Olivia Sophie's POV
"Ethan ano bang problema mo ha!bakit ganun ang inasta mo kay sir Tan!" Nakakainis naman kasi tong si Ethan. Pinaalis niya agad si Tan habang kumakain kami sa isang resto after namin mag-simba!
Flashback:
"Sophie, alam mo bang miss na miss ka na ng team." Si Tan.
"Talaga ba? Haha! Sabihin mo miss ko na din sila!" Sagot ko.
"Ako din. Miss na din kita. I mean miss ko na yung pagbabake mo." Si Tan. Huh?
Ngumiti na lang ako. Nakita ko naman si Ethan na nakatingin ng masama kay Tan habang kumakain.
"Okay na? Tapos na kayo sa paglalandian?" Singit niya. Sumubo siya ulit. "Gusto ko na umuwi. Lika na Olivia." Ano na naman bang nangyayari dito sa lalaking to.
"Pero wait lang Ethan, si sir T--" hindi ko natuloy.
"Enough Olivia! I said I want to go home! NOW!" Sigaw niya. Napatingin naman yung mga ibang costumers sa gawi namin.
"Calm down Ethan, nakikita ka ng ana--" si Tan.
"I don't care SIR Tan kung naririnig ako ng anak ko. Uuwi na kami! Bye!" Diniinan niya yung pagtawag kay Tan ng 'sir'
Lumapit na ako kay Ethan para iready yung wheel chair niya.
Bumulong naman ako kay Tan. "Sorry."
Ngumiti naman ito sakin at halatang fake yun.
Tuluyan na kaming lumabas ng resto at pumunta sa parking lot.
End of Flashback
"Magpapahinga na ko. Stop arguing with m--" sagot nito sakin. Naiinis na talaga ako kaya hindi ko na pinatapos yung sasabihin niya.
"Wtf Ethan! Hindi tama yung inasta mo kay sir Tan! Ano bang problema mo ha! Baka nakakalimutan mo boss natin s---"
"I DON'T CARE KUNG BOSS NATIN SIYA!"
"SO ANO NGA PROBLEMA MO AT NAGKAKAGANYAN KA! HINDI KITA MAINTINDI--"
"NAGSESELOS AKO! OKAY NA BA OLIVIA? NALAMAN MO NA? MASAYA KA NA BA?" Napatigil ako sa sinabi niya.
"Tita Sophie? Daddy? Are you fighting?" Shit nakalimutan namin nandito pala si Nathan. Napatingin kami parehas ni Ethan kay Nathan. Pumunta ako kay Nathan at lumuhod para magkapantay lang kami.
"No baby. Your daddy and I are just talking about something. Go to your room now." Sabi ko.
Tumakbo naman si Nathan agad papunta sa room niya. Madali na siyang kausap ngayon siguro dahil 2 months na kaming magkasama.
Tumayo na ako at tinulak yung wheel chair ni Ethan papunta sa kwarto niya.
Kumuha ako ng damit niya sa closet niya at aalisin ko na sana yung t-shirt na suot niya.
"Kaya ko." Sabi nito kaya inalis ko na yung kamay ko sa bandang tyan niya.
Tiningnan ko siyang nagbibihis. Kitang-kita na nahihirapan siya.
Napabuntong hininga na muna ako at tinulungan ulit siyang magbihis.
"Sabing kaya ko e!" Sigaw niya.
"Fine! Ang arte mo! Hirap na hirap na kong alagaan ka ah! Araw-araw kitang inaalagaan at yang anak-anakan mo tapos yan ang igaganti mo sakin?! The f*ck Ethan! Halos napapabayaan ko na nga tong sarili ko para maalagaan lang kayo Naiinis na talaga ako! Hindi ko na maintindihan mga inaasta niya!
BINABASA MO ANG
To Infinity and Beyond
Novela JuvenilPossible bang magkabalikan ang dalawang tao after 4 years ng paghihiwalay? Possible bang magkaroon ng pagkakataon? Possible bang kalimutan na lang ang lahat ng sakit at magsimula ng panibagong yugto? Possible bang maging sila na forever? At higit s...