Olivia Sophie's POV
"Okay na. Late ka na. Makakaalis na kayo ulit." At nilakasan ko talaga ang loob ko na talikuran sila.
Aaminin ko, nasasaktan pa rin ako sa tuwing nakikita ko siyang kasama yung mag-ina niya.
Nung nilagpasan ko sila, hindi ko maiwasan na hindi tumulo ang aking luha..
Ang sakit pa rin kasi e. Sana kung hindi ko siya niloko at binalewala ngayon, kami pa rin.
Sayang.... Sayang 2 years namin......
Ethan's POV
"Bye babe. Ingat ka dito ha. Wag magpapabaya. I love you babe!" Sabi ni Lucy.
Nandito na kami sa terminal, hanggang dito ko lang sila mahahatid kasi may pasok pa ko mamaya, baka magalit na sakin si Sir Tan kapag umabsent pa ko para ihatid sila sa Manila.
"Yes babe I will. Kayo din dun ah. I love you too babe!" Binuhat ko si Nathan.
"Baby, be a good boy to mommy ha. Wag masyadong makulit. Bye baby I love you!" Sabi ko sa anak ko.
"YES DADDY I LOVE YOU TOO! MWAAAH! 😘" at kiniss niya ako.
Nagbye na ko sa kanya at umalis ang bus na sinasakyan nila.
Bumalik na ko sa Cambrey at sinuot agad ang uniform ko.
As usual, aligaga pa rin kami sa dami ng tao.
Si Olivia?
Bakit parang hindi ko siya nakikita sa Cambrey ngayon?
Absent na naman ba siya?
"Oh Chef Ethan, bakit nandito ka? Dapat nasa Tarlac ka diba?" Biglang dumating si sir Tan.
"Ay shit oo nga pala. Sorry sir ito papunta na." Nakalimutan ko naka-assign pala kami ngayon ni Olivia sa Tarlac dun sa inaayos na restaurant dun.
"Pero sir asan si Olivia?" Tanong ko habang tinatanggal yung uniform ko.
"Nandun na. Kanina pa." Sabi ni sir Tan.
Kaya umalis na ko. Pinagamit sakin si sir Tan yung kotse niya para mabilis daw ako makarating sa Tarlac. Mahaba-haba ang byahe doon.
Mga 1 pm na ako nakarating sa Tarlac.
Nakita ko si Olivia na nag-aayos ng chairs doon. Tapos na yung structure pero inaayos na lang yung loob at pinapaint.
Lumapit ako sa kanya.
"Sorry I'm la---" sabi ko pero hindi ko na natuloy. Lumingon siya sakin.
"Again, you're late." Sabi ni Olivia.
"I know. Kaya nga ako nagsosorry diba?" Problema nito? Sungit e.
Hindi na siya sumagot at pinagpatuloy niya pag-aayos ng chairs.
"Anong maitutulong ko?" Tanong ko sa kanya.
"Ewan ko tanong mo sa kanila." Ang taray niya parin.
Ano ba problema nito.
"Ano bang problema mo Olivia ha. Bakit ganyan ugali mo." Tanong ko.
Nakakainis e. Pagod ako byumahe papunta dito tas yan ang aabutan ko?
Nakakagago e.
"Oh ano na naman problema mo sa ugali ko?" Mataray na sagot nito. Aba. Ang tapang niya na ah.
"ANO NGANG PROBLEMA MO BAKIT KA GANYAN?" Hindi ko napigilan. Nasigawan ko tuloy siya.
"WALA KANG PAKE KUNG ANO PROBLEMA KO! YUN NAMAN TALAGA DIBA? WALA KANG PAKE SAKIN ETHAN! JUST TELL ME THE TRUTH" sigaw niya din kaya pinagtinginan kami ng mga ibang tao sa loob ng restaurant.
Tumingin ako sa kanila, "sorry. Sorry guys." Sabi ko sa kanila. At pabulong na sabi ko kay Olivia. "Alam mo Olivia. Kung may problema ka, wag mong dalhin sa trabaho. Daming naapektuhan. Ayusin mo yang sarili mo. Hindi lahat ng tao maiintindihan ka." At tinalikuran ko na siya hindi ko na hinintay ang isasagot niya.
Nakakabwisit na kasi e. Kung makapag-salita kala mo ang linis.
Olivia Sophie's POV
"Alam mo Olivia. Kung may problema ka, wag mong dalhin sa trabaho. Daming naapektuhan. Ayusin mo yang sarili mo. Hindi lahat ng tao maiintindihan ka." Napatahimik ako dun ah.
Nasigawan ko pala siya. Sorry. Hindi ko sinasadya Ethan...
Kasi naman. Naiinis pa rin ako dahil kahit kelan hindi ko na siya makukuha dahil may Lucy na siya...
Hindi na ako makapagfocus dito sa ginagawa ko..
Naguiguilty kasi ako..
Habang inaayos ko ang mga chairs at table dito, tinitingnan ko siya. Tahimik lang siya at bakas sa kanyang mukha na galit..
Magsorry kaya ako? Nakakatakot e....
Meryenda time na. Kumain muna ako dito at nahagip ng mata ko si Ethan. Mag-isang nakaupo sa table 2. Nakatingin lang siya sa phone niya. Parang may hinihintay o ineexpect na text. Baka si Lucy.. Siguro ito na yung time para makapagsorry ako...
Inubos ko muna yung pagkain ko. At lumapit na ako sa kanya.
Nanginginig ako habang naglalakad papunta sa kanya... Natatakot kasi ako baka sigawan niya ko...
Okay kaya mo to Olivia Sophie... Go!
"Hey..." Sabi ko sa kanya at napatingin naman siya sakin. Ang sama ng tingin niya...
"Um sorry kanina..." Sabi ko at bumalik ang tingin niya sa phone niya. "Sorry kung nasigawan kita.." Dagdag ko pa.
Pero hindi niya ko sinasagot. Hay. Okay lang at least nakapagsorry na ako sa kanya.
Tumalikod na ko ulit para bumalik sa table ko..
"Umupo ka." Sabi niya. Nagulat naman ako dun at napatigil ako sa paglalakad.
Kaya bumalik ako para umupo sa tapat niya.
"Ba-bakit?" Tanong ko. Natatakot talaga ako sa kanya.
Lumapit siya sakin ng onti. "Ano ba talagang problema mo Olivia? Tell me. Please." Sabi nito.
"Um pagod lang ako kanina.." Sabi ko.
"Alam kong nagsisinungaling ka Olivia. Pwede ba. Wag mo na ko paikot-ikutin pa ulit. Magsabi ka ng totoo." Halata niya pa rin talaga kapag hindi ako nagsasabi ng totoo sa kanya.
Bumuntong hininga ako bago magsalita. "Gusto kong makamove on na sayo Ethan. Kasi alam mo, masakit pa rin kapag nakikita kitang may kausap sa phone, kasama mo yung mag-ina mo. Hindi ko maiwasan na mag-isip... Naprapraning na ako Ethan... I'm sorry... Hindi ko ata kakayanin na to...." Sabi ko. Ito na naman tayo, tumulo na naman luha ko...
"Pwede naman tayong maging magkaibigan.... Ulit... Pero hanggang doon na lang...." Sabi nito..
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond
Genç KurguPossible bang magkabalikan ang dalawang tao after 4 years ng paghihiwalay? Possible bang magkaroon ng pagkakataon? Possible bang kalimutan na lang ang lahat ng sakit at magsimula ng panibagong yugto? Possible bang maging sila na forever? At higit s...
