Olivia Sophie's POV
Bes!! Ano balita?" Tanong sakin ni Alli. Kakalabas ko lang kasi ng room kung san ako initerview. Lumabas ako ng kwarto na iyon na malungkot..
"Uy bes bakit ang lungkot mo?? Hindi ka ba natanggap?? Uupakan ko yun gusto mo?? Uy bakit??" Tanong ni Alli.
"Bes........." sambit ko kay Alli.
"Oh ano bes? Ano balita?" Tanong niya sakin ulit.
"TANGGAP AKO!!! BES TANGGAP TAYONG DALAWA!!! WE GOT IT BES!!!! MAY WORK NA TAYO BES!!" Biglang nagliwanag ang mga mukha namin!! Tumalon talon pa ko sa saya. Yes! Tanggap kami pareho at pwede na kami magstart next week!
"Really bes? OMG congrats to us! Tara celebrate tayo!"
Biglang nag-ring yung phone ko.
Calling Mommy.........
Sinagot ko naman.
Ako: Hello mommy?
Mommy: Hi anak kamusta? Ngayon interview mo diba? Kamusta? Natanggap ka ba?
Ako: Yes mi natanggap kami ni Alli!
Mommy: Wow congrats anak! Tara celebrate tayo! Kelan kayo mag-start?
Ako: Next week pa po.
Mommy: Oh okay. Makakauwi pa kayo dito sa Manila. So game? Let's celebrate anak.
Ako: Sige po mi. Byahe kami ngayon ni Alli. I miss you mi!
Mommy: Okay sige ingat kayo ha. I miss you too anak!
Binaba ko na yung phone ko.
"Bes pinapauwi tayo ni mommy. Magcelebrate daw tayo since ito yung first job!" Sabi ko kay Alli.
"Sige bes ito tinetext ko na si Steven sabi ko uwi tayo Manila. For sure sasama yun."
"Alangan. Hindi ka naman papabayaan nun e. Haha! 😂 tara na nga!" Umalis na kami sa lugar kung san kami ininterview.
Bumalik na ako sa condo ko at nag-impake ng mga damit ko. 3:00 pm kasi ang alis namin and it's 2:30 pm. Onti lang naman ang dadalhin ko dahil may mga ibang damit naman ako dun sa Manila.
I think I'm ready kaya umalis na ako. Dinaanan ko na din sina Natalie, Andre, and Athena. Since iisang building lang naman ang tinitirhan namin dito sa Baguio.
5 kaming magkakaibigan. Sila yung mga kaclose ko ngayon. At lahat kami ay nandito sa Baguio. Si Andre ay taga Manila din. Pero naging kaclose lang namin siya kasi kablockmate ko siya noon. Pero si Natalie at Athena ay nakilala namin sa school. Ka-blockmate din namin ni Alli. Magkakasama silang tatlo sa isang condo.
Kumatok ako sa pinto nila. "Mga bakla! Ready na ba kayo? Tara na at malalate tayo!" Sigaw ko sa kanila. Agad naman silang lumabas.
"Oh tara gorabells na iteeey!" Kabaklaan talaga mga language ni Natalie. Pero babae siya ah. Ganyan lang talaga siya haha! 😂
Lumabas na kaming 4 sa condo. Oh nagtataka ba kayo bakit hindi si Allison ang ka-condo ko? Well kasi may bahay sina Allison dito sa Baguio. Walang gumagamit kaya siya lang ang tumitira doon. Pero malapit lang naman yun sa condo ko.
Nandito na kami sa baba ng building at nandun na din si Allison nag-aabang sa amin.
"Bes, hindi daw sasama si Steven. May work daw siya. Congrats na lang daw satin." Sabi ni Alli na bakas sa kanya ang kalungkutan.
"Ah ganun ba? Okay lang yan." Sabi ko.
Nakasakay na kami ng bus hanggang sa may tumatawag na naman sa Adrian. Putragis talaga tong lalaking to. Ayaw talaga tumigil. Hinayaan ko lang magring ng magring.
"Ano ba yan bes ang ingay. Ang dami-dami talagang tumatawag sayo. Sino ba ya--" hindi niya na natuloy at tiningnan niya kung sino yung tumatawag sa phone ko.
"Siya na naman? Hindi ba talaga titigil yang ugok na yan? Jusko! Bumabalik siya sayo dahil wala siyang mapagtripan? Ay hinayupak! Hindi ba siya nakuntento sa pagsira niya sa relasyon niyo ni Ethan!?" Galit na galit si Alli. Hala siya. Init ng dugo e.
"Hayaan mo na. Tapos naman na yun," pinatay ko yung call niya. At hindi nagtagal, nagtext siya.
To: Sophie
Hi Sophie! Can we talk? May sasabihin ako sayo.
From: Adrian
"At ano naman ang pag-uusapan niyo??" Sabat ni Alli.
"Ewan ko. Siguro sasabihin na naman niya na mahal niya pa rin ako. Ugok yun e. Hayaan mo bes, hindi ko naman na papansinin yan. Wala naman talagang meron samin dati. Sadyang nilandi niya lang ako." Sabi ko.
"Oh buti naman."tanging sagot ni Alli at bumalik na siya sa maayos na pagkaka-upo.
Dahil sa wala akong magawa habang nagbyabyahe at tulog naman tong katabi kong bestfriend. Tiningnan ko yung gallery ko. Hanggang ngayon nandito pa rin yung mga pictures namin ni Ethan. Ang sarap lang balikan yung nakaraan. Kung titingnan mo yung mga picture namin, hindi mo mapapansin na may mali.
I miss him so much..........
Kamusta na kaya siya? Magkikita ba ulit kami? At once na nangyari iyon, hindi ko na papakawalan pa ang pagkakataon. Hindi ko na siya papakawalan pa.
After 8 hours ng byahe, nakarating na din kami sa bahay namin. Dito naman sila parating nag-stastay kapag umuuwi kami galing Baguio.
"Anak, welcome home!" Bati sakin ni mommy and daddy.
"Mommy! Daddy! I miss you!" Sabik kong pagsabi sa kanya at niyakap ko sila ng mahigpit.
"Welcome home bunso!" Si ate Zoey!
"Ate!! You're here! Akala ko nasa New Work pa kayo. Nasaan si Kuya Liam?" Sabi ko.
"I'm sorry Sophie pero ako lang ang nandito. Walang time si Kuya para makauwi e. Napaka-dami niyang work doon. At ako din. Hindi din ako magtatagal dito. Break ko kasi ngayong week e. Pero ito bigay niya sayo. Congratulation gift daw sayo haha! And I'm glad to see you bunso! Congrats nga pala sayo! And also you Allison! Congrats sa inyo!" Binuksan ko yung box na inabot sakin ni ate. It's a watch! Niyakap kami ni Allison ni Ate.
"Oh okay. Sayang naman wala siya. Pero pakisabi thank you sa gift niya. Thank you ate!" Sagot ko.
"Manang, paki-akyat naman yung mga gamit ng mga bata at para makapagpahinga na din sila." Sabi ni daddy.
"Bukas na tayo magkwentuhan ha. Magpahinga na muna kayo at for sure pagod kayo sa byahe." Sabi ni Mommy.
Umakyat na kami sa taas para matulog. Pumunta na sina Natalie, Athena, Andre, and Allison sa guest room habang ako naman ay sa kwarto ko. Namiss ko tong kwarto ko na to.
At hanggang ngayon, nandito pa rin pala to............
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond
Teen FictionPossible bang magkabalikan ang dalawang tao after 4 years ng paghihiwalay? Possible bang magkaroon ng pagkakataon? Possible bang kalimutan na lang ang lahat ng sakit at magsimula ng panibagong yugto? Possible bang maging sila na forever? At higit s...
