Olivia Sophie's POV
It's been 1 week nung umalis ako sa Pilipinas.
Pansamantala akong nandito sa New York para makapag-isip isip ako.
Namimiss ko na nga sina Ethan at Nathan e. Kamusta na kaya sila? Si Ethan kamusta sila ni Cathy...
Masakit pa rin sakin yung nakita ko.. Lalo na yung may nag-send sakin na Unknown number na magkatabi si Cathy at Ethan sa kama...... Masakit para sa akin yun kasi mahal ko si Ethan... Pero wala e... Ibang-iba na siya... Dahil siguro sa galit na dinadala niya. Sa lahat ng taong iniwan at niloko siya..
Sana ngayong wala na ako Ethan, sana maging masaya ka na....
Hindi sa pinapamigay ko na si Ethan ha.. Mahal ko pa rin si Ethan at hindi na basta-basta mawawala iyon. Malaking parte si Ethan sa buhay ko.
Iniwan ko na din ang Cambrey... Sabi ko naman kay Tan na kung pwede pa ko bumalik sa Cambrey, tatanggapin niya pa kaya ako? Sabi naman niya oo naman daw. Ayaw ko naman talaga iwan ang Cambrey. Kailangan ko lang talagang iwan pansamantala.
"Oh bunso, bakit gising ka pa?" Si Kuya Liam. Dito kasi ako nakatira sa bahay nila ng asawa niya. Yup may pamilya na si kuya. Buti nga pinatuloy niya pa rin ako e.
Nandito kasi ako sa labas ng bahay kahit 1 na ng madaling araw.
"Wala kuya nagpapahangin lang." Sagot ko.
"Grabe ka naman magpahangin bunso. Anong oras na oh. Pasok ka na sa loob."
"Sige sunod ako." Sabi ko.
Naramdaman ko namang lumapit siya sa akin.
"Si Ethan na naman ba iniisip mo?"
Tumango na lang ako.
"Bunso, hayaan mo na siya. At Hayaan mong sumaya ka naman. Let go of him bunso."
"Ano bang ginagawa ko ngayon? Wala naman na kaming communication na ah. Namimiss ko lang siya kuya."
"Sabagay, hindi mo naman siya agad-agad malilimutan." Umupo din siya sa tabi ko. "Alam mo ba bunso, yang si Ate Camille mo, hindi ko siya agad-agad nakuha. Pinahirapan ko siya dahil ayaw ko na din maniwala sa mga babae noon. Dahil sa naloko ako ng ex ko. Kaya pinaramdam ko sa kanya na sobrang cold ko. To the point na kita ko sa kanya na nalulungkot na siya. Pero alam mo bunso, hindi siya sumuko. Tiniis niya yung ugali ko kahit sobrang cold ko. Pinaglaban pa nga niya ako sa mga magulang niya e. At yon. Iyon ang love. Na handa kang magsakripisyo at magpakatanga para sa taong mahal at gusto mong makasama." Kwento ni Kuya Liam.
Ano bang pinapahiwatig nito?
"So ibig sabihin mo ba kuya, dapat ko ding tiisin si Ethan?" Tanong ko.
"Ay hindi bunso! Wag mong tiisin yun! Iba na yun! Sabi mo diba ang daming babae? Oh wag na yun! Si Tan yung nakwekwento mo sakin na boss mo sa work mo? Yun na lang!" Sabi ni Kuya.
"Ayaw ko dun." Sabi ko.
"At least pinapakita niyang mahal ka niya at nag-eeffort siya sayo. So sinong gusto mo? Yung Ethan na yun na puro sakit sa ulo ang binibigay sayo? Psh bunso gumising ka na sa katotohanan. Wala na yung Ethan minahal mo noon." sabi ni kuya Liam.
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond
Teen FictionPossible bang magkabalikan ang dalawang tao after 4 years ng paghihiwalay? Possible bang magkaroon ng pagkakataon? Possible bang kalimutan na lang ang lahat ng sakit at magsimula ng panibagong yugto? Possible bang maging sila na forever? At higit s...