Olivia Sophie's POV
"HUH?? Bumalik si Lucy??" gulat na gulat kong tanong kay Ethan.
"Yes hon at gusto niyang kunin si Nathan satin. Kilala ko si Lucy. Hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha yung gusto niya niya." sabi ni Ethan.
"So anong gagawin natin ngayon?" tanong ko ulit.
"Honestly, I really don't know."
Hay... Ang hirap naman.
"For sure pupunta ulit yun dito." dagdag pa ni Ethan.
"We should talk to her, hon. Kausapin natin siya in a nice way." sabi ko.
"Sa tingin mo titigil siya kapag kinausap natin siya?"
"Itry lang naman natin. Malay mo." sabi ko.
"Osige. Hon sorry kung nadadamay ka pa dito ha. Sorry.." sabi ni Ethan.
"Ano ka ba, hon. Okay lang.. Wag ka magsorry. Hayaan mo, haharapin natin to ng magkasama okay?" sabi ko na lang at hinug siya.
"I love you"
"I love you more" sagot ko.
"ETHAAAAN! LUMABAS KA JAN!" Ay. Sino ba yun at panira ng moment!
Ay kilala ko na kung sino. 😒
Lumabas na kami ni Ethan ng bahay nila.
"Ano na naman bang ginagawa mo dito, Lucy?" si Ethan.
"Kukunin ko yung mga pagmamay-ari ko! At ikaw at si Nathan yun! Kaya halika na at bumalik ka na sakin!" sabi nitong babaeng to.
Aba siraulo pala to e! Wala man lang respeto sakin na nandito ako na gf na ngayon ni Ethan!
"Walang sayo, Lucy! Iniwan mo na nga kami diba? Tapos babalik ka? Hindi kami laruan, Lucy na pwede mong balikan kahit kelan mo gusto!" sabi ni Ethan.
"Akin kayo! Si Nathan! Anak ko siya at ikaw ang ama!" NANGKAKALAITI NA AKO DITO SA BABAENG TO AH!
"E MAY PAGKASIRAULO KA PALA E! HINDI MO NA AKO MAPAPAIKOT ULIT! HINDI MO NA NGA ANAK SI NATHAN SIMULA NUNG INIWAN MO SIYA PARA LANG SA LALAKI MO! KAYA TUMIGIL KA NA AT WAG KA NG BUMALIK DITO!" Galit na si Ethan. Ginagalit kasi nitong babaeng to e. 😡
Tumingin sakin si Lucy.
"IKAW! IKAW ANG MAY KASALANAN NITO E! HINDI KO NA SILA MAKUHA DAHIL SAYO! THIS IS ALL YOUR FAULT, BITCH!" Aba aba aba.
Binabawi ko na pala yung sinabi kong makikipag-usap kami ni Ethan dito ng malumanay.
Ehem ehem. Ready na Olivia Sophie?
Bitchesa mode: ON
"Excuse me, Lucy. First of all, hindi ko kasalanan na tanga ka at iniwan mo si Ethan at yung anak mo. Hindi ko din kasalanan kung mahal na ulit ako ni Ethan. Hindi kasi ako katulad mo na isang GAGO. Kaya mo sinisisi sakin mga sarili mong katangahan. Wag ka na bumalik dito at baka ano pa magawa ko sayo gurl." Oh mabait pa ko sa lagay na yan ha. Nagtitimpi pa ko ng very very light.
Inis na siya bwahaha! At mukhang susugurin ako oh. Pero hinarangan siya ni Ethan.
"Sige lang hon hayaan mo siya." Sabi ko. "Gusto mo ng away Lucy? Sige hindi kita uurungan!" Dagdag ko pa.
"Umalis ka na kasi, Lucy! Wala kang mapapala sa pagpunta mo dito!" Sabi ni Ethan.
"Umalis ka na gurl." Sabi ko na lang din.
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond
Teen FictionPossible bang magkabalikan ang dalawang tao after 4 years ng paghihiwalay? Possible bang magkaroon ng pagkakataon? Possible bang kalimutan na lang ang lahat ng sakit at magsimula ng panibagong yugto? Possible bang maging sila na forever? At higit s...
