Olivia Sophie's POV
Nagising na lang ako ng maramdaman kong wala na kong katabi sa kama.
Teka? Bakit nandito ako sa kama?
At nasan ako? Hindi namin bahay to ah. Hindi ko din ito condo.
Ahhh.
Nasa condo pala ako ni Ethan. At pinalipat niya pala ako dito kagabi sa kwarto niya. Ang sweet talaga ng mahal ko. ☺️
Nahagip ng mata ko si Ethan na nakaupo sa kama. Kaya pala hindi ko naramdaman na may katabi akong nakahiga.
Tulala na naman ito na nakatingin sa window.
Tinitigan ko na lang din ito muna sandali. Ang gwapo niya pa rin kahit nakatalikod. Napangiti naman ako... ☺️
Sinusubukan niyang tumayo kaya agad-agad naman akong tumayo at pumunta sa side niya para tulungan siyang makalipat sa wheel chair niya.
"Gising ka na pala." Sabi nito.
Hindi ako makasagot kasi hindi pa ako nagtotoothbrush baka mahilo siya sa hininga ko tuwing umaga. Hahaha! 😂
After ko siyang alalayan na makalipat sa wheel chair niya, tumungo ako sa cr para magmumog at agad agad naman din akong lumabas ulit.
"Good morning!" Masayang bati ko sa kanya. Matipid naman itong ngumiti.
Hay.. Malungkot pa rin siya..
"Maghahanda na ako ng breakfast mo ah. Wait!" Sabi ko sa kanya at pumunta na ako sa kusina.
Binuksan ko yung ref niya, wala itong laman.
Hay ano pa bang inaasahan ko? E ngayon na lang siya nakauwi dito sa condo niya.
May choice pa ba ako? Edi mag-grogrocery na naman ako. Iiwan ko na naman siya. Hay.
Pumunta ulit ako sa kwarto niya. "Ethan, wala kang supply ng food sa ref.. Labas muna ako para bumili." Sabi ko.
"Okay." Sagot nito. ang tipid-tipid naman nitong sumagot.
"Dadaan na din ako muna ako sa bahay. Don't worry, babalik ako agad." Dagdag ko pa.
"Kahit wag ka na bumalik. Sanay na kong maiwan mag-isa." Tumingin naman ulit ito sa window.
Lumapit ako sa kanya at umupo para makita ang mukha niya. Hinawakan ko yung magkabilang kamay niya.
"Babalik ako Ethan.. I promise babalik ako.. Nangako akong hindi kita papabayaan diba? Babalik ako. Okay?" Sabi ko habang hinihimas-himas ko yung kamay niya.
"Psh. Hindi na ako maniniwala sa mga salita mo Olivia. Nakakagago na." Sabi nito. Inalis niya yung kamay niya sa pagkakahawak ko.
Nagbuntong hininga na lang muna ako bago tumayo.
"Papatunayan ko. Hindi na ako puro salita kundi may halong gawa na." Kinuha ko na yung bag ko. "Alis na ko." At nilisan ko na ng tuluyan yung kwarto niya.
"Ingat ka." Napatigil ako sa paglalakad at Napangiti naman ako ng bahagya. 😌 ayun naman pala e! May concern pa rin siya sakin. Nakakakilig! 😍😍
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond
Fiksi RemajaPossible bang magkabalikan ang dalawang tao after 4 years ng paghihiwalay? Possible bang magkaroon ng pagkakataon? Possible bang kalimutan na lang ang lahat ng sakit at magsimula ng panibagong yugto? Possible bang maging sila na forever? At higit s...
