Olivia Sophie's POV
"Oh Ethan dahan -dahan." Ang kulit naman kasi nito ni Ethan.
Nagpupumilit na makalabas dito sa ospital. Bagod na bagod na daw kasi siya dito.
"Kaya ko Oliv wag kang mag-alala." Sabi naman nito. Wala akong nagawa kundi huminga ng malalim at kinuha ko na lang yung wheel chair niya.
Hindi pa rin kasi okay yung binti niya at yung braso niya. Bali pa rin.
Sabi ng doctor after 6 months pa daw bago ito gumaling.
"Punta tayo sa garden ng ospital. Gusto kong mag-ikot." Sabi naman niya. Kaya tinulak ko na yung wheel chair niya at lumabas na kami.
Nag-ikot ikot lang kami doon at pinakiramdaman namin yung fresh air.
Napatingin naman ako kay Ethan.
Tulala ito at tila malalim na naman ang iniisip."Ano na naman iniisip mo?" Tanong ko.
"Kamusta na kaya si Lucy," aba. Nagawa niya pang kamustahin yung babaeng yun. "Si Nathan kamusta na kaya siya? Miss ko na siya." Dagdag niya pa. Talagang napamahal na sa kanya yung batang yun kahit hindi niya tunay na anak.
"Ethan..." Tawag ko sa kanya. "Makinig ka sakin ha..." At umupo ako para magkapantay kami kasi naka-wheel chair siya at para makita ko din yung mukha niya. Hinawakan ko yung magkabilang pisngi niya. "Tanggapin mo na Ethan na wala na sila.. Okay? Kasi sa tuwing naiisip mo sila at naaalala, nasasaktan ka lang.. At sa tuwing nakikita kitang nasasaktan, nasasaktan din ako Ethan. Kaya please.. Be strong.. I'm here for you okay?"
"WAG MO KONG PAGSASABIHAN DAHIL HINDI MO ALAM KUNG GAANO KASAKIT ANG MALOKO! HINDI MO ALAM ANG PAKIRAMDAM DAHIL ISA KA DIN SA MGA MANLOLOKO! HINDI MO ALAM KUNG ANONG PAKIRAMDAM NG LOKOHIN! STOP ACTING THAT YOU KNOW MY PAIN!" Nagulat naman ako. Bigla niya na lang ako sinigawan..
Napatingin tuloy yung mga ibang tao na nandito sa garden..
Napahiya ako..
Nangingilid na naman yung mga luha ko sa mata..
"I-i'm sorry.. Hindi ko sinasadyang magalit ka.. Gusto ko lang naman na bawasan yung sakit na nararamdaman mo.. I'm sorry.." Nakatingin pa rin siya sa mga puno ng masama.. Ibig sabihin nun, galit pa rin siya.. "U-um.. Dito lang ako, tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka.." Sabi ko na lang at umupo ako sa may upuan na nasa ilalim ng puno..
Pinunasan ko muna ng bahagya yung mga luhang kanina pa gustong lumabas..
Akala ko okay na kami.. Pero bakit ganto na naman..
Hay Olivia Sophie, intindihin mo na lang siya kasi alam mo naman yung pinagdadaanan niya.. Masakit talaga ang maloko Olivia Sophie.. Kung ikaw nga nasasaktan ka na sa mga inaasta niya sayo, pano pa kaya ang feeling na maloko diba..
Tinitingnan ko na lang siya habang nakatingin pa rin siya sa mga puno..
Nakita ko naman yung pisngi niya na may tumulo kaya naman lumapit ako agad para iabot yung panyo ko.
"Thank you." Sabi naman nito at kinuha yung panyo para ipunas iyong mga luha niya.
Niyakap ko naman siya patalikod.. Nalulungkot kasi ako sa tuwing nakikita ko siyang ganto...
5 seconds ko siyang hinug at bigla naman niyang inalis yung mga braso ko sa pagkakayakap sa kanya...
"Let me go. Hindi ako makahinga sa ginagawa mo." Malamig niyang pagka-sabi.
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond
Novela JuvenilPossible bang magkabalikan ang dalawang tao after 4 years ng paghihiwalay? Possible bang magkaroon ng pagkakataon? Possible bang kalimutan na lang ang lahat ng sakit at magsimula ng panibagong yugto? Possible bang maging sila na forever? At higit s...