Olivia Sophie's POV
"Sige Alli jan niyo na lang ilagay yung banner. Tapos yung party hats jan na lang sa mga table mo ilagay." Sabi ko kay Allison.
Yes kasama ko siya.
Nasa Manila sila ngayon nila Andre, Athena, at Natalie para tulungan ako sa birthday party ni Nathan. Sinabi ko na kay Ethan ang tungkol dito. Nasa condo lang sila ni Nathan ngayon para hindi makahalata si Nathan na may surprise birthday party kami para sa kanya. Ang hiniling niya kasi sakin diba e more more toys daw. So nag-suggest ako kay Ethan na magbirthday party para kay Nathan para madaming magbigay diba. Haha! 😂
March 16 na kasi ngayon. Birthday na ni Nathan kaya nag-reready na kami at malapit ng maghapon.
May tinulong naman kahit papano si Ethan dito. Siya ang tumawag sa mga guest na pupunta. Yung mga ninang at ninong ni Nathan. Yung mga kasamahan namin sa Cambrey at madami pang iba.
Nandito kami ngayon sa Mcdo. Dito namin gagawin yung birthday party.
"Ayan tapos na ma'am. Okay na po ba?" Sabi ni Alli.
"Good." Sabi ko.
"Sophie, yung cake daw idedeliver na dito." Sabi ni Andre.
"Sige sige." Tumingin ako kay Athena. "Hoy girl ano kamusta ka jan? Tapos ka na ba jan?" Inaayos niya kasi yung mga giveaways.
"Ito na teh patapos na masyado kang atat." Sagot naman nito.
"Mommy Sophie okay na lahat. Kain na muna tayo lunch." Si Natalie. May dala siyang paper bag na may laman na pakain.
"Sira! Hindi pa ko nanay noh!" Sagot ko.
"E kasi naman kung makaasikaso ka dito sa party ng anak ni Ethan e ang OA mo. Para kang nanay na aligaga." Si Natalie ulit.
"E gusto ko lang maging special tong party ni Nathan para kahit papano sumaya naman yung bata at hindi niya na maalala pa yung nanay niyang hinayupak." Sabi ko.
"Tara na nga kain na muna tayo." Dagdag ko pa.Hindi na sila sumagot at umupo na kami para kumain.
"So, kamusta ka naman, Mommy Sophie?" Si Andre.
"Ano ba tigil-tigilan niyo nga yang pagtawag sakin ng mommy. But well i'm fine." Sabi ko.
"Kayo na na ni Ethan ulit? Siguro naman oo dahil 4 months na kayong magkasama." Si Athena.
"Sira! Hindi kami. Parehas lang yung mga nararamdaman namin sa isa't isa." Hihi! Ang pabebe ko! Haha!
"Ay pa-intense si ate girl!!" Si Natalie.
"Ano nga umamin ka na Olivia Sophie!!" Si Allison.
"Hindi nga kami! MU Parang ganun." Sabi ko.
"Aysus. Ayun naman pala e! Malapit na iyon!" Si Andre.
"Gaga sira! Weg nge keyeng genyen." Hihihi!
Ang landi naman Olivia Sophie! 😂😂
*riiiiiiiing riiiiiing riiiiiing*
Sir Tan Calling..........
Me: Hello?
![](https://img.wattpad.com/cover/98566914-288-k142734.jpg)
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond
Teen FictionPossible bang magkabalikan ang dalawang tao after 4 years ng paghihiwalay? Possible bang magkaroon ng pagkakataon? Possible bang kalimutan na lang ang lahat ng sakit at magsimula ng panibagong yugto? Possible bang maging sila na forever? At higit s...