Chapter 35- Cathy

5 3 0
                                        

Ethan's POV

Hindi ako nakapasok ngayon sa trabaho kasi itong si Cathy bigla-bigla na lang dumadating dito sa Baguio!

Flashback:

*riiiiiiiing riiiiiiiiing*

Kinuha ko naman agad yung phone ko na kanina pa ring ng ring. Inaantok pa ko e! Sino ba naman kasi ang tatawag ng gantong oras! 2:30 am. 😒

Ako: Hello?

Siya: Ethan!!!!

Ako: ANO! SINO BA TO!

Siya: Hahaha! Nagising ba kita? Sorry hahaha! Si Cathy ito!

Ako: Psh. Anong kailangan mo at napatawag ka ng gantong oras?

Siya: Sunduin mo ko!!

Ako: Gaga ang layo layo mo! Nasa Baguio ako!

Siya: I know! Nandito ako sa terminal ng bus sunduin mo ko dali at ang daming nakatingin sakin na manyakis!

Ako: Huh?? Nandito ka?? Bakit???

Siya: Pwede ba mamaya ka na magtanong! Sunduin mo muna ako!

Ako: Psh sige na ito na.

Binaba ko na yung phone ko at sinundo siya sa terminal kahit na tinatamad pa akong bumangon.

Nagsuot ako ng pants at sapatos.

Maglalakad pa ko kasi wala sakin yung sasakyan ni Olivia. Psh!

After 15 minutes, narating ko na yung terminal.

Agad ko namang nakita si Cathy at nakita niya din agad ako.

"Ethan!!!!" Bungad niya sakin sabay yakap.

"Bakit ka ba nandito?" Tanong ko.

"Wala lang. Namiss kita. Char!" Psh. Lokaret na babae.

"Lika na nga! Oh san ka mag-stay dito?" Tanong ko ulit sa kanya habang kinukuha ko yung maleta niya.

"Sayo." Sagot niya.

"Huh?? Sakin?? Bakit sakin??"

"E wala naman akong kakilala dito na iba noh! Arte mo hindi naman kita rarape-in!"

"Gago! Psh! May magagawa pa ba ako."

Kumuha na kami ng taxi para hindi na kami maglakad. Ang bigat-bigat pa man din ng dala nitong babaeng to!

After 5 minutes, nakarating na kami sa bahay na tinitirhan ko.

"Hay salamat nandito na din tayo!" Sabi niya.

Nilapag ko na yung maleta at ibang gamit niya sa kwarto ko.

"Oh magbihis ka na. Dyan ka na sa kama dito na ako sa sofa. Matutulog na ulit ako." Sabi ko.

Kumuha ako ng unan sa kama ko at nilagay sa sofa.

Pahiga na sana ako ng bigla akong hilain patayo ni Cathy!

"Hep hep! Anong tulog? Hindi pa tayo matutulog! Iinom tayo! Tara!" Sabi niya. Psh ano ba tong babaeng to! Ayaw talaga ako patulugin!

"Anong iinom? Ayaw ko hindi ako umiinom!" Sabi ko.

"Utut mo! Alam kong umiinom ka ugok! Tara na ito oh may dala akong wine for us! Tara na! Hindi kita papatulugin noh! Bwahaha!" Sabi niya pa. Psh ano ba to!

Wala na kong nagawa kundi makipag-inuman sa kanya.

"So kamusta ka naman, Ethan William?" Tanong niya.

To Infinity and BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon