Olivia Sophie's POV
Nandito na kami sa Baguio.
Pero nagkahiwalay na kami ng tinitirhan ni Ethan.
Bumalik na siya sa bahay na tinitirhan niya. Ako naman bumalik na ko sa condo ko.
Nakakalungkot nga e na nagkalayo na kami ni Ethan. Hindi ko na siya mababantayan. Hindi ko na siya makakatabi sa pag-tulog araw-araw. 😭
Pero nag-usap na kami ni Ethan kung ano ang magiging new schedule namin. Mamaya namin sasabihin kay Tan yung plano namin.
Pang-umaga na ako sa trabaho ko para may mag-aalaga kay Nathan tapos si Ethan naman, pang-gabi na siya.
9:30 am to 4:30 pm ako sa Cambrey
Si Ethan naman, 4:30 pm to 12:30 am.
Kapag pumapasok si Ethan sa Cambrey, kasama niya si Nathan tapos kukunin ko si Nathan para uuwi na kami sa condo ko.
Ganun lang, papasok si Ethan, aalis naman ako.
Alam kong mahirap to pero kailangan namin gawin para kay Nathan.
Pero sa ngayon, nandito kaming parehas sa Cambrey at kasama namin si Nathan pero nandoon siya sa office ni Tan. Pinaalagaan muna namin sa kanya. Haha!
"Oliv, lika na sabihin na natin kay sir Tan." Tawag sakin ni Ethan kaya inayos ko na yung bag ko at sumunod sa kanya.
Gabi na kasi kaya uwian na.
Pumasok na kami sa office ni sir Tan.
"Sir Tan?" Tawag ko.
"Shhhh! Wag kayong maingay tulog na tong anak ni Ethan oh." Sabi naman ni sir.
Ay oo nga. Nakahiga si Nathan doon sa sofa.
"Ay sorry po." Sabi ko.
Umupo na kami ni Ethan sa tabi ng table ni sir Tan.
"Sir, may sasabihin kasi kami ni Ethan." Panimula ko.
"Ano yun?" Tumingin siya samin at tinigil niya yung ginagawa niya.
"Um kasi sir, sasabihin sana namin yung plano naming schedule ni Oliv." Si Ethan.
"Okay lang po ba sir kung pang-umaga ako at si Ethan naman, pang gabi? Para po may mag-aalaga pa rin kay Nathan?" Patuloy ko.
"I'm sorry guys pero mahirap yang sinusuggest niyo. Ethan, baka nakakalimutan mo, chef ka dito at hindi ka basta-basta employee dito. Kailangan ka dito 12 hours straight." Sabi naman ni Sir Tan.
Hays paano na to? Paano na si Nathan?
"Pero si Sophie, siguro pwede ko siyang pagbigyan na pang umaga siya para may mag-alaga kay Nathan." Dagdag pa ni sir Tan.
Yess!!
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Ethan's POV"Pero si Sophie, siguro pwede ko siyang pagbigyan na pang umaga siya para may mag-alaga kay Nathan."
ABA! Loko tong lalaking to ha! Bakit si Olivia pwede??!
Pero tama naman siya kahit papano dahil chef ako dito. So paano si Nathan tuwing umaga?
"Pero paano si Nathan sa umaga?" Tanong ko.
"Edi pwede niyo siyang iwan dito." Sabi ni sir Tan. "Pero teka nga. Bakit kayong dalawa ang namomoblema jan? Diba Ethan ikaw ang kumupkop sa batang to? Bakit dinadamay mo si Sophie?" Aba g*go to ha!
E sa pamilya na ang turing namin sa isa't isa ha!
Hindi ko na napigilan yung sarili ko at tumayo na ko bago ko siya sinagot.
"Excuse me SIR Tan. Hindi porket ako ang nagkupkop, ako lang ang mamomoblema about kay Nathan. Olivia is my partner at para na ring pamilya ang turing ko sa kanila. MAG-INA KO SILA. Bakit nga ba kami nakikiusap sayo e alam ko naman mainit din ang dugo mo sakin." Sabi ko. Tumingin ako kay Olivia. Halatang gulat na gulat. "Halika na Oliv, wag na tayo makiusap sa tulad nitong isang to dahil napakakitid ng pag-iisip niya at hindi maintindihan ang sitwasyon natin." Hinawakan ko ang kanyang kamay at kinuha si Nathan para buhatin at tuluyan na kaming umalis ng Cambrey.
Bwisit tong si Tan e. Nakakaasar talaga siya!
Pinaandar ko na yung kotse ni Olivia at nagdrive na ko papunta sa condo niya.
"Mahal sana hindi mo na lang sinagot si sir Tan." Sabi niya.
"So kinakampihan mo pa yung g*gong yun?? E hindi niya na nga maintindihan yung sitwasyon natin!" Sagot ko. Jusko Olivia dumadagdag ka pa.
"Alam mo, tama naman siya e. Ako lang dapat namomoblema dito. Dahil anak anakan ko si Nathan at ikaw, wala ka naman sa kanya. Inalagaan mo lang siya pansamantala noong nasa Manila tayo. Psh bakit ba kasi ako nagpadala na naman. Sige na okay na. Ako na lang maghahanap ng yaya para kay Nathan." Dagdag ko pa. Nakakabanas kasi e!
Hinawakan niya yung kamay ko na nasa hita ko. "Shhh mahal don't say that please. Kasama mo ko dito okay? Hindi kita iiwan. Sabi mo nga kanina, partner mo ko. Kaya problema mo, problema ko na din. Okay? I love you.."
"Love you too." Sagot ko.
Hinalikan niya ako sa cheeks habang nagdridrive ako.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Tan's POVAng hirap talaga kalabanin ni Ethan psh.
Paano ko ba makukuha si Sophie kay Ethan?
Naiinggit nga ako sa kanila e. Tama naman sila. Para na nga silang pamilya. Ang sweet nga nila e. Nagplaplano sila para kay Nathan.
Pero may plano na din ako. 😏
Naisip ko to nung umalis na sila.
Naisip ko, pagbibigyan ko sila sa gusto nila.
Kukuha na lang ako ng isa pang chef.
Para kahit papano hindi na sila magkikita pa sa Cambrey. BWAHAHAHAHAHA!
Ang talino ko talaga! At least makaka da moves ako kay Sophie tuwing umaga! Bwahahahaha!
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
"Sophie, Chef Ethan, sumunod kayo sakin sa office ko." Tawag ko sa kanila sa kusina."Bakit." Malamig na sagot naman ni Ethan. Nako talaga! Pinupuno ako ng lalaking to ha!
"May sasabihin ako sa inyo." Sabi ko na lang.
Sumunod naman sila sakin at pumasok na kami sa office ko.
"Payag na ko sa gusto niyong schedule." Sabi ko.
"Seryoso sir??" Si Sophie. Halatang gulat na gulat siya.
"Psh. Anong plano mo at bakit nagbago isip mo ha." Bastos tong lalaking to ha!
"Ethan!" Sita naman ni Sophie kay Ethan.
"Napag-isip isip ko, tama naman kayo. Inintindi ko yung sitwasyon niyo. Kaya pinapayagan ko na kayo doon sa gusto niyong schedule para may mag-aalaga kay Nathan. Kukuha na lang ako ng another chef para may katulong ka, Ethan." Sabi ko.
"Buti naman." Sagot ni Ethan.
"Chef Ethan, i'm still your boss." Sabi ko. Nabwibwisit ako dito sa lalaking to ha!
"O ano ngayon? E binabastos mo din sitwasyon namin e!" Sagot ni Ethan.
"Ethan!" Suway na naman ni Sophie kay Ethan. "Sige sir Tan thank you for understanding our situation. Thank you!" Paalam ni Sophie sakin at hinila na niya si Ethan palabas.
Pagkalabas nila, napangiti na lang ako.. 😏😏
Mapapasakin ka din Sophie. 😏
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond
Teen FictionPossible bang magkabalikan ang dalawang tao after 4 years ng paghihiwalay? Possible bang magkaroon ng pagkakataon? Possible bang kalimutan na lang ang lahat ng sakit at magsimula ng panibagong yugto? Possible bang maging sila na forever? At higit s...