Olivia Sophie's POV
Bakit kaya nagmamadaling umalis si
Ethan?
Pagbaba ko kasi ng phone ko nung tumawag sakin si Tan, nakita ko na lang siya nagmamadaling umalis ng restaurant.
Bakit kaya? Ah baka emergency. Baka dahil kay Lucy kaya siya nagmamadali.
Anyway, tama na nga. Makauwi na nga din.
Lucy's POV
MAGKASAMA SILA NGAYON NI SOPHIE!! THE FUCK!
Nag-open ako ng IG ngayon at nakita ko yung post nung kaibigan ni Sophie. Si Natalie. MAGKATABI SINA ETHAN AT SOPHIE!! MAGKASAMA SILANG KUMAIN!! POTEK NAGKAKAMALAPIT NA NAMAN SILA! TAPOS ANONG MANGYAYARI SAKIN HA! MAKAKALIMUTAN NA AKO NI ETHAN AT BABALIK SIYA KAY SOPHIE!! PAANO KAMI NI NATHAN, SINONG BUBUHAY SAMIN?! HINDI PWEDENG MAWALAN NG AMA SI NATHAN!
ARGH!!
I HATE THAT BITCH!
Ethan's POV
Tinatawagan ko ngayon si Lucy.
Pero nag-riring lang ito. Nakailang tawag na ko sa kanya pero bakit walang sumasagot? Ano bang nangyari sayo Lucy?
Sinubukan kong tawagan siya ulit.
At sa wakas sumagot din!!
"Hello babe? I miss you babe!" -ako
"Hi." Matipid niyang sagot.
"Okay ka lang ba babe? Bakit hindi ka sumasagot sa mga text at tawag ko?" -ako
"Diba sabi ko busy ako. Alam kong busy ka din jan. Busy ka kay Sophie." Huh? Anong pinagsasabi nito?
Bakit anong meron kay Olivia?
"Huh babe? Okay ka lang ba? Anong busy ako kay Olivia?" -ako
"Kasama mo siya kanina diba. Nagdinner kayo sa labas. Magkatabi pa. Ano, okay na kayo? Nagkakamabutihan na kayo? Tapos ano, makakalimutan mo na ko. Iiwan mo ko. Babalik ka sa kanya. The fuck Ethan wag mo na ko kausapin pa!"
At binaba niya na yung phone. Ano bang sinasabi niya?
Nagseselos ba siya kay Olivia? Alam naman niyang siya ang mahal ko.
Alam naman niyang matagal na kong naka-move on kay Olivia.
Sinubukan kong tawagan siya ulit pero wala na. Pinatay niya yung phone niya.
Tinext ko naman siya baka sakaling basahin niya mamaya.
To Lucy:
Hi babe! Wag ka na magselos kay Olivia. Please? She's my ex. Ex ko na siya at hindi ko na siya mahal. Okay? Ikaw lang ang mahal ko. I love you so much Babe! I miss you!
Ayan. Baka sakaling lumambot siya kapag nabasa niya yan.
Alam ko na! Susurprise ko na lang siya! Uuwi ako sa Manila next week! For sure matutuwa yun!
Pero for now, siguro lalayuan ko na muna si Olivia.. Para sa ikabubuti ng relasyon namin ni Lucy..
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Good afternoon sir Tan. Papaalam po sana ako kung pwede po akong mag-leave ng 3 days? Uuwi po sana ako sa Manila. Susurprise ko po sana yung girlfriend at anak ko. Pwede po ba?" Tanong ko kay sir Tan.
"Sure Ethan. Walang problema. Kelan alis mo?" -Sir Tan
"Bukas po hanggang sa Sunday po." Sabi ko.
"Sige sige. Mag-iingat ka ha. Balitaan mo ko kung anong nangyari sa surprise mo." Yes! Pumayag si sir!
Pumunta ako sa kusina ng nakangiti!
At masaya akong nagluto! Nagtatakang nakatingin yung mga kasama ko dito sa kusina. Haha hindi nila alam kung bakit masaya ako.
Nakatingin din sakin si Olivia pero iniiwasan ko ito ng tingin.
Olivia Sophie's POV
Bakit ang saya ni Ethan?
Ano meron?
Gusto ko siyang tanungin pero natatakot ako kasi umiiwas siya ng tingin sakin.
Bakit kaya? Akala ko ba okay na kami?
Bakit ganto na naman?
Hay. Hahayaan ko na nga muna siya. Mukhang masaya naman siya e. I'm happy for him. 🙂
Ethan's POV
Nakasakay na ako ng bus papunta Manila. I'm so excited na makita yung mag-ina ko!!
Hindi pa din ako sinasagot ni Lucy. Pero okay lang masusurprise talaga yun pagnakita niya ako!!
Ito nandito na ako sa bahay nila. Siya lang ang nakatira dito at si Nanay Flor. Si Nanay Flor ang yaya ni Lucy since bata pa lang siya. Sila lang ang tao dito dahil yung parents ni Lucy ay nasa America. Sumama lang siya sakin dito kasi sa Philippines ako nakatira at lumaki.
Binuksan ko yung main door nila sa bahay.
Nilagay ko yung gamit ko sa sofa.
May napansin ako..
Wait... Bakit may mga damit na nakakalat dito sa sala...?
Damit to ni Lucy ah? At may damit din ng lalaki..?
Sana mali ang hinala ko...
Pumunta ako sa kwarto niya.. Nanginginig ang mga paa ko.. Sana mali ako.. Sana mali ang iniisip ko...
Dahan-dahan kong pinipihit ang door knob..
At sumilip ako ng onti...
Shit. Tama nga ang hinala ko.
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond
Fiksi RemajaPossible bang magkabalikan ang dalawang tao after 4 years ng paghihiwalay? Possible bang magkaroon ng pagkakataon? Possible bang kalimutan na lang ang lahat ng sakit at magsimula ng panibagong yugto? Possible bang maging sila na forever? At higit s...
