Olivia Sophie's POV
"Congrats Mr. Dela Paz! Magaling ka na! Pwede mo ng gawin ulit yung mga ginagawa mo noon!" Sabi ni Dr. Villanueva.
Nandito kasi kami sa ospital ulit ngayon. Tapos na ang 6 months ni Ethan at tinanggal na yung mga benda niya sa katawan.
Pero pina-stay kami ni Dr. Villanueva dito para sa treatment ni Ethan.
"Pero kailangan mo muna ipractice ulit yung hita mo para makalakad ka na talaga. Ms. Montemayor, guide him ha para makalakad na siya agad." Dagdag pa ni doc.
"Yes po doc. Thank you po!" Sabi ko.
"Thank you doc ha." Sabi naman din ni Ethan.
"Basta para sa patient ko." Sagot ni Dr. Villanueva at ngumiti.
Lumabas na si Doc sa kwarto ni Ethan.
Nakahiga ngayon si Ethan.
"Oh Ethan congrats onti-onti ka ng um'ookay. 😊" sabi ko.
"And thanks to you, Olivia! Thank you for taking care of me!" Sabi niya. Lumapit ako sa kanya At niyakap niya ko.
Ang sweet-sweet naman talaga nitong mahal ko! Hihi! Kaya hindi siya mahirap mahalin ulit e hihi!
Kumalas na ko sa pagkakayakap niya sakin.
"Lika nga, practice tayong maglakad. Tayo ka jan." Sabi ko at tinulungan siyang makatayo.
"Oh dahan-dahan ha, one step at a time." Sabi ko.
Dahan-dahan ko siyang inalalayan.
Ayan!! ONTI-ONTI NIYA NA NAGAGALAW YUNG PAA NIYA!!
NAKAKALAKAD NA SIYA!! 🎉🎉
"ETHAN!!! NAKAKALAKAD KA NA!!!" Masaya kong sinabi. "Oh bibitawan kita ha." At binitawan ko siya para matingnan ko kung nakakalakad na talaga siya.
Pero bigla siyang na-out of balance at dali-dali ko namang inalalayan siya.
"Oh mahal!" Sinalo ko siya. "Buti na lang nasalo kita. Hayaan mo mahal, sasaluhin kita palagi kahit ilang beses kang mahulog." Nginitian ko siya at hinalikan sa cheeks.
"Kaya ko." At pinilit niyang makatayo mag-isa.
Bayan! Sayang pick up line ko sa kanya. Hindi man lang pinansin. 😭
Hinayaan ko na lang.
Biglang bumukas yung pinto ng kwarto ni Ethan.
May mga babaeng papasok sa kwarto ni Ethan. Kawawa naman tong mga to. Mga kinulang sa tela yung mga damit nila. 😒 kulang na lang magbra't panty na lang sila e.
"ETHAAAAAAN!!" Sino naman sila? 4 na babae.
"Uy! Nandito pala kayo!" Sagot ni Ethan. "Teka, teka ako pupunta jan tingnan niyo nakakalakad na ko ulit!" Dagdag pa niya.
Tiningnan ko na lang siya habang papalapit sa mga babaeng yun.
"Wow ang galing naman! Haha!" Sabi nung isang babae.
Nagbeso beso pa sila. Ano ba ibig sabihin nito? Sino ba sila?
"Onga pala, Oliv, ito sina Joana, Anna, Patty, and Ali."
"Hi!" Ang bait ko. Nginitian ko pa sila at nag-wave.
"Hi girl!" Sabi ni Anna.
"Who is she, Ethan?" Tanong ni Patty.
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond
Teen FictionPossible bang magkabalikan ang dalawang tao after 4 years ng paghihiwalay? Possible bang magkaroon ng pagkakataon? Possible bang kalimutan na lang ang lahat ng sakit at magsimula ng panibagong yugto? Possible bang maging sila na forever? At higit s...
