naman. Ikaw?" Okay nga lang ba talaga ako? Oo medyo nga lang.

"Okay lang din. Masaya. Kamusta lovelife mo? Hehe!" Tanong nito. "Kayo ni Adrian..?" Dagdag pa nito.

"Wala akong lovelife ngayon. Maghahabol ba ako sayo kung meron? Joke! ✌🏻️ Kami ni Adrian? Walang kami. Matagal na kaming hindi nag-uusap. After a month nung nagbreak tayo, pinutol ko na kung anong meron samin. Pero tumatawag and nagtetext pa rin siya sakin pero hindi ko sinasagot." Pagpapaliwanag ko.

"Ahh. E bat hindi ka magpalit ng number?" Ang taray naman nito.

"Ang dami kong friends na ang alam e itong number ko. Nothing to worry, hindi ko naman siya pinapansin." Sabi ko.

"Ah." Matipid na sagot niya.

*riiiiiiing riiiiiiing riiiiiiing*

"Excuse me. Sagutin ko lang to." Sabi niya. Tumango na lang ako at sinagot niya yung call.

"Yes babe. Nandito pa kami sa Tarlac. Yes po kasama ko siya. Nothing to worry babe. I love you babe! Bye! Si Nathan pakikamusta na lang ako. Hehe! Bye!"

At binaba niya na yung phone at bumalik sa table namin.

"Si Lucy?" Tanong ko.

"Um yes. Nangangamusta." Sagot niya.

To Infinity and BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon