Chapter 36- Mall

5 3 0
                                        

Olivia Sophie's POV

Sa wakas nagtext na din sakin si Ethan!!!

Sabi niya papunta na daw siya dito sa condo ko para kunin si Nathan.

*knock knock*

Binuksan ko naman agad yung door ng unit ko.

Nandito na siya!!

"Mahal!!" At niyakap ko agad siya ng mahigpit.

"Sorry napag-alala kita." Sabi nito.

Mas niyakap ko siya ng mahigpit at may naamoy ako.....

Bakit parang..... Amoy babae siya?

Kumalas muna ako sa pagkakayakap namin.

"Mahal, nag-iba ka ba ng pabango?" Tanong ko.

"H-ha? H-hindi." Sagot naman niya. Pero bakit parang nauutal siya?

Hay.. Hindi ko na lang papalakihin to.. Baka mag-away pa kami.

"Ah okay. Oh lika pasok ka. Kumain ka na ba?" sabi ko.

"Hindi pa pero kukunin ko lang si Nathan. Sa labas na lang kami kakain." Tumingin siya kay Nathan na nandun sa sala dahil nanonood siya ng tv. "Nathan anak, halika na. Uwi na tayo " sabi niya.

Lumapit naman agad si Nathan sa kanya.

"Pero teka mahal, kain muna kayo. Dito na lang kayo kumain. Ito oh may bacon dito at cereals." Sabi ko.

"No thanks Olivia. Pumunta lang talaga ako dito para kunin si Nathan."

"A-ah. Okay.. Ingat kayo." Sabi ko na lang.

"Ikaw din. Ingat ka din dito. Tara na anak." Sabi niya pa.

"Bye tita Sophie!" Paalam naman sakin ni Nathan. Ngumiti na lang ako bilang sagot at tuluyan na silang lumabas ng unit ko.

Bakit ganun? May mali ba kong nagawa at bakit ganyan na naman ugali niya sakin? Hindi niya ba naisip na miss na miss ko siya?

Hay Ethan....

Ethan's POV

Nung nakuha ko na si Nathan kay Olivia. Dumaan kami sa sm para kumain. Hindi ko na lang muna iiwan kay Oliv si Nathan. Isasama ko na lang si Nathan sa Cambrey mamaya. Nakakahiya na kasi kay Olivia.

Gutom na talaga ako e. Gusto ko na kumain doon sa condo ni Oliv pero nag-aalangan ako baka kasi maamoy na naman niya yung perfume ni Cathy. Siraulo kasi yung babaeng yun! Naligo sa pabango kanina! Kaya pati ako amoy babae na!

Sabi ko kay Cathy dapat pagbalik ko sa bahay, wala na siya doon. Ayaw ko na makita yung pagmumukha niya! Naiinis talaga ako sa kanya!

*riiiiiiing riiiiiiiing*

Andy calling........

Me: Hello?

Andy: Hi Ethan!

Me: Hi Andy! Bakit napatawag ka?

Andy: Wala lang haha! Actually nandito ako sa Baguio ngayon! Napaka-init naman kasi sa Manila haha! So, can we meet today?

Me: Oh talaga? Sure sure. Actually nandito ako sa sm. Ikaw?

Andy: Really??? Nandito ka din??? Nandito din ako sa sm! Ow wait! Nakikita kita!

At nakita ko din siya.

Btw si Andy pala, blockmate ko nung college.

"Hi!!" Bati niya at nakipagbeso pa!

"Kamusta? Haha!" Tanong ko.

"Nako mamaya ka na mangamusta. Kumain muna tayo gutom na gutom na ako." Sabi niya.

"Actually ako din e gutom na hahaha! Tara!" Sabi ko.

Napatingin siya kay Nathan. "Is this your son?"

"Parang ganun na din. Long story haha!"

"Kayo pa rin ba ni Lucy?" Naabutan niya pa kasi na kami ni Lucy.

"Hindi na." Sagot ko na lang.

"Owwww. Sayang! Magkwento ka mamaya ha!" Sabi niya.

Naglalakad na lang kami hanggang sa makahanap kami ng makakainan.

So ayun kumakain kami habang nagkwekwentuhan. Tawa dito tawa doon.

"Ikaw? May boyfriend ka na ba? Ang tagal mo ng single ha! Baka tumanda kang dalaga! Hahahaha!" Sabi ko.

"Oo meron na gaga! Nasa Manila siya ngayon. Hindi ko nasama dito ngayon kasi may work siya."

"Ah ganun ba"

"Ikaw? May girlfriend?"

"Wala pero may mahal ako." Sagot ko.

"Hmmm. Teka basahin ko yang utak mo para malaman ko kung sino yung mahal mo." Parang sira talaga to hahaha! "Si Olivia Sophie. Your ex." dagdag pa niya. Nanlaki naman yung mata ko dahil pano niya nalaman yun!

"Paano mo nalaman??"

"Secret. So siya nga."

"Yes.."

"But she's your ex!"

"I know. Hayaan mo hindi pa naman kami e. Tinitingnan ko muna kung nagbago na ba talaga siya." Sabi ko.

"Okay okay! Kung jan ka masaya, support ako sayo."

"Thank you!" Sabi ko.

Olivia Sophie's POV

Nandito ako ngayon sa SM dahil may bibilhin ako bago pumasok sa Cambrey. Sira na kasi yung charger ko kaya bibili muna ako. Natagalan din ako dahil may mga nakita akong art stuff. Kaya tumingin ako at bumili hehehehe!

Hilig ko din kasi mag-paint, mag-sketch, and stuff.

Ayan tapos na!

Pupunta na akong Cambrey.

Pero napatigil ako sa paglalakad ng makita ko ang isang pamilyar na mukha na kumakain sa loob ng restaurant......

Si Ethan....

May kasama siyang babaeng kumakain....

Akala ko ba silang dalawa lang ni Nathan ang kakain sa labas...

Kaya ba ayaw niyang kumain sa condo ko kanina kasi may kikitain siya..?

At bakit parang ang saya-saya nilang nag-uusap? Nagtatawanan pa..... 😢

Bakit ganto.... Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko ngayon....

Naglakad na ulit ako kahit na nanghihina ako...

Hindi ko mapigilan na hindi lumuha....

Bakit Ethan? Ano bang problema natin at bakit ka ganto sakin...? May problema ba? 😢😢

To Infinity and BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon